Chapter 36
Sandra
TATLONG buwan na kaming pabalik balik rito sa hospital. Laging nilalagnat si shiloh so, tj and i decided to admit shiloh again. I can't explain how i feel right now, sobrang stress na ang nararamdaman ko. Pero hindi ako pwedeng magpaapekto, lalo na na ngayong may dapat ingatan.
Medyo malaki na rin ang tyan ko, at nahihirapan na rin ako minsan sa mga ginagawa. Kahit gustong magpabuhat ni shiloh sa'kin ay hindi ko magawa. Minsan pa nga ay sumasabay nalang ako sa iyak ni shiloh.
Si tj ay sobrang busy rin sa trabaho. Pero kahit ganon hindi sya nagkulang sa pag asikaso sa amin. Kahit gustuhin man nyang manatili dito sa hospital ay, hindi ko ito pinayagan. Marami syang dapat gawin, hindi pwedeng umikot ang mundo nya sa amin. Lalo na ngayong kailangan mag doble kayod si tj dahil muntik nanamang bumagsak ang company dahil merong isang shareholder ang nag back out sa deal. Medyo malaki rin ang nawala, pero alam kong kayang solusyonan ni tj lahat ng 'yon.
"Babe ako muna mag asikaso kay shiloh ha. You need to sleep na... Your health is more important too. So get some rest, ako na bahala." Grace said.
"Naulit nanaman grace..." Umiiyak kong sabi. " 'yong kinakatakutan ko nangyayare nanaman... "
"Babe, naintindihan ko lahat ng pangamba mo. Pero kung pangungunahan ka ng takot? Mas lalo kang mahihirapan." Lumapit sya sa'kin at umupo sa tabi ko. "You need to pray sandra. You need to ask for help, and i promise hindi ka nya bibiguin."
"Bakit kailangan ng ganito babe?... Bakit sa dami ng makasalanan sa mundo, bakit anak ko pa?, bakit si shiloh pa? Hindi ko maintindihan ee... Sobrang bata pa ng anak ko para mag suffer!..."
"Babe, you need to trust him. You should be thankful." Napalingon ako sa kanya at pinakitang kailangan ko ng sagot sa sinabi nito.
"Ano ba ang sinasabi mo? Bakit ako
Magiging thankful?""Listen!, this is your chance to call his name. He's giving you a chance to ask him for help... In short you need to pray."
Lagi naman akong humihingi sa kanya ng tulong, hindi ko naman sya nakakalimutan. Kaya minsan hindi ko maiwasang magtanong sa kanya.
"Sige na magpahinga ka muna, gisingin kita pag nagising na si shiloh." Sabi ni grace.
Ilang oras din ang paginga ko. Hindi na si grace ang kasama ko ngayon napatingin ako kay tj na mukhang nagtatrabaho pa yata. Lumapit ako sa kanya at naagaw ko rin ang atensyon nya.
"How's your sleep?" Tanong sa'kin ni tj. "Nahihirapan ka ba rito?"
"Ok lang ako tj, Ok lang kami ni baby. Ikaw? Nagpahinga ka na ba? Gusto mo matulog muna?,"
"I'm ok. Don't worry about me hm?" Hinawakan ni tj ang kamay ko para paupuin sa tabi nya, yumakap ito sa'kin at sabay haplos sa malaki kong tyan. "How's our baby boy? Is he behaved?"
"Always. Ibang iba kay shiloh," sabay kaming natawa sa sinabi ko. "Grabe ang hirap ko sa pagbubuntis kay shiloh, nasa tyan ko palang napakalikot na."
"Noong?... Pinagbubuntis mo ba si shiloh, walang findings sa born screening nya?"
"Wala, normal lahat. Pero noong two years old nya, nagkaroon sya ng hika, at noong three years old sya. We found out na meron syang leukemia."