Antonnia's POV
Nakakainis naman ito si Papa. Bakit ba kasi naniwala doon sa kumpare niya na mas naging masaya si Sabrina nung napa arrange marriage ito sa taong nagligtas sa kay Tito.
Ikinasal din kami nung Leo na iyon. Well, gwapo naman siya. He looks like a model, matangkad with a slender body. Basta overall, ma appeal siya.
Sobrang bait rin. Hindi nagrereklamo nung sa sahig ko pinatulog. I also witness how he tried na kausapin ako. Parang tanga nga kasi nakita ko pa one time nagpapractice sa salamin kung paano ako yayain kumain sa labas. It's cute tho.
Also, before pa akong nakasal, nakipag break ako kay Conan. May contract lang ako for loveteam kaya kailangan maging sweet kami ni Conan. Minahal ko naman dati siya, kaso sa pinapakita sa akin ni Leo, parang mas lumawak ang perspective ko. Meron parin palang tao na kapag mahal ka, ipaparamdam talaga nila.
Also, I witnessed kung gaano ka redflag si Conan. I was just stuck in this loveteam.
Naaapreciate ko din ang lahat ng ginagawa ni Leo. Tuwing pinaglulutuan niya ako. Nalaman ko rin na binibisita niya ako ay siya pala nagpapadala ng mga bulaklak at minsan dinadalhan niya rin ng pagkain ang team ko.
Si Miss Red, ang manager ko ang nagkwento nito. Hindi ko rin maitatanggi na unti unti narin akong nagkakagusto sa kanya.
Sobrang naguguilty rin ako kapag dinideny ko siya. Kaso I have no choice dahil malaking issue ito sa career ko.
Also, gusto kong asikasuhin si Leo nung nasaksak siya. Kaso natulak ako ng fans sa likod kaya napunta ako kay Conan.
Pinagbawalan rin ako na bumisita kay Leo dahil baka may makaalam. Nalaman rin na ang gustong sumaksak kay Conan ay dati nitong nakaaway sa bar.
Also, yung isang staff ko din ang naghahandle ng account ko sa social media accounts. Kahit kailan, after the break up namin ni Conan, ayoko makipag exchange sa kanya ng words. Kahit si Conan, alam niya na staff ko lang ang gumagamit ng accounts ko.
I also decided to change career. From Actress, gusto ko sa singing stints ako magfofocus. Hindi naman kasi ako manhid at alam kong nasasaktan ko si Leo.
I'm really sorry Leo. Hindi ko rin sinasadya na iwan ka sa date natin. Marami kasing fans sa paligid kaya kailangan kung sumama sa pamilya ni Conan.
I also got jealous nung may babaeng nagpost kasama ka sa restaurant.
Naalala ko rin yung jokes niya about sa lion na may cheating girlfriend. Pinaparinggan niya baa ko? Hindi kaya ako nagchecheat sa kanya.
Halos umusok naman ang tenga ko sa galit nung may babe na tumawag sa kanya. Mabuti nalan bestfriend niya lang iyon. Sobrang transparent din ni Leo sa lahat.
Mas lalo rin akong nahulog sa kanya dahil sa kwento niya. Sobrang cool pala ng asawa ko. No wonder binansagan siyang pinakamatapang na tao.
Di ko na alam ang nararamdaman ko sa kanya. Naalala ko rin nung nagkasakit ako at kinantahan niya ako. Sobrang sweet nun. Akala niya tulog pa ako, pero hindi. Gusto ko talagang pakinggan ang boses nya.
Ang ganda rin ng performance nya sa Razon Zoo. But at the same time, bakit yung tama ng mga mata niya nung nagkatinginan kami ay parang sobrang nasasaktan.
Leo, mahal na rin ata kita.
Few months passed, nagkakamabutihan kami. Hindi nagbago ang trato niya sa akin kahit ilang beses ko na siyang nasasaktan.
There were also times na namimiss ko siya kapag wala siya sa bahay. Aling Linda witnessed how vulnerable I am kapag wala si Leo.
Lahat ng ginagawa niya sa akin ay na appreciate ko. Hindi ko lang talaga ma express. Kinilig rin ako nung nahiga kami sa kama, nung hinalikan niya ako sa noo, yung mga small letters niyang may lion emoji pa, at lalo na iyong hinahatid niya ako. That's why I told him I want to get to know him more.
One time, nung nasa taping kami. Nagulat ako dahil after noon ay lumuhod si Conan. Nagtilian ang mga fans. Dahil na rin sa hindi ko pwedeng I publicly reject si conan dahil sa upcoming project namin, hinila ko lang siya patayo.
Niyakap ko siya habang umiiyak at sinabi na hindi ko siya mahal.
"Ano kaba Conan, I told you may mahal na akong iba. Just please stop. I'm just doing this for work."
After that event, nalaman ko sa manager ko na nakita pala iyon ni Leo. Bigla nalang tumulo ang luha ko dahil nasaktan ko nanaman siya.
Inabot rin sa akin ng manager ko ang bracelet. It looks so cute at may HBD pang nakaukit sa katawan ng rabbit.
Agad akong umuwi para kausapin siya. Pumasok ako sa kwarto and I saw a note.
---
Mahal, Happy Birthday!
Ngayon rin pala ang last day ng agreement. I want you to be happier kaya pinirmahan ko na ang divorce paper natin at pinaasikaso sa abogado. It will notify us after a week.
Congratulations din sa engagement mo. I'm sorry dahil hindi na ako nakapagpaalam. Uuwi muna ako mahal sa amin.
Huwag ka mag-alala. Hindi naman ako tatanim ng sama ng loob sayo. I just want you to be happier kaya I'm now letting you go.
Thank you for the two-years' worth of memories. Mahal kita at hindi magbabago iyon.
---
BINABASA MO ANG
Happier?
RomanceThis is a story about loving someone unconditionally to the point where you're willing to let go of that person just to make them happier. Xander Leo Redeval is a wildlife enthusiast from South Africa who went to the Philippines to hide. However, fa...