CHAPTER 7: MESSAGE
Habang bumabyahe sina Roni, Mark, at Marjorie papunta ng simbahan ay may biglang na-alala si Roni.
"Nga pala!" sigaw niya kaya nakunga niya ang atensyon ng dalawa. Kinuha niya ang telepono niya sa bulsa niya. "May nag send sakin nito nung mismong time na malaman na wala na si Keifer." sabi niya at ipinakita sa kanila ang larawan.
"Vendictam?" takang sabi ni Mark.
"Isn't that a Latin word for 'avenged'?" kunot noong sabi ni Marjorie. Sumangayon naman si Mark.
"Come to think of it. Mukang Latin din yung 'mihi'" sabi ni Mark habang ang atensyon ay nasa harapan.
"Kung pag dudugtungin natin..." sabi ni Roni at nasakanya naman ang atensyon. " 'Mihi Vindictam'? Anong ibig sabihin nun?" kunot noong tanong niya. Halatang walang kahit konting alam sa latin ang binata. Hindi kagaya ni Mark at Marjorie.
"If we directly translate it..." sabi ni Marjorie at napa-isip. "It means, 'Vengeance is mine'?" sabi niya na ipinagtaka nila.
"Kung yan nga ang meaning, magmumukang pinatay si Keifer para paghigantihan." kumento ni Mark.
"Yun na nga eh. Pero bakit accident yung sinabi ng mga pulis? Drunk driving ang sabi nila." sabi naman ni Roni. "At saka, wala silang nabanggit tungkol dito." seryosong sabi niya at kinabahan naman sila.
"So... sino yung nag send niyan?" takang tanong ni Marjorie.
"Don't tell me digital na din yung ghost?" natatawang sabi niya at tinignan naman nila siya ng masama. "Chill guys... nagbibiro lang."
"We don't have time for jokes, Roni." seryosong sabi ni Marjorie. Napakamot lang sa leeg si Roni.
"We're here." sambit ni Mark at tumingin naman sila sa labas. Pagkatapos ihinto ang sasakyan sa harap ng simbahan ay kaagad silang lumabas para hanapin yung madre.
Pumasok sila sa loob ng simbahan at kaagad din naman nilang namataan ang madre na nagdarasal. Nilapitan nila ito. Nagdadalawang isip pa sila kung kakausapin ba nila ang madre dahil nakapikit ito.
"Hindi niyo dapat ginawa iyon." biglang sabi ng madre na ikinagulat nila. Tumayo ito sa pagkakaluhod at hinarap sila. "Hindi niyo dapat ginawa iyon." pag-uulit niya. Nagtaka naman sila.
"Ang alin po?" tanong ni Marjorie.
Hindi siya sinagot ng madre. Tinalikuran sila nito at naglakad papunta sa mga nakasinding kandila sa gilid ng simbahan. Sunundan naman nila ito.
"Mihi vindictam, ego retribuam." mahinang bulong ng madre.
"Ano po iyon?" takang tanong ni Roni.
"May ginawa kayong mali. At dahil sa ginawa ninyo... napukaw ninyo ang demonyong natutulog." baling niya sa kanila habang nagsisindi ng kandila.
"Ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong ni Marjorie ngunit hindi siya sinagot nito.
"Dahil po ba ginising namin yung espirito sa lumang classroom?" tanong ni Roni. Biglang lumingon ang madre sa kanila na ikinagulat nila.
"Iyan ba ang satingin ninyong dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito ngayon sa buhay ninyo?" Makabuluhang tanong niya na ikinakunot ng noo nila.
"Opo, dahil sa ritual na gunawa namin." sabi naman ni Mark. Binigyan naman siya ng madre ng isang blangkong tingin.
"Kung iyan ang nasa isip ninyo ay hinding hindi ko kayo matutulungan." sabi ng madre at naglakad papalayo sa kanila.
YOU ARE READING
Retribution
Historia CortaPitong estudyante ng Blackwood University ang nangahas na gisingin ang espirito na naninirahan sa 3rd floor ng abandonadong nemesis building para sa pansariling katuwaan. Ngunit ang inakala nilang katuwaan lamang, ay siya ring maglalagay sa kanilang...