Chapter 2
Leo's POV
"Aba, ang pogi pogi talaga ng apo ko. At ang ganda mo kapag nakaluway ang buhok." Saad ni Lola.
"Lola, pogi lang ho. I chose to live as a man. Also, masculine naman po ako, hindi lumaki and dibdib ko at parang model lang ho na lalaki ang katawan ko."
"Oo na apo, pogi kana. Kailan ka ba magdadala ng girlfriend mo dito? Sobra sa isang taon kana nanandito sa Pilipinas at maraming babae rin naman nagkakagusto sayo doon simula nung nag part-time ka sa trabaho mo sa isang zoo sa syudad ah. Kailan mo ba ako bibigyan ng apo sa tuhod?"
"Lola, may limang apo sa tuhod na ho kayo."
Natawa nalang si Lola dahil alam niya na ang tinutukoy ko ay ang limang lions na dinala ko.
Naalala ko rin ang malungkot na nangyari sa buhay ko. Mag-iisang taon na at wala akong masyadong narinig na tungkol sa lion sanctuary maliban sa napabalita rin ang pag atake ng mga poachers at pagnakaw sa mga lions sa bansa. Nahuli na rin ang poachers pero sa kasamaang palad, namatay si Nala.
Hindi raw kasi kinaya ng tranquilizer na ginamit ng poachers ang bagsik ni Nala. Kaya napilitan ang poachers na barilin ito para masalba lang buhay nila. Halos duguan rin sila at nagkalasog lasog ang katawan ng iba nilang kasama.
Hindi alam ng taga lion sanctuary din na may anak si Nala. Nabalitaan ko rin na kumalat na kwento doon sa amin ay namatay na raw ako at di pa nakikita ang bangkay. Halos lahat ng tao kasi doon naniwala na nasali ako sa pinatay ni Nala dahil na rin sa sinapit ng poachers.
On the other hand, hindi nila alam na buhay pa ako at buhay rin ang descendants ni Nala.
A Barbary lion, like other lion subspecies, typically reaches maturity around 3 to 4 years of age. Ang mga anak ni Nala ay mag two two years old palang pero ang laki nito ay aabot na ng 4 feet. I also named them as the Atlas Brothers since Barbary Lions are typically from the Atlas Mountains. They are Kion and Scion. Ang tatlong lionesses naman ay si Kiara, Kiera, and Kieri. Si lola ang nagpangalan sa tatlo.
Sabi niya kasi para di na siya malito. Magagandang lionesses rin ito. Kaso parehas ng mga babae, ma attitude tung tatlo. Natawa nga ako dahil parang sinusupladahan nila ang Atlas Brothers. Nabuo rin ang pride nila. I even call it as the Atlas Pride. Dahil ako ang nagpalaki sa limang lions, itinuring nila akong family member nila.
Todo kayod rin ako dahil paubos na rin ang savings ng pamilya ko dahil sa pinapakain ko para sa lions. I made sure kasi na kahit wala kami sa Africa, they can still live their lives as lions. Minsan, hinahayaan ko rin mag hunt ang pride sa kagubatan. Minsan bumabalik silang may kagat na manok, baboy ramo at iba pa.
Dahil narin private property itong island na ito, wala rin pumupuntang tao dito. Kapag meron naman, tulad nung LGU parang nag checheck ng properties, I made sure na madadala ko ang lions sa tagong lugar kung saan nandoon ang kanilang malawak parin na kulungan.
Tama nga sabi ni Daddy, na mapapabuti ang kalagayan ng lions nito dahil ang private property ni Lola ay isang kagubatan. Unlike other lion populations, Barbary lions lived in cooler, forested environments rather than savannas.
Ang lola ko lang ang nakatira dito sa malawak na kagubatan sa isang small island dito sa Pilipinas. Kasama niya ang pinsan ko na si Albert. Animal Biologist si Lola at veterinarian ang pinsan ko. Lahat ng ari-arian nila lolo at lola noon ay binenta nila para mabili ang small island na ito. Aside sa malaking bahay nila lola, greenhouse para sa mga tanim, garahe, at isang multipurpose lang na buildings ang establishments dito. Si Albert naman ay umuuwi dito tuwing weekends. Ang trabaho niya kasi ay sa syudad.
Masagana din ang ecosystem dito ay marami rin mga ibon, ahas, unggoy, buwaya, at ibang animals ang malayang nakatira sa gubat.
Isang araw, habang kasama ko ang Atlas Pride at nilalaro sila, tumawag sa akin ang pinsan ko. Dala niya ang natural vitamins para sa mga lions.
Sumakay ako sa likod ni Kion, siya ang tinuturing leader ng pride.
"Let's go home."
Matalinong lion si Kion kaya alam niya ang ibig kong sabihin. Naging routine kasi namin na kapag 4PM na ay babalik na kami sa mansion ni lola.
"Ang angas mo talaga pinsan!"
Ayan naman ang sigaw ni Albert habang pababa ako kay Kion. Kilala rin ng pride si Albert kaya
Hindi na ito takot ganun din si lola kahit ang lalaking lions talaga nila. Kaya nga halos maubos savings ko dahil masagana talagang kumain itong mga alaga ko at dahil na rin sa pinatayong malaking kulungan namin para sa kanila kapag may bisitang tao.
Halos tatlong buwan din naming ginawa ni Albert ang kulungan. Hindi kasi pwede na magpapasok ng ibang tao sa area dahil baka matakot at mapabalita na nag-aalaga kami dito ng lions. Malaking problema iyon at baka kunin pa nila ang Atlas Pride. Hindi maamo ang mga ito maliban lang sa amin ni Lola at Albert dahil nakasama nila kami habang lumalaki sila.
Kung tutuusin, may favoritism nga itong mga lionesses, dahil si Albert at Lola ang gusto. Samantala sa akin, hindi nila ako nilalaro. Siguro dahil kay Kion at Scion na lagi kong kasama at parang tinuturing rin nila akong isang male lion. Nagpakulay kasi ako ng buhok na brown at black na kasing kulay sa Atlas Brothers. Basta, ang susuplada talaga ng lionesses hahaha.
Kahit sobrang laki rin ng Atlas Brothers at mga carnivores ito, may ugali rin silang parang mga adorable kittens. Nakasabay kasi nila sa paglaki yung dalawang pusa ni lola sa bahay. Kaya na adopt nila ang paglalaro sa mga interactive toys at mga tela tela. Nasanay rin sila na tumabi sa akin matulog kaya sa kahoy na nilapag kami natutulog.
Sobrang namimiss kasi ako ni Kion at Scion kapag bumabalik ako makalipas ang ilang weeks dahil sa trabaho ko sa syudad.
Ako lang kasi ang naglalaro sa kanila at nagpapalabas sa kulungan. Hindi na rin kasi kaya ni Lola na laruin sila. Hindi na kaya ni Lola magbuhat ng halos 100-200 kilos na katawan ng leon no.
Pinakain ko na rin ang mga alaga namin at pinabalik sa kulungan. Aalis kasi ako para sa isang zoo na pinapatawag ako. Nirecommend kasi ako ng isa kong boss doon sa isang zoo para tingnan ang mga lions nito. Urgent nga raw kaya agad na ako lumuwas sa isla.
BINABASA MO ANG
Happier?
RomanceThis is a story about loving someone unconditionally to the point where you're willing to let go of that person just to make them happier. Xander Leo Redeval is a wildlife enthusiast from South Africa who went to the Philippines to hide. However, fa...