Chapter 4

78 6 0
                                    

Chapter 4

Back to Island

"Aba, napakamagubat pala talaga ng isla niyo Leo. Ang ganda!"

"Salamat Sir. Inalagaan po talaga ni Lola ito para sa wildlife."

Mabuti nalang at marunong sumakay si Sir ng kabayo, at kanya kanya kaming nagkabayo papunta sa mansion.

Nalaman ko din na magkakilala si Lola at Sir Razon, dahil iniidolo pala ni Sir si Lola dahil sa achievements nito sa larangan ng Animal Biology.

Pinakilala ko rin Si Sir Razon sa pinsan kong si Albert at tuwang-tuwa naman ang pinsan ko dahil sabi ni sir, siya ang kukunin para sa mga hayop sa zoo. Magaling talaga itong pinsan ko pero dahil sobrang mahiyain hindi masyado nakakahanap ng network at bigating clients.

Dinala naman namin si Sir sa Lions Den namin. Nasa labas lang sila dahil hindi pwedeng mapapasok si sir. Mahirap na at baka atakihin siya ng Atlas Pride. Kahit sigurado naman akong hindi siya aatakihin basta maamoy ng mga lions ang amoy ko sa ibang tao, pero mabuti narin ang sigurado.

Nung nakapasok na ako sa Lions Den. Agad akong sumipol na lagi kong ginagawa kapag nakauwi na ako.

Nagsilabasan ang tatlong lionesses. Kahit naman suplada ito, alam kong namimiss nila ako kaya agad akong nilapitan ng tatlo. Nakita ko rin ang saya sa mga mata ni Sir Razon.

"Ang ganda ng pag-aalaga mo sa kanila Leo. Pinabilib mo talaga ako."

"Sir, huwag ho kayong magugulat. Pero dahil may tiwala rin ako sa inyo eh ipapakilala ko na rin ho ang dalawa ko pang alaga. Si Kion at Scion. Sila ang bumubuo sa Atlas Pride."

Agad naman akong sumipol ng kakaiba. Ito kasi ang go signal ko sa Atlas Brothers na pwede na silang lumabas.

Dahan dahan namang lumabas ang tangkad at laki ng mga alaga ko.

Nakita ko rin ang halos di makapaniwalang itsura ni Sir Richard. Natawa naman si Lola at Albert kay Sir. Para kasi itong bata na manghang mangha.

Tumakbo sa akin ang Atlas Brothers at panay yakap sa akin gamit ang mabibigat nitong kamay. Parang need ko na mag workout ulit dahil malaki na talaga sila.

Agad naman akong sumakay sa Likod ni Kion at pumwesto sa likod nito. Lumapit rin kami sa may gate para mas makita ito ni Sir Richard.

"Sobrang ganda nila Leo."

Nakwento ko na rin kay Sir na sila ang descendants ni Nala, na Barbary Lion. Mas lalo pang namangha si sir.

"Ibang klase ang pag-aalala mo Leo. Nakakabilib. Sobrang lusog nila at ang gaganda."

Mapapansin kasi ang Darkmaned nito na balahibo sa ulo at napaka majestic nilang tingnan.

Bumaba ako kay Kion at kinuha ang kamay nito at nilagay sa malaking butas na kung saan pwede silang mahawakan ng tao na mula sa labas ng gate.

Parang kinilig naman si Sir Richard ng mahawakan niya ang Atlas Brothers.

Pagkatapos nun, halos di naman mapatigil ang paghanga ni sir. Napuri niya pa kami dahil ang isla ay naging isang perfect place para sa Barbary lions.

Napunta rin kami sa usapin na nahihirapan na kami na mapakain ang limang lions dahil malaki rin ang nagastos namin nung nasira ng Atlas Brothers ang isang gilid ng poste. Kailangan na ng upgrade kahit papaano ng kulungan nila.

Wala naman pag-aatubili na nag offer si Sir Razon. Sabi niya sabihin ko lang daw kung magkano ang kailangan ko. Pero hindi ko naman matatanggap iyon.

"Sir, pagtatrabahuan ko nalang ho sir sa inyo, kahit hindi niyo na po akong swelduhan."

"Ano kaba Leo, nakalimutan mo naba na ako ang may utang na loob sayo."

"Kung may iuutos ho kayo sir, or anything na pwede ko pong gawin, sabihin niyo lang po para mabayaran ko ang malaking halaga na ibibigay ninyo."

"Ang kulit mo talaga Leo, pero dahil gusto mo talaga na may gawin. May isa akong hiling sa iyo."

"Ano po iyon sir?"

"Pakasalan mo ang anak ko Leo."

Napatabon naman ng bunganga si Albert ng dahil sa narinig.

"Sir...parang ang hirap naman po niyan sir."

"May plano ang business partner ko na ipapa engage nila ang anak nilang si Conan Lee, ang current ka loveteam ni Antonnia sa kanya. May gusto rin si Ann doon kay Conan."

"Bakit niyo po ipapakasal si Antonnia sir, may gusto naman po siya at business partner niyo rin po."

"Ayaw ko si Conan para sa nag-iisang anak ko Leo. Mayabang iyon at walang alam sa negosyo. Isa pa, hindi rin ito animal lover. Pasensya kana dahil nabigla kita iho. Matagal ko ng plano na ipakilala sayo ang anak ko. Pero dahil busy ito, hindi ko magawa-gawa. Kaya rin ako nag paimbestiga hindi dahil tauhan kita at nagtatabraho sa Zoo. Ginawa ko iyon dahil gusto pa kitang mas makilala."

"Also, may kaibigan akong na inengage niya ang anak niya sa isang matinong tao. Hindi man umubra ang relasyon sa umpisa , pero sobrang saya ng anak niya. Gusto ko rin maging masaya si Antonnia."

"Sir, magagalit lang ho sa inyo ang anak niyo po yan. Hindi po siya magiging masaya."

"Pero kung sakali mapapayag ko siya, papayag ka rin ba?"

Alam ni Lola at Albert na may crush ako sa anak ni Sir Razon kaya ngumiti lang silang dalawa.

"Ahhh...eh..ano sir...may gusto ho ako sa anak niyo...kung mapapayag niyo ho siya, di na ho ako tatanggi sir. Sobrang ganda ho ni Antonnia sir."

"hahaha nabihag ka rin pala sa ganda ng anak ko eh. Ayan, simula ngayon, anak na ang itatawag ko sa iyo. Huwag ka mag-alala. Tatawagan kita ulit kapag napapayag ko na ang anak ko. Also, don't worry, I'll help you sa mga lions dito and your secret of having Barbary Lions in your backyard is safe with me."

Ngumiti nalang si sir na parang nanalo sa lotto at nagpaalam. Hinatid rin namin siya ni Albert.

Makalipas ang isang buwan, tuloy lang din ang routine ko na magtatrabaho at uuwi.Hindi na rin ako umasa na pumayag si Antonnia dahil increasing ang fans nito at maraming kinikilig sa loveteam nila ni Conan. May mga endorser shoots din sila together. Kahit nga crush ko lang siya, nalulungkot ako dahil wala talaga akong pag-asa sa kanya.

Nakikita ko rin kasi sa mga post niya sa Social Media na puro luxury ang nakasanayang nitong buhay. Samantala ako, wildlife, simpleng buhay lang, kahit wala pang signal dito sa isla ay nakakaya ko. 

Happier?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon