20

275 6 30
                                    


"Dikit nang dikit si Estelle sa baby mo," pagsusumbong ni Miah sa akin. Kaagad ko siyang nilingon. He looked back and laughed. "Madudurog 'yang siopao mo sa galit."



I looked at my siopao. Aw, my poor siopao! Sinimulan ko na iyong kainin. Dahan-dahan pa ako sa pagkain dahil ayaw kong madamay iyon sa galit ko!



"Bakit ba ayaw lumayo ni Estelle kay Phil?" Maybe Miah knows the reason.



"Sino ba namang lalayo kay Phil? Guwapo, matalino, matangkad, hygienic, talented, bad boy look si gago, engineering student na may kotse, tapos student leader pa. Ikaw nga 'di mo na nilayuan, e." Tumawa si Miah nang samaan ko siya ng tingin. Napailing na lamang siya at sumimsim nalang sa straw ng soda niya. "Maraming nagkakagusto kay Phil. At marami pang magkakagusto ro'n. Pero huwag kang mag-alala, hindi ka lolokohin ni Phil. Ganda mo kaya. Matalino ka rin. Masayang kasama. Ba't pa siya maghahanap ng iba?"



"Really? You see me like that?" Miah rolled his eyes, making me laugh. Lumihis na ulit ako ng tingin. Pinanood ko nalang sila Phil habang tumatakbo sila sa court nang paulit-ulit. "Why aren't you with them? You should be training!"



"Pass muna. Nagpaalam na ako sa kanila. May tama kaliwang paa ko." Napatingin tuloy ako sa paa niyang natatakpan naman! "Hindi mo syempre makikita kahit walang sapatos, 'to naman."



"Malay ko ba!" Umirap ako. Pinapanood ko si Phil nang bigla akong may maalala. "Do men get jealous too? Like really jealous? I cannot differentiate it from obsession. But I'm sure what I experienced before with my past relationships was an obsession."



"Natural naman 'ata 'yong magselos. Kahit ako, nagseselos naman ako. Pero masama lang kung selos ang iiral palagi. Parang gago ka naman kung magseselos ka kahit na busog ka na sa assurance. O kaya wala naman ginagawang nakakaselos."



"Kung ikaw, for example, you have a girlfriend. And people started commenting the name of her ex on your post. Will you get mad?"



Kumunot ang noo ni Miah. Napatigil siya sa pagkain at napatingin na sa akin. "Syempre magagalit. Magagalit sa mga nag-comment kasi ang bastos sa part ko. Pero hindi ako magagalit sa girlfriend ko."



"That's right! Because your girlfriend has moved on already!"



"Baka hindi pa nakaka-move on. Joke. Malay ko ba, wala naman ako niyan!" Sasagot pa sana ako nang may lumipad na bola sa kabilang side. Malapit kay Miah. "Putangina—Sinong gago ang nagpalipad nitong bola imbis na i-shoot sa ring?!"



Tawang-tawa ako nang tumayo si Miah. Tumatawa rin iyong ibang teammates nila. Pero nang makita ko si Phil na nakapatong ang mga braso sa barricade at seryosong nakatingin sa amin ay natigil ako. Sumenyas siya kay Miah na ibigay sa kaniya ang bola. Naawa agad ako kay Miah dahil injured siya! Kaya inagaw ko kaagad ang bola sa kaniya.



Nagmamartsa akong bumaba ng bleachers. Bumaba na rin ako't pumasok sa side ng court. Sinalubong kaagad ako ng boyfriend ko. I gave him the ball with force. His forehead creased with what I did. I raised a brow because of his reaction.



"If you're mad at me because of my ex, well fuck you. That's all in the past—" I was cut off by his lips. It was just a peck but my whole system stopped. He left an inch of distance between our faces. He sighed before finally standing up straight.



"I'm not mad. Who said that I was mad? I'm sorry I made you feel that way. But trust me, I wasn't mad at you. I was pissed off by people who commented his name. That was fucking disrespectful."



Blueprints of a Life with youWhere stories live. Discover now