"Here, mag bihis ka." Stacey coldly said as she handed me the clothes.
Kakadating lang namin tapos meron na agad siyang ibinigay na damit. Parang nakahanda na. Mamahalin pa naman ang damit na 'to atsaka mukhang kakabili lang.
"Sigurado ka bang pwede ko 'tong suotin?" Tanong ko.
"Kakasabi ko ngalang na mag bihis ka diba?" Umirap siya. "Such an idiot."
"Sorry ha! Baka kasi hindi 'to libre eh, mukhang mamahalin pa naman, wala akong pera." Inirapan ko din siya.
"Hurry up and change your clothes!" Hinila naman niya ako papunta sa restroom.
"Aray naman! Pwede bang dahan-dahan lang sa paghila? Masakit eh." Sabi ko pero inirapan lang niya ako at pinapasok sa restroom. Magsasalita pa sana ako pero sinara na niya ang pinto.
Baliw!
"Take a bath first before you change your clothes. Ang baho mo!" Sigaw niya sa labas.
"Wow, sino bang may kasalanan? Diba ikaw!" Sigaw ko rin pabalik pero hindi na siya nagsalita pa.
Inilagay ko muna yung damit na binigay niya sa may gilid ng sink at kinuha ang phone ko. Buti nalang hindi siya nabasa, wala pa naman akong pambili ng bago.
Binuksan ko yung phone ko at sunod-sunod ang tunog ng notifications. Ang daming message ni North, Maloi, at Shee sa bagong gc namin. Hinahanap na nga nila ako.
Jhoanna: Sorry hindi agad ako nakapag reply, may nangyari kasi eh kaya hindi ako agad nakabalik sa library.
Sheena: Te naman, muntik na ako himatayin dahil sa gutom!
Jhoanna: Kasalanan mo 'yan
North: Nasan ka, Jho?
Jhoanna: Secret na muna
Maloi: Ayan nanaman siya sa pa secret niya
Sheena: 'wag kang magpapakita sa 'kin, Jho. Nagtatampo ako sa'yo
Maloi: Punta kana dito, hinahanap ka ni Harvey
Jhoanna: Mamamo hinahanap
North: It's true, andito nga si Harvey. Hinahanap ka niya, he wanted to apologize daw kasi hindi siya nagparamdam these past few days
Maloi: True, nasa England daw kasi siya. May inasikaso si future mo sa England yieee
Sheena: Daebak mo naman sis
Agad kumunot ang nuo ko nang sinabi ni Maloi na nasa England si Harvey. Galing din si Stacey sa England, diba? Tapos kakauwi lang niya and pati si Harvey.
Ibig ba sabihin nun magkasama silang dalawa sa England at sabay din silang umuwi dito?
I turned my phone off at inilagay sa sink katabi ng damit. So all this time magkasama pala sila sa England? Nag comeback ba sila? Anong ginawa nila dun?
Gosh, bakit ba ang dami kong tanong sa isipan ko? Wala naman dapat akong pake sakanila pero bakit ako nagkakaganito?
Sumandal ako sa wall at huminga ng malalim, trying to not think about them.
"Hey, why are you so tagal? Can you please hurry up!" Rinig kong sigaw niya mula sa labas.
Napapikit nalang ako at pumasok para maligo. Stop thinking about it, Jho!
![](https://img.wattpad.com/cover/373918767-288-k640036.jpg)
YOU ARE READING
Fall For You
FanfictionJhoanna Elise Dizon decided to study in crestwood university, which is her dream school since she was just an elementary student. She thought her student life there will be easy, not until she met Stacey Aubrey Gonzales.