1

517 12 35
                                    


I can't remember when I started having a crush. Maybe it was when I was swimming in a resort where I saw this cute little kid. I tried to swim and swim just so I could impress him. But instead, a dirty old man smiled at me.



Or was it when I had a classmate who was a transferee? I sat beside him and brought him chocolates everyday. I would also borrow coloring materials from him even though I had a box of 120 crayons and a separate pencil case full of coloring pencils and pens.



Or maybe it was when I reached my high school years. I met Jeremiah. He was funny and kind. His face was just a bonus.



"Ahhh! Shit! Ang bobo ko!" Sinabunutan ko ang sarili ko nang maalala ko ang ginawa ko. Tumatawa naman si Sol habang pinapanood akong mabaliw sa sariling katangahan. "Bakit kasi ako umamin?!"



"Aba, malay ko sa 'yo! Ikaw 'tong umamin, tapos ako tinatanong mo ngayon? 'Di ba, Anonymous naman nilagay mo?" Tinarayan niya pa ako. Pero wala akong panahon sa pagiging sarkastiko niya! Dahil hiyang-hiya ako ngayon! Pucha, paano ko na haharapin si Jeremiah?! "Crush mo ba talaga 'yon? Nakita ko 'yon malapit sa barangay namin, nagyoyosi. 'Di ba, major turn off 'yon sa 'yo?"



"Eh... Si Jeremiah naman 'yon! Kaya okay lang! Saka moderate lang naman siguro ang paninigarilyo niya. Pero teka... Nakita mo malapit sa inyo?! Kailan?! Saan?!" Umupo ako sa tabi ni Sol at niyugyog siya. Nagreklamo pa siya ngunit wala iyong laban sa pagkadesperada ko! "Sasama ako mamayang uwian sa 'yo-"



"Huh?! Bahala ka nga riyan, pangit ng trip mo!" Biglang tumayo si Sol kaya muntik pa akong masubsob sa lupa! Ang bantot ng ugali! "Binibiro lang kita, e. Hindi ko nga kilala 'yang crush mo."



"Weh?! Hindi mo siya kilala?! Wow, Sol, kakaibang breed ka talaga!" Tumayo na rin ako at humabol sa paglalakad niya. "Si Jeremiah na 'yon!"



"Oo, si Jeremiah nga 'yon. Tapos?"



"Ang tino mong kausap! Pareho kayo ni Larrick! Baka kayo talaga ang kambal, 'no? Hoy, sandali!" Tumakbo ako nang bilisan pa ni Sol ang paglalakad niya. Ang maliit na 'to talaga! Ang liit niya pero ang sungit! "Hoy, Sol! Tulungan mo naman ako. What if itulak mo ako kapag dumaan si Jeremiah?"



"Bakit ko naman gagawin 'yon? Ano ako, tanga kagaya mo?" Napaismid ako sa sinabi niya. Ang sakit mo, Solana!



"Please, Sol?" I showed her my puppy eyes. She stopped walking only to make a disgusted face! "Ihhh!"



"Ihhhtulog mo 'yan!" Napairap nalang ako sa pambabara ni Sol.



Tinapik ko si Sol nang makita ko si Jeremiah na dumaan sa room namin. Ang pogi niya! Damn, that bad boy look! Buti nga at hindi siya sinisita sa earring niya! Madalas din ay nakabuka ang polo ni Miah. Minsan kulang nalang ay hubarin niya na rin iyong pang-ilalim niyang puting shirt.



He looked inside our classroom and smiled when our eyes met. I bit my lower lip as I felt my cheeks heated! Nahampas ko ang braso ni Sol. Kaagad niya naman akong binatukan dahil sinusubukan niya palang matulog. I made a peace sign and smiled at her.



Nakangiti tuloy akong nagsulat sa notebook ko. Kahit hindi naman important notes, sinulat ko pa! Gano'n ang epekto niya sa akin. Hay, kung alam niya lang kung paano ko hinihiling na sana magkatuluyan kami sa future!



"Anderson, Larissa Janelle Malate, With Highest Honors." I smiled when I heard that almost everyone clapped for me. I looked at the side and saw Jeremiah with some of his friends. Hiwalay ang senior high recognition sa recognition namin pero nandito sila. Iisipin ko na talagang crush niya rin ako.



Blueprints of a Life with youWhere stories live. Discover now