Kabanata 7. Joshua Ekskursyonista

154 16 17
                                    

"Tay."

"Tay, mawawala po ako ng ilang araw." Pagpapaalam ko sa aking ama habang bitbit ang aking paboritong itim na backpack at hila hila ang isang itim na stroller bag.

"O? Saan ang punta mo?" Masungit na tanong nya sa may lamesa matapos nyang humigop sa umuusok nyang kape.

"Sa Batanes po. May kailangan lang asikasuhin." Inilapag ko sa kanyang harapan ang isang nakatuping limang daan bilang budget nya sa ilang araw kong wala.

"Para saan yan? Ano gawin nyo dun? Company outing?"

"Research po. Baka matagalan po ako sa pag-uwi eh."Paliwanag ko bago dumiretso sa may pintuan.

"Mag ingat ka na lang. Alam mo naman."

Hindi ko alam kung concerned ba si Tatay sa pag-alis ko. Hindi ko din alam kung nang-aasar ba sya sa hirit nya. Alam ko namang hindi ako paborito ni Lady Luck at mas maswerte pa ang taong nadaanan ng itim na pusa sa Friday the 13th.

Pero nakakainsulto pa din. Para bang anta-

*BLAAGG!*

Bumalibag sa mukha ko ang pintuan. Antagal ko kasi lumabas.

"Sabi ko sayo eh. Huwag kasing aanga anga Joshua." Pahabol pa nya bago ako makalabas.

Hindi ko na sya intindi pa. Dumiretso na ako sa kanto at nag-abang ng masasakyang jeep papunta kila Boss Kenny.

Mabilis na lumipas ang isang oras ng byahe. Siguro dahil sa halo halong emosyon na paikot ikot sa aking damdamin. Siguro dahil sa tuwa at galak. Siguro dahil sa kaba at takot.

Siguro lahat ng ito ay nararamdaman ko.

Siguro-

"OI?! Ano pang ginagawa mo dyan?! Sakay na!" Hiyaw sa akin ni Bugayo mula sa passenger seat ng itim na SUV.

Lumilipad na naman ang utak ko. Hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala ang sasakyan namin papuntang Batanes.

Nagmamadali kong nilagay ang mga bagahe ko sa likuran at sumakay na sa loob. Napapagitnaan namin ni Carloo si Patrick, habang si Kenny ang magmamaneho.

Sinuong namin ang trapik ng Maynila at binaybay ang kahabaan ng NLEX. Tinahak namin ang Pampanga at maya maya pa'y dumating na kami sa isang secluded airstrip.

Hindi pa man naipaparada ang sasakyan ay may nag-aabang na sa aming pagdating, mukhang kanina pa nila kami inasahan.

At pagparada ng sasakyan ay may naging mga tagapagbukas pa kami ng pintuan.

"Good morning Sir Kenny." Bati ng isang malaking mama na nakabarong pa at shades, akala mo PSG.

"Kain muna kami manong. Pakilinis na lang pag-alis namin." Tumango lang ang binata at initsa ang susi ng kanyang SUV dito.

Hindi ko inakalang ganito pala kabigatin ang mga kasama ko. May tagabitbit kami ng bagahe at tagabukas ng pintuan. VIP na VIP ang dating at pakiramdam.

Pagpasok namin sa loob ng waiting area ay naghihintay na sa lamesa ang isang dambuhalang serving ng budol style meal para sa aming lima.

At hindi basta ordinaryong budol fight ito; mga choice cuts at luxurious na putahe ang inihanda sa amin mula sa lobster tails, wagyu beef steaks and barbecue, gadangkal na tiger prawns, lamb chops, foie gras, beluga caviar at isang tambak ng saffron rice.

Kahit takam na takam ako ay hindi ko ito pinahalata. Pinabayaan ko munang maupo ang mga tropa ni Kenny bago ako pumwesto.

"Para tayong bibitayin tol ah?! Haha." Nakakalokong hirit ni Patrick habang tinutuyo ang basa nyang kamay.

"Kailangan nating mag enjoy at magpakabusog. Ilang araw din tayong walang matinong makakain." Seryosong sagot naman ni Kenny.

Ang dalawang malaking bulas na sina Bugayo at Carloo naman ay hindi na magambala. Nauna na silang kumain at tila nag aagawan pa.

Masaya naman silang kasama sa kainan. Puno ng katatawanan at biruin ang mga inihahanda nilang kwento. Mga kalokohan, katangahan at kabulastugan mula sa kanilang kabataan.

Mula sa pakikipagbarugan ng mukha sa mga skwala lumpoor, paglalaro ng Playstation sa bahay nila Kenny na kung tawagin nila ay Headquarters, nakakalokong codename katulad ng Bisaya, Babyface, Kalansay, Bistek, Tocino, Bugayo at Jobs hanggang sa pagronda sa Mineral Village upang panatilihin daw ang kaayusan ng paligid. Para silang anti bullying squad na akin namang ikinamangha.

"Nakakamiss ano? Sayang lang kasi hindi tayo kumpleto." Hirit ni Carloo nang tuluyan na nyang maubos ang pagkain sa kanyang harapan.

Napansin ko ang gulat sa mukha ng magkakaibigan. Lahat ng matatalim nilang titig ay nakatuon sa alingangang katropa.

Alam kong mali maki-usyoso pero hindi ko na din napigilan ang sarili ko. Nangahas na akong magtanong.

"Uhh. Sir. Eh ano po bang nangyari?"

Lalong nabalot ng katahimikan ang paligid. Dinig ko na ultimo ang kalabog ng puso ko, salamat sa pagtuon nila ng pansin sa mapangahas kong tanong.

"Pagkatapos ng sitwasyon sa STARF, lumipat na abroad yung kambal. Ayaw na daw makigulo sa amin haha." Patungkol ni Patrick sa magkapatid na Bistek at Tocino.

*Ehem* "Tara na."

Panguha atensyon ni Kenny. Tumayo na sya sa kanyang pwesto at pinunasan ang malansa nyang kamay.

"Manong pakihanda na ang helicopter. Aalis na kami." Hiyaw nito bago dumiretso ng lababo upang makapaghugas ng kamay.

Sumunod na din naman ang iba pa kaya't sumunod na lang din ako.

Dumiretso na kami sa likod at naghihintay na sa amin ang isang helicopter na mayroon kakaibang logo; Green and Blue na Yin & Yang Symbol.

Isa lang ang nararamdaman ko nang makita ko yun, excitement!

Pangarap ko talagang makasakay ng eroplano o helicopter. Gusto ko talagang magtravel at pumunta kung saan saan. Kaya nakakaaliw isipin na matutupad na ang pangarap ko kasabay pa ng excursion ko. Anlupit diba? Two birds with one stone!

Kaya't ng magsimula ng tumaas ang sasakyan namin ay hndi na ako magkandaugaga sa pagtingin sa may bintana. Nakakamangha ang ganda ng kapaligiran mula sa ilang libong feet above sea level. Parang isang Lego set ang mga kumpol kumpol ng bahay. Nakakaaliw ang mga patse patse ng lupa at tubig.

"Masyado kang naaaliw ah? Pamilyar ka na ba sa pupuntahan natin?" Asik sa akin ni Bugayo.

Panira ng moment. Tsk tsk.

Pero tama nga naman sya. Kinalkal ko ang bag ko para mapag-aralan ang ilang bagay tungkol sa Idjang.

At matapos ng mahigit isang oras sa himpapawid ay narating na namin ang aming destinasyon.

Hiniling ko sa pilotong sa bukana kami ng kabundukan ibaba para malakbay namin ng mabuti ang kinikilalang Pre-Hispanic Castle ng Batanes.

Kaya't paglapag pa lamang ng helicopter ay nagmamadali ko nang kinuha ang aking mga bagahe.


"And I'm going in."




Maskara ni KaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon