Chapter 5

72 6 0
                                    

Chapter 5

Alexandra Vellado's POV

"San ka naman ba pupunta anak? Kakabalik mo lang galing sa America at Europe."

"Dad, you know I won't stay still habang di ko pa nahahanap si Leo."

"Anak, I know bestfriend mo si Leo. Pero ilang taon na rin itong hindi nagpapakita. Baka totoo ang sinasabi ng mga kasama natin sa trabaho. Baka wala na siya iha."

"Dad! He's alive. Walang bangkay na nakita. I won't stop looking for him especially that her dad's friend once mentioned to me before he died that Leo is in Asia."

Parati nalang ako pinipigilan ni Daddy sa pagpunta ko sa ibang mga lugar, zoo, or anything shelters dahil I know Leo's passion, he loves the wildlife so much.

Also, I have a work there in the Philippines. I was invited to the Philippine Eagle Conservatory to be their consultant. It is work and the same time, I can look for Leo or look for clues.

Wala rin magawa ang mga magulang ko dahil alam nilang desidido na ako.

Hindi ko akalain na sa pagkawala ni Leo ay masasaktan ako ng sobra. When he left me ng walang paalam, doon ko na realized na mahal ko pala siya. Siguro nasanay lang ako na palaging nandiyan siya kaya di ko inientertain ang nararamdaman ko. Sinubukan ko rin ilaan ang atensyon ko sa ibang tao pero nothing can beat how Leo took care of me. He prioritized me, care for me, and I've been waiting na aamin siya kaso wala. Kaya ayaw ko rin ma reject at hinayaan na lang kung anong meron kami. After all, friendship last for a lifetime as well.

Sa susunod na buwan na rin ang byahe ko papuntang Pilipinas. I really hope makita na kita Leo. Please, come back to me.

Third Person's POV

Halos ilang araw din na sigawan ang narinig sa mansion ng mga Razon. Panay ang bangayan ng mag-ama tungkol sa kasal.

"Ano ba Pa, hindi ko kilala yung taong ipapakasal niyo sa akin. Bakit niyo ba ginagaya ang advice ni Tito Fred nung pinarrange marriage niya ang anak niyang si Sabrina. Maybe nag work out sa kanila, pero sa akin, I swear, it won't work out. Worse, intersex pa yung Leo na iyon at hindi niya mabibigay ang buhay na gusto ko."

"Antonnia, hindi kita pinalaking bastos para manmaliit ng tao. Si Leo ang makakabuti sayo dahil kilala ko ang batang iyon."

"I'm an actress. You know this is my dream Pa. I can't ruin it just for the sake of someone. I'm not ready yet to get married."

Antonnia tried to seek help from her mommy but her mom supported her dad's decision. Alam din kasi ng ina niya kung anong klaseng tao si Conan at ayaw niya ito para sa anak.

"Ganito anak. Just give it for two years. Kung hindi mag work out, hahayaan kita sa gusto mo. Susundin ko din ang kondisyon mo na isekreto ang kasal para mapagpatuloy mo ang pag aartista mo. Mas mabibigyan ka rin ng panahon para mas makilala mo si Leo."

"Bakit mo ba Pa ito ginagawa sakin?"

"Anak, gusto ko lang mabigyan ka ng option. Hindi si Conan ang nararapat sayo. Napakayabang non kahit iyon pa ang tinuturing mong prince charming mo."

Kinumpronta rin ng Patriarch ng Razon si Conan Lee na hindi ito ang gusto niya para sa anak. Pero dahil sa tigas ng ulo ni Antonnia pinatuloy parin niya ang relasyon dito.

Napapayag naman ni Richard ang anak. Titiisan nalang daw ni Antonnia ang dalawang taon na makasal, makasama sa iisang bahay si Leo.

After a week, agad ng ipinakasal ni Richard si Leo at Antonnia. Sobrang tuwa naman ng magulang ni Antonnia dahil sa wakas ay nakatali ang anak nila sa itong matinong tao. Hangad lang nila na malayo si Antonnia sa boyfriend nitong si Conan.

Happier?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon