CHAPTER 4: "MIHI"
Sumapit ang gabi at sinimulan na nila ang napag-usapan. Nagkita-kita ang mga kaibigan sa harap ng nemesis building. Sumuong sila sa yellow tape na nakaharang sa harap ng building. Pagdating nila sa 3rd floor na pinangungunahan ni Mark ay mas lalo pang dumami ang yellow tape na nakaharang sa pintuan. Akmang tatanggalin iyon ni Roni ngunit pinigilan siya ni Mark.
"Don't. Malalaman nila na may nagpunta dito." Pigil ni Mark kay Roni.
"Eh paano tayo makakapasok?" tanong ni Roni.
"Duhh. E'di lumusot." nakataas na kilay na suhestyon ni Steffanie.
"Hindi ako kasya jan!" sabi ni Roni.
"Kasya yan..." sabi naman ni Marjorie.
Nabigla naman sila ng marahas na tinanggal ni Keifer ang yelow tape.
"Problem solved!" Inosenteng sabi niya at naunang pumasok. Napahinto naman siya sa nakita.
Isang upuan na may maraming dugo, gayun din sa paligid nito. May mga evidence markers sa paligid. Gayun din sa mga kandila at illuminati sign na ginawa nila noon. Bigla naman silang kinilabutan dahil hindi nila lubos maisip ang kahirapan na nangyari sa kanilang kaibigan.
Inikot ni Marjorie ang kaniyang paningin sa loob ng lumang silid aralan. Ang mga mahahabang kurtina ay may mga talsik ng dugo. Kahit ang Blackboard ay ganoon din. Napatingin naman siya sa kanyang paanan ng may narinig siya isang tunog.
Patak ng dugo. Iyong ang nakita niya. Pumatak ulit ang dugo na nanggagaling sa kisame. Kaya naman unti-unti siyang tumingin sa itaas.
"U-uhhmm... G-guyss..." gulat na tawag niya sa kanyang mga kasama na hindi inaalis ang paningin sa kisame.
"Ano 'yon?" tanong ni Mark ngunit hindi siya sinagot ni Marjorie. Tumingin naman siya sa kisame. At ganoon din ang ginawa ng iba.
"What the hell is that?" mura ni Keifer.
May isang malaking sulat na gawa sa dugo na marahil ay galing sa dugo ni Andrea.
"Mihi?" takang tanong ni Steffanie.
"Anong ibig sabihin niyan?" takang tanong din ni Roni.
"Roni, take a picture of it." utos ni Mark at ginawa naman iyon ni Roni. May isang malakas na kalabog silang narinig sa kabilang classroom kaya nilabas nila ito kaagad. Hindi naman pinagtuunan ng pansin ni Shane ang ingay at diretso lang ang tingin nito sa kabilang dulo ng hallway. Napansin iyon ni Keifer kaya naman ay tumingin din siya sa direksyong iyon. Nagulat naman siya at natakot sa nasilayan.
Hahakbang na sana si Mark papalapit sa kabilang classroom ngunit pinigilan siya ni Keifer.
"W-wag..." kinakabahan at halata sa boses nito ang takot ng sinabi niya iyon.
"Bakit?"
Hindi pinansin ni Keifer ang tanong ni Roni at nanatili ang kanyang paningin sa kabilang dulo ng hallway.
"H-hindi niyo ba siya n-nakikita?" bakas sa mukha nito ang takot at kaba habang nakaturo sa direksyong iyon. Tumingin naman duon ang mga kasama niya ngunit wala silang nakita.
YOU ARE READING
Retribution
Short StoryPitong estudyante ng Blackwood University ang nangahas na gisingin ang espirito na naninirahan sa 3rd floor ng abandonadong nemesis building para sa pansariling katuwaan. Ngunit ang inakala nilang katuwaan lamang, ay siya ring maglalagay sa kanilang...