*A/N: Pasensya na po at natagalan ang update ng chapter 12. Marami lang pong inaasikaso. hehehe
Pasensya na rin sa wrong spellings, grammars, and punctuations. Hindi pa po kasi ito edited.
medyo mahaba-haba rin po pala ang chapter na ito. At nadala lang sa scene. hehehe
ENJOY! HAPPY READING!*
--- saintesssheol ---
CHAPTER 12: HER FEELINGS
"Hindi parin talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari." Malungkot na sabi ni Mark habang naglalakad papuntang mini mart kasama si Marjorie.
Bumuntong hininga naman si Marjorie bago sumagot. "Kahit sino naman siguro, ganyan din yung mararamdaman." pilit na ngiting sabi niya.
"I just can't help but think kung bakit nangyayari sa atin to ngayon. I mean, hindi naman sa sinasabi ko na dapat sa iba to nangyari but, bakit sa'tin?" tanong ni Mark habang binubuksan ang pintuan ng mini mart.
Kasalukuyan silang bumibili ng mga snacks para hindi sila gutumin sa gagawin nilang plano mamaya.
"Nasaan na ba si Roni?" tanong ni Marjorie habang kumukuha ng mga chips.
"I think papunta siya ng simbahan ngayon para manghingi ng holy water." sagot naman ni Mark.
"Kasama niya ba si Ms. Ocampo?"
"Hindi ko alam eh. Sabi niya kaina na baka samahan daw siya ni miss." kibit baikat na sagot ni Mark.
Biglang tumunog ang cellphone ni Marjorie na hudyat na may nag text sa kaniya. Kinuha naman niya ito at binuksan ang cellphone niya. Kumunot naman ang noo niya ng makatanggap siya ng text galing kay Roni.
"Why? What's wrong?" kuryosong tanong ni Mark.
"Nag text si Roni. But the problem is, it's just a location. Weird." bahagya niya pang inihiling ang ulo ninya dahil sa pagkalito.
Kumunot naman ang noo ni Mark. "Saang location?" tanong niya.
"Sa University..." sagot ni Marjorie. Nanlaki naman ang mga mata niya ng may mapagtanto siya. Napatingin siya kay Mark at ganoon din ang reaksyon nito. Walang ano-ano'y naihulog nila ang hinahawakan na mga pagkain at tumakbo papalabas ng mini mart.
Mabuti nalang at malapit lang ang mini mart sa Blacckwood University kaya't mabilis silang nakarating dito. Napatingin ulit si Marjorie sa cellphone niya at nakiting sa nemesis buiding mismo naroroon si Roni.
Bakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalala habang tinatahak ang daan papunta sa third floor ng nemesis building. Pagkarating nila ang bumugad kaagad sa kanila si Roni habang sinasakal ang kanilang guro na si Ms. Ocampo.
"Roni!" sabay na sigaw nila.
Mabilis namang lumapit si Mark para pigilan si Roni ngunit hindi parin nito inaalis ang pagkakahawak kay Ms. Ocampo. Wala nang ibang nagawa si Mark kundi suntukin ang kaibigan. Nabitawan naman ni Roni si Ms. Ocampo dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Mark. Kaagad namang nilapitan ni Marjorie si Ms. Ocampo para alalayan ito.
"Miss, okay lang po ba kayo!?" nag-aalalag tanong ng dalaga sa guro niya. Tinignan niya ang buong katawan ng uro at may mga pasa sa dugo ito.
"H-hindi... siya si... R-Roni..." umu-ubo ubo na sabi ng anilang guro habang hinahabol ang paghinga nito. Napatingin naman sila kay Roni.
YOU ARE READING
Retribution
Short StoryPitong estudyante ng Blackwood University ang nangahas na gisingin ang espirito na naninirahan sa 3rd floor ng abandonadong nemesis building para sa pansariling katuwaan. Ngunit ang inakala nilang katuwaan lamang, ay siya ring maglalagay sa kanilang...