4 Months Left
Leo's POV
Hindi pa ako nagpapaalam kay Ann na uuwi pala ako at matatagalan sa isla. Ngayon na kasi ang shooting kasama ang team ni Xandy. Five-man team sila. Dalawa ang lalaki, at tatlo naman ang babae.
Pagkatapos kong magtrabaho sa zoo at nakipaglaro sa Simba's pride, nakakuha rin ako ng kunting sugat dahil sa bigat na rin at mga claws ng alaga namin. Hindi talaga maiwasan na mapunit ang damit kunti at mga galos.
Nakasalubong ko naman si Ann habang paakyat ako sa hagdan. Nakita niya ang mga sugat at galos ko.
"What happened? Are you okay Leo?"
Ganito pala ang boses niya kapag nagalala sa akin. Ngayon ko lang ito naramdaman sa kanya. She looks so sincere.
"Ah...kunting galos lang mahal...I mean...Ann..."
Napakamot rin ako sa ulo dahil natawag ko nanaman siyang mahal. Nasanay kasi ako dati kaya nahihirapan parin ako sa pagtawag sa kanya ng Ann lang.
Kumuha din siya ng first aid kit at pinaupo ako sa kwarto. Tatanggi pa sana ako kaso sinamaan niya ako ng tingin.
Ginamot nya ang mga sugat ko. Tinaas niya rin ang tshirt ko dahil may sugat pa ako sa bandang balikat.
Nakita niya naman ang tattoos ko. May nakasulat kasing "ATLAS PRIDE" likod ko, sa ilalim ng batok.
"What is Atlas Pride?Diba Simba's Pride iyong inaalagaan mong mga lions sa zoo?"
Oo nga pala, walang ka ideya-ideya ang asawa ko tungkol sa pinagkakaabalahan ko.
"Ito yung grupo ng lions na mahal na mahal ko. Alaala din ito ng mga magulang ko."
Napatango naman si Ann. General lang kasi ang pagsagot ko sa kanya.
"Palagi ka nalang umuuwing may galos. Mag-ingat ka okay? Alam ko naman na passion mo talaga mag alaga ng lions, pero palagi ka parin mag doble ingat Leo."
"Opo mahal."
Ayan nalang ang sinagot ko. Napatabon rin ako sa bibig ko. Natawa nalang si Ann at first time ko siyang makita na ngumiti na kami lang dalawa. Sobrang ganda niya talaga.
Hinahayaan niya na rin pala akong tumabi sa kanya matulog. Although hinaharangan niya ng unan sa gitna, pero I think it is a progress?
"Ann, babalik pala ako sa isla. May pinapatulong lang si Lola at Albert. Medyo matatagalan ako."
Tumango lang si Ann. Sinabihan niya rin ako na itext ko siya kung nakarating na ako. Ngayon, gusto niya palagi ko siyang inaupdate. Hindi naman ako nagrereklamo sa mga gusto niya. Pero nagtataka lang din ako.
In the Island
"Sobrang ganda naman ng man-made forest dito, parang natural habitat. Parang amazon forest rin ang level."
"Di ko akalain may ganito sa Pilipinas."
Gabi na kasi nakarating ang team nila Xandy kaya nagpahinga naman sila sa mansion.
Kinabukasan, halos natawa naman ako dahil natumba sila at gulat na gulat nung nakasakay ako sa kay Kion at nakasunod sila Scion, Kiera, Kiara, and Kieri.
Nakatopless rin pala ako dahil pinaliguan ko ang mga hayop.
Nakita ko naman na naglabas agad sila ng camera nila.
Sabi kasi nila, ang documentary ay yung natural lang na hindi scripted. Although may flow sila, pero mas gusto nila ang natural.
Nagbriefing din sa kanila si Albert na hindi magpahalata na takot na takot sila. Kasi maiisip agad ito ng pride na prey ka.
BINABASA MO ANG
Happier?
RomanceThis is a story about loving someone unconditionally to the point where you're willing to let go of that person just to make them happier. Xander Leo Redeval is a wildlife enthusiast from South Africa who went to the Philippines to hide. However, fa...