CHAPTER 6: AN EYE OUT
"Tahan na Steffanie." pagpapatahan ni Marjorie sa umiiyak niyang kaibigan na si Steffanie.
Kasalukuyan silang nasa sasakyan papunta sa bahay ng yumaong kaibigan nila na si Keifer. Tatlong araw na simula nung pagkamatay niya. Hanggang ngayon ay hindi parin sila makapaniwala sa sinapit ng kaibigan nila. Hindi pa nga tapos ang lamay ni Andrea ay may ibang lamay na naman silang pupuntahan.
Nag-aalalang napatingin naman sa rearview mirror si Mark dahil sa walang humpay na pagiyak ni Steffanie. Kahit si Marjorie ay palihim na naluluha. Ngunit kailangan niyang maging malakas para sa kaibigan niya. Alam nila na kahit ganoon ang ginawa ni Keifer sa kanilang kaibigan ay hindi parin tama na buhay niya ang naging karma niya.
Napalingon naman si Roni sa kanila. "Tama na yan, Steffanie..." sabi niya at napalingon sila sa kaniya. "Baka pangit ka niyan pagharap mo kay Keifer." nanunuyong sabi niya at tinignan naman siya ng mga kaibigan niya ng nakakamatay na tingin. "Guys... Chill. Pinapatawa ko lang naman kayo..." sabi niya pa habang nakataas ang dalawang kamay sa ere na parang sumusuko.
"Hahahahaha..." tawa ni Steffanie kaya napalingon sila sa kanya at bahagyang natawa.
"Nga pala. Sandali lang tayo kela Keifer." sabi ni Mark habang nasa daan parin ang paningin.
"Bakit?" kunot noong tanong ni Marjorie.
Bunmuntong hininga muna si Mark bago sumagot. "Pupunta tayo ng simbahan kasi... L-libing ngayon ni A-Andrea." mahinang sabi niya na agad ikina-bago ng mood nila.
Bumuntong hininga naman si Marjorie at itinuon ang tingin sa labas ng bintana habang hinahagod pa rin ang balikat ni Steffanie habang yakap-yakap niya ito. Makulimlim ang langit at tila babagsak na ang ulan, ano mang oras. Kahit ang panahon sa sumasabay sa emosyon nila.
"Si Shane nga pala?" tanong ni Roni.
"H-hindi daw siya makakasama kasi may lagnat siya." mahinang sagot ni Steffanie.
"What? Iniwan niyo siya sa dorm ng mag-isa habang nilalagnat?" kunot noong tanong ni Mark.
"Hindi noh. Gusto ko nga sanang magpaiwan para alagaan siya pero nag-insist siya na ayos lang siya." paliwanag ni Marjorie at tumango naman sila.
"Kamusta na kaya ang lagay niya." nag-aalalang tanong ni Roni.
Hindi nagtagal ay nakarating din sila sa mansyon ni Keifer. Tama, napakalaki ng bahay nila Keifer. Matatawag mo talaga itong mansyon dahil sa laki at gara ng disenyo ng bahay.
Maraming bisita sa labas ng bahay nila Keifer. Karamihan sa kanila ay naka white at black. Pag-pasok nila sa loob ay sinalubong kaagad sila ni Tita Del. Ang mommy ni Keifer.
"Buti at nakarating kayo." bungad niya sa kanila.
"Nakikiramay po kami." si Mark
"Condolence po." si Roni.
"I'm sorry for your loss, po." si Marjorie.
"Salamat..." napunta naman ang tingin ni Tita Del sa umiiyak na si Steffanie.
"C-condolences po, t-tita." umiiyak na sabi niya. Kaagad naman siyang niyakap nito.
"I'm sorry for your loss, hija." malungkot na sabi nito kay Steffanie at iginayad siya papunta sa harap ng kabaong.
Duon na naibuhos ng maigi ni Steffanie ang luha niya habang yakap-yakap ang kabaong ni Keifer. Kahit na niloko siya nito, ay hindi niya maipagkakaila na mahal na mahal niya pa rin ang binata.
YOU ARE READING
Retribution
Short StoryPitong estudyante ng Blackwood University ang nangahas na gisingin ang espirito na naninirahan sa 3rd floor ng abandonadong nemesis building para sa pansariling katuwaan. Ngunit ang inakala nilang katuwaan lamang, ay siya ring maglalagay sa kanilang...