EPILOGUE
6 years later...
Napuno ng hiyawan, gulatan, at takutan ang buong klase ni Marjorie dahil sa kanyang i-kwinentong mala horror movie na kanyang naranasan noong nag-aaral pa siya sa Blackwood University.
Bakat ang takot sa mga mukha ng kanyang mga estudyante, lalong lalo na ng mga kababaihan na halatang kinikilabutan. Meron din naman sa mga kalalakihan ngunit mas marami sa kanila ang iniinis at tinatakot ang mga kaklaseng babae.
Napangiti ng tipid si Marjorie. Gustuhin man niyang ipakita ang takot na naramdaman niya ng mga panahong iyon ay hindi na niya magawa. Dahil sa nakatatak na sa isip niya na tapos na ang lahat.
"Ma'am!" napabalik si Marjorie sa realidad nang tawagin siya ng isa sa kanyang mga estudyante.
"Yes?" tugon niya dito.
"Paano niyo po nakayanan iyon? I mean, namatay yung mga kaibigan ninyo, and you actually witnessed your friend being possessed by some kind of a spirit or demmon. Kung ako siguro yun, nabaliw na'ko!" natatawang saad ng estudyante. Mhina namang napatawa si Marjorie.
"Well, nakakabaliw talaga yun." biro niya at natawa naman ang mga estudyante niya. "Pero, dahil sa mga kaibigan ko, nakayanan ko ang lahat nang iyon. If it weren't for them, you might not have Ma'am Marj here with you today." biro niya ulit at natawa naman sila.
Ito ang paraan ni Marjorie para makalimot sa mga nangyari. Ang mag biro. Sa tuwing may nagtatanong sa kanya tungkol sa mga nangyari nuon, ay sinasamahan niya ito ng mga biro. Sa isip niya ay masyadong kumplekado at nakakalungkot ang mga nangyari. Kaya't ginagawa niya ito para pagaanin ang lahat.
"Eh ano pong nangyari sa mga nabuhay, ma'am Marj?" tanong naman ng isang lalakeng estudyante.
"Sa ngayon si Ms. Ocampo---Mrs. rather, ay masaya ng naninirahan sa America ngayon. Si Roni naman, may sarili nang construction firm. Engineer kasi siya. At si Mark naman, may sarili nang Law firm." sagot niya sa bata.
"Matanong ko lang po. Ano nang nangyari sa love story niyo ni Sir Mark?" kinikilig na tanong ng isa niya pang estudyante. Napangiti naman at kinilig ang iba niya pang estudyante. Pinagmasdan niya ang mga estudyante at napangiti siya dahil, bakas sa mga mukha nila ang kilig at halatang naghihintay sila sa sagon niya.
"Ang totoo nyan, ka---" hindi natuloy ni Marjorie dahil may biglang kumatok sa pintuan niya. Napatingin naman silang lahat sa pintuan. Nanlaki naman ang kanilang mga mata sa nakita.
"Special food delivery for the most beautiful woman that I've ever met in my entire life." nakangiting sabi ng isang matipunong lalaki na nakasuot ng tux. Kahit na makapal ang suott nito ay makikita pa rin ang naglalakihang braso nito.
Napangiti naman si Marjorie at sinenyasan ang lalake na pumasok. Pagkapasok ng lalake ay kaagad itong niyakap ni Marjorie at iniharap sa mga estudyante niya.
"Everyone, I would like you to meet Atty. Mark Salazar. My husband." pagkasabi non ni Marjorie ay kaagad na naghiyawan ang kaniyang mga estudyante sa kilig.
"Nice to meet you, everyone! Pwede ko bang hiramin ang napaka-ganda niyong teacher?" nakangiting sabi ni Mark sa mga estudyante at kaagad naman silang sumangayon. Ang iba ay nanunukso pa. Napatawa na lamang sina Mark at Marjorie dahil sa inaakto ng mga estudyante.
"Wait! may question pa po ako, ma'am!" sigaw ng isang estudyante kaya napatingin silang lahat sa kaniya.
"What is it?" tanong ni Marjorie.
"Ano na pong nangyari sa kaluluwa ni Shane?" inosenteng tanong niya at napatingin naman ang mga kaklase niya kila Mark at Marjorie. Nagkatinginan naman muna si Mark at Marjori bago sumagot.
"Actually, we don't know." sagot ni Mark.
"Let's just hope na nasa mabuting kalagayan siya." sagot naman ni Marjorie at binigyan sila ng isang tipid na ngiti.
"One last question, ma'am." napatingin naman sila sa estudyanteng nasa harapan. "Saan po exactly nangyari lahat nang iyon?" takang tanong niya. Kunot noong napatingin si Marjorie sa kanila.
"Hindi ko ba nabanggit sa inyo kung saan?" kunot noong tanong niya.
"Hindi po." halos sabay na sagot ng mga estudyante niya.
Tumingin siya sa paligid bago sumagot. "Dito sa school natin." tipid na sagot niya.
"Where exactly, ma'am?"
Inilapit ni Marjorie ng kaunti ang kaniyang mukha sa kanyang mga estudyante. "Dito mismo sa classroom na ito." mahinang sabi niya at napasinghap naman ang mga estudyante niya. Ang iba ay napa tili pa.
Tumawa naman sina Marrjorie at Mark kaya napatingin silang lahat sa kanila. "Don't worry, guys. Wala na yung dating building. Bagong building na itong tinutuuyan natin. Na timing lang talaga na nasa third floor tayo ngayon. Kung saan nangyari lahat ng iyon." Paliwanag ni Marjorie at napahinga naman ng maluwag ang mga estudyante niya. "Okay, that would be all. Class dismissed!" pagkasabi niya nun ay kaagad na nagpaalam ang mga estudyante niya at umuwi na sa kani-kanilang mga dorms.
"Let's go?" tanong ni Mark at tumango naman si Marjorie.
"Si Roni?" tanong ni Marjorie.
"Nauna na siya. Kanina ppa siya naghihintay sa atin dun." natatawang sabi naman ni Mark.
Sumakay na sila sa kotse at pumunta sa destinasyon nila. Halos dalawang oras din ang byahe nila dahil sa traffic. Nang makarating na sila ay nakita kaagad nila si Roni na nakaupo na sa isang kumot na nakalatag sa bermuda grass. May mga pagkain na rin doon.
"Ang tagal niyo ah..." reklamo ni Roni.
"Rush hour kasi." tugon naman ni Marjorie. "Oh, kamusta na kayo?" baling ni Marjorie sa kaniyang mga kaibigan na si Steffanie, Keifer, Andrea, at Shane.
"As if namang masasagot ka nila." pambabara ni Roni kay Marjorie at tanging batok lang ang natanggap nito.
"Ayan, nabatukan ka tuloy. Inisin mo na lahat, wag lang yung buntis." Biro naman ni Mark at nagtawanan sila.
Napatingin naman sila kay Roni nang magsalita ito. "Haayyy. Sana naman at masaya sila kung naman man sila ngayon noh." sabi niya habang nakatingin sa kalangitan. Mabilis namang sumangayon ang dalawa.
'Sana nga, Roni. Sana nga.'
Sambit ni Marjorie sa kaniyang isipan at nakangiting pinagmasdan ang magandang lugar ng memorial park. May mga ilan, ilan itong puno na dumagdag sa kagandahan ng lugar.
Napunta naman ang tingin ni Marjorie sa isang puno na nasa pinakagitna ng memorial park. Isa itong malaking balete na may malaking cross sa katawan ng puno.
Napatingin naman siya sa mga naglalakihang ugat ng puno at doon niya napansin ang estudyanteng nakaupo duon na may sinusulat sa kaniyang notebook. Biglang huminto sa pagsusulat ang estudyanteng babae at tumingin sa direksyon ni Marjorie. Dahil sa gulat niya ay nabitawan niya ang baso ng juice na hawak niya at natapon ito sa dahit niya.
Kaagad naman siyang tinulungan ni Mark habang si Roni ay nililigpit ang kalat.
"Oh, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Mark. Ngunit hindi niya pinansin ang kanyang asawa at tinignan ulit ang estudyante ngunit wala na ito doon.
"Marjorie." tawag sa kanyang ni Mark kaya't napatingin siya sa kanya. "Okay ka lang?" nag-aalalang tanong nito.
"H-ha? Oo naman." sabi niya at tipid silang nginitian.
"Anong tinitignan o dun? Gusto mo bang pumunta doon?" tanong ni Roni.
"Hindi na. Dito nalang." nakangiting sabi niya kaya't napaayos ulit sila ng upo at bumalik sa kanilang masayang kwentuhan.
Ngunit hindi mawala sa isip ni Marjorie ang kaniyang nakita.
'Sino kaya 'yon?'
--- The End ---
YOU ARE READING
Retribution
Historia CortaPitong estudyante ng Blackwood University ang nangahas na gisingin ang espirito na naninirahan sa 3rd floor ng abandonadong nemesis building para sa pansariling katuwaan. Ngunit ang inakala nilang katuwaan lamang, ay siya ring maglalagay sa kanilang...