Kabanata 9. Panganib

165 15 31
                                        

"Tol."


"...Ano yan?" Kinakabahang tanong ni Carloo sa tumambad sa amin.

Ito'y isang mahabang pasilyo na kabi-kabila ang mga buto't kalansay na nakasuot ng magagarbong damit at alahas; sa porma pa lang ay masisigurado mong ito'y mga maharlika.

Hindi rin ako makapaniwala na may ganitong klaseng mausoleum ang mga dating naninirahan dito. Hindi rin maipaliwanag dahil hindi masangsang ang halimuyak ng paligid. Akala mo ba'y hindi nabulok ang mga tuyo't na kalansay.

Talagang nakakamangha.

Lalo tuloy lumakas ang kutob kong mayroon pang mas kagila-gilalas na matatagpuan sa dulo nito. I just feel it. Researcher's Instinct.


"Tara na." Yaya ko sa kanila bago ako dumiretso sa loob.

Pero ni isang kalabog ng hakbang ay wala akong narinig. Paglingon ko'y pinabayaan lang nila akong dumiretso sa loob.

"Hindi kayo sasama?" Nagtataka kong tanong sa kanila. Pakiramdam ko natatakot sila sa mga mummified display sa kahabaan ng hallway.

Nagtinginan lang silang apat at tila ba naghihintay ng sasagot.

"Ano bang meron dyan sa loob?" Asik sa akin ni Bugayo pabalik. Kahit halatang kabado ay maangas pa din sya to the bones.

"Hindi ko din alam, Sir. Hindi pa ho ako nakakapunta dito." Sagot ko naman sa kanya.

"Wala na bang ibang madadaanan?" Seryosong usisa naman ni Patrick. Ito lang ang pagkakataong nakita ko syang hindi nakangisi.

Pinagmasdan ko munang mabuti ang paligid bago ko sya sagutin.

"Well... Mukhang hindi na tayo kakayanin nung lubid at baging doon." Turo ko sa kabilang dulo ng pwesto namin.

"Mukhang mabubuwal na din yung hagdan sa kanan."

"At masyadong matarik at mabato naman dyan."

"Tara na. Putakte para kayong mga bading eh." Inis na bwellta ni Kenny. Lumapit na sya sa akin at iniwan na ang mga kaibigan. Bilang pinuno pilit syang nagmamatapang.


Para namang nataranta ang tatlo at nagmamadali na ding sumunod. Pero syempre ako pa din ang nauna para mas masubaybayan ko ang buong paligid.

Magkakahilera ang mga bangkay na animo nagsisilbing bantay ng mausoleyong ito. Sa malapitan ay mapapansin ang pagkakaiba ng kanilang mga suot na balabab, bawat isa ay may mga baybaying nakaburda dito.

Sa pinakabungad na kaliwa ay nakasuot pa ng tila isang wig na gawa sa kinayod na coconut husk at hibla ng ibang hayop, bitbit nya sa kanang kamay ang isang scepter na gawa sa hardwood na mayroong emerald na kasing laki ng palad ko.


"Lakambini Sekta." Masuri kong pagbasa sa baybaying nakaburda sa pulang sash nito. Kakaiba talaga yung pangalan. Hindi mo aakalaing royal blood.

Wala namang espesyal sa iba pang mga nandirito. Mga kung sino anong Lakan at Lakambining iisa ang kulay ng balabal, may bitbit na kung anong tungkod o sandata. Ito'y kamangha-mangha ngunit hindi ganon katindi ang epekto sa akin.

Pero pagkarating ko sa kalagitnaan nito'y mayroong isang agaw pansin bangkay na tila naghihikayat sa akin. Para bang may boses sa loob ng aking isipan na dapat kong suriin ito.

Isang kalansay na halos kasing laki ko. Sya ang nag iisang Lakan na makulay ang suot na balabal. Sya lamang ang nandiritong may takip ang mukha. At kahit nakakapangilabot ang bitbit nyang tungkod ay nakakapanghalina pa rin ito sa aking pananaw.

Maskara ni KaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon