CHAPTER 1: BLOODY STUDENT
"Mga pasaway!" sigaw ng guidance councilor ng Blackwood University na si Mrs. Pineda. "Alam ninyong lahat na bawal pumunta sa nemesis building dahil scheduled for demolition yun at dilikado doon..." sermon niya sa magkakaibigan na kasalukuyang nakaluhod habang nakataas ang dalawang kamay sa harap ng classroom nila sa new building. "...Pero dahil matitigas ang ulo ninyo, nagpumilit pa rin kayo! At hating Gabi niyo pa talaga naisipang pumunta doon! Do you have any idea that you broke several school rules! " sabi niya habang tinuturo sila.
"Mr. Salazar!" baling niya kay Mark. Gulat naman itoong napatingin sa kanya. "... I am greatly disappointed by your actions..." napayuko naman si Mark. "Naturingang class president and candidate for valedictorian ka pa naman! How can you let this happen!?" disappointed na sigaw niya.
"I'm sorry, ma'am." mahinang sabi niya.
"You, Ms. Bonaobra!" baling naman niya kay Marjorie. "You're one of the best students of Blackwood University and you're also the student council president! Yet you're acting like this! Paano kung matanggal ang scholarship mo!?"
"I'm sorry, Mrs. Pineda." nahihiyang sabi ni Marjorie na halatang nagsisisi sa nangyari.
"Mr. Suson and Ms. Ibon! Akala ko pa naman mababait kayo!" tanging yuko at katahimikan lang ang naging tugon ni Roni habang napapalunok naman si Andrea dahil sa kaba.
"Ms. Hidalgo and Mr. Magno!" baling niya kay Steffanie at Keifer. "Well, I don't expect much from you. Kase kayo lang naman ang nagpasimuno sa kalokohang ito!"
"Pero ma'am---"
"Aba't sasagot ka pa!?" putol niya kaagad sa sasabihin ni Keifer.
"wag ka nang sumagot."
"shut up Keifer"
"shhhhh"
"ano ba Keifer."
"Attention seeker."
sita ng mga kaibigan niya sa kanya.
"Silence!" sigaw ni Mrs. Pineda at tumahimik naman sila. "You will all face detention after school. Understood?!"
"Yes, ma'am." sabay nilang sabi habang si Steffanie ay umirap lang.
Ngumiti naman si Keifer. 'tatakas nalang ako...' saad nito sa isip niya.
"At huwag mo nang balaking tumakas, Mr. Magno! My God! Mga first section pa naman kayo!" galit na saigaw ni Mrs. Pineda at umalis. Napakamot naman si Keifer sa ulo dahil mukang nabasa ng guro ang kaniyang isip.
Ang pag-alis ni Mrs. Pineda ay parang naging hudyat nila para tumayo. Inis namang napatingin si Steffanie kay Keifer.
"Attention seeker ka talaga eh noh?"
"Ano bang problema mo?" parang galit na tanong ni Keifer kay Steffanie.
"You. You are my problem! Kung hindi dahil sayo, hindi mangyayari to!" inis na sigaw niya at dinuduro pa ang kaibigan.
"Ano ba, Steffanie. Hindi ito ang tamang oras para dyan." mahinahong pagawat sa kanya ni Andrea.
"Kung maka sisi ka ah... parang wala kang kasalanan. Baka nakakalimutan mo na ikaw ang natalo sa bet. ikaw!" inis na sabi ni Keifer.
YOU ARE READING
Retribution
Cerita PendekPitong estudyante ng Blackwood University ang nangahas na gisingin ang espirito na naninirahan sa 3rd floor ng abandonadong nemesis building para sa pansariling katuwaan. Ngunit ang inakala nilang katuwaan lamang, ay siya ring maglalagay sa kanilang...