Kabanata 16. Pahinga

106 8 5
                                        

"AAAAAAAAGGHH!"

Bumalik na lamang ako sa ulirat matapos maramdaman ang lumalatay na hagupit sa aking mukha. Akala mo'y pinalo ako ng baseball bat sa noo.

"Sir, Ayos ka lang?" Nag-aalalang sagot sa akin ng babaeng nasa harapan ko. Sa porma at tindig nya ay mukha talaga syang professional.

Pinagmasdan ko muna ang paligid bago magsalita ulit-

Kulay light blue na pader. Mga hilera ng iba pang kama sa harapan. Sa kanan kong kamay ay may nakasalaksak na dextrose. At naghihingalong ceiling fan na nagbibigay ng kakarampot na ginhawa sa maalinsangang kwarto.

Ako'y nasa isang public hospital. At hindi ko alam kung paano ako napadpad dito. Ang huli ko na lang na naaalala ay hinubad ko ang Maskara bago ako mawalan ng malay.

Maskara.

Hindi kaya isa na naman itong mind trick ni Kaos? Hindi ko pa din maintindihan. Ang alam ko lang ay hindi talaga sya dapat pagkatiwalaan. Nauto nya akong ipasanib ang katawan ko, umaasang tutulungan nya ako.

Pero lahat ng mabubulaklak nyang salita ay panlilinlang lamang. Kaya kailangan kong gumawa ng paraan para makaalis dito sa nakakaloko nyang ilusyon. Kailangan ko na kasing umuwi at nag-aalala na ako kay Tatay. Kailangan ko ding pakiusapan si Sir Guinto at ipaliwanag ang mga nangyari. Kailangan kong tanggapin kung ano man ang magiging desisyon nya.

But first things first...

Bumangon ako sa aking pagkakahiga at sinubukang gumising sa nakakapraning na bangungot.

"KAOS! TANTANAN MO NA AKO!" Hiyaw ko sa babaeng nasa harapan ko. Malakas kasi ang kutob kong isa pa din itong ilusyon. At pinaglalaruan nya na naman ang aking psyche.

Sinimulan ko sa paghablot nitong IV at nilabanan ang hapdi nito.

Hindi ko inaasahan ang nangyari. Bahagyang sumirit ang dugo sa aking braso at nanlaban sa sakit na idinulot nito. Kitang kita ko ang mukha ng nurse na hindi makakibo sa kanyang nakita. Hindi ko din maintindihan kung bakit hindi pa din natitinag si Kaos. Malakas ang kapit nya ngayon sa aking realidad, kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagwawala para tantanan nya na ang aking katawan.

SInundan ko pa ng paghubad ng suot kong Maskara.

Nararamdaman ko ang pagkakalapat nito sa aking balat. Nakakaasiwa at hindi komportable. Halos hindi na ako makahinga ng maayos sa pagkakasalampak nito sa aking mukha.

"DOC! TULONG!" Natataranta na ang babaeng nasa harapan ko. Nangangatal at kinakapos ng hininga. Mas mukhang kailangan nya ng tulong kumpara sa akin.

Pero hindi ako magpapatinag. I know this is all in my head. Isa lang itong twisted mind trick courtesy of Kaos.

"KAOS! ANO BA!? TAMA NA! TANTANAN MO NA AKO!"

Bumaba ako sa hinihigaan kong kama at-

*BLAAGG!*

Hindi ko maramdaman ang aking mga binti. Hindi nya ako pinayagang makatayo. Ako'y lantang lanta at walang lakas makagalaw. Para bang antagal kong hindi nagamit ang katawan ko na sinukuan na lang ako nito. I think Kaos is already going way too far...

Maya maya pa'y dumating na ang ilang doctor at hospital staff. Inalalayan nila akong bumangon at inihiga ulit sa aking hinihigaan. Pero nagpupumiglas ako sa kanilang pagkakahawak. Tumigil na lang ako nang may maramdaman akong itinarak sa kaliwang braso.

At unti unti na naman akong nawalan ng kontrol sa aking sarili...

"AAAAAAAAGGHH!"

Nagising na ako matapos bumigay ng mahina, patpatin at lampang katawan ni Joshua. Hindi ko inaasahang mawawalan na lamang ako ng malay habang naglalakbay pabalik ng tahanan ng binata.

Bigla na lamang ako nakaramdam ng kakaibang pagkalam sa aking sikmura. Nanunuyot ang aking lalamunan at nawalan ng kontrol sa aming katawan. Nagising na lamang ako dito sa loob ng isang "Ospital"

Isa daw itong lugar kung saan pinapagaling ang mga may sakit at dinaramdam. Isa daw itong lugar kung saan nagaganap ang mga milgaro't himala. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa nila ibinibigay ang karampatang lunas para sa akin. Hindi din sila natinag kahit ipinakilala ko na ang aking sarili.

Tanging ibinigay nila sa akin ay ilang inumin na makakapawi daw ng aking "dehydration" at itong likidong nakasalaksak sa aking kanang kamay. At hindi maipaliwanag na dahilan ay nakakatulong nga ito. Kakaiba nga talaga ang hiwagang dulot ng siyensya.

Ngunit kulang pa. Hindi pa ako makakaalis ng basta basta. Kahit hindi ko maamin ay kailangan ko ng tulong ni Joshua. Mahirap kasing igalaw ang katawang tao nya ng ako lamang mag isa. Kailangan ko din ang kanyang katalinuhan upang makabalik ng Bathalan. Mukhang higit pa sa pwersang alam ko ang kaalaman na mayroon sya.

At nakaramdam ako ng presensyang papasok ng kwartong ito. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at nagpanggap na nahihimlay.

"Grabe kuya 'no? Usong uso ngayon ang kababalaghan. Last week gumuho daw yung Idjang sa Batanes. " Wika ng isang babae. Sa pagkakaalala ko'y sya yung nagsalaksak nitong "IV" sa aking kamay.

"Kaya nga eh. Nabalitaan mo din ba yung nakawalang mental patient last month? May kakaibang anino daw na sumundo dun sa babae. Nakakatakot grabe. Mabuti hindi dito nakaconfine yun." Sagot naman ng kausap nitong ginoo.

"Kinakabahan din nga ako dyan eh. Nung isang araw Bathala daw sya. Kahapon naman nagwawala. Tantanan daw sya ni Kaos." Gatong nung binibini.

At natauhan ako sa kanyang sinabi. Nagising na si Joshua sa kanyang pagkakahimlay. Kailangan ko lang muling hintayin na bumalik sya sa kanyang diwa. Kaya't itinuloy ko na lang ang pagkakapikit ng aking mga mata at nagpahinga.

Kinagabihan

"AAAAAAAAGGHH!"

Nagising na lang ako matapos ng isang nakakapangilabot na bangungot; nasusunog daw ang bahay namin at wala akong nagawa. Hindi ko man lang naagapan na mailigtas ang aking ama.

"Joshua?! Gising ka na!" Nagising na lamang ang diwa ko sa nakakatulig na paghiyaw ng binata. Sa wakas! Nakabalik na din sya sa katinuan. Maaari na kaming makaalis ng matiwasay.

"KAOS?! Ano ba!? Ayoko na! Tantanan mo-"

"Joshua Ygot! Huwag kang sumigaw! Baka maalerto na naman ang mga bantay." Medyo naiintindihan ko na ang kanilang daigdig. Kailangan naming tumakas habang walang tao sa paligid. Kung hindi ay sasalaksakan na naman nila kami ng pampatulog.

"Kaos Ayoko na! Tigilan mo na tong kalokohan mo!"

"Taga-Sansinubukan! Ang pangako ay isang pangako. Nanindigan kang tutulugan mo akong makabalik ng Kabathalan."

At natahimik ako sa sinabi ni Kaos. Nagdadalawang isip kung pagkakatiwalaan ko syang muli.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maskara ni KaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon