Chapter 3

75 8 0
                                    

Chapter 3

Leo's POV

Ang ganda naman ng zoo ng mga Razon. Close ito ngayon dahil may maintenance na isinasagawa sa mga tigers and lions den. Ang lawak at ang titibay ng mga facilities. Sabi sa internet, ang patriarch ng Razon ay animal lover kaya nagpatayo ito ng zoo sa Pilipinas, kahit ang dami dami na nitong negosyo. Alagang alaga din ang mga hayop dito dahil mapapansin mo ito agad sa pangangatawan ng mga ito.

Habang naglalakad, napansin ko rin na nagsitakbuhan ang mga staff. Parang natataranta.

"Si Sir Richard pumasok sa bagong lions den."

"Asan na ba yung lion tamer natin, ibang lion's den pinasok ni sir."

Halos maiyak iyak rin na sabi ng staff. Nalaman ko din na may alagang mga lions daw si Sir Richard nila pero dahil sa katandaan na rin daw, nalimutan ata at ibang den ang napasok.

Nakapalibot na rin ang mga staff at may dalang mga tranquilizers gun. Napansin ko rin na lumalapit na ang mga lions kay Sir Richard at ang ganyang tingin ng lions ay ibigsabihin they were pissed off as someone barge in in their territory.

Mapapansin na rin ang kaba ni Sir Richard. Pero dahil sa layo ng mga tauhan ni Sir Richard, mahihirapan silang tamaan ang mga lions.

Nakita ko na rin na patakbo na ang leader ng pride papunta sa direksyon ni Sir Richard. Tila naman natakot ang lahat at ang mga tauhan niya rin ay walang nagawa dahil delikado talaga ang pumasok sa territory nila.

Kaso habang tinitingnan ko ang mga lions, halos di ko alam ang maramdaman dahil ito ang pride na inalagaan namin noon nila Daddy and Mommy. Dahil nandito sila sa Zoo, malamang nabili ito sila ng Razon. Sobrang lusog ng mga alaga at halos namiss ko rin silang lahat. Isang lalaki lang ang meron sa grupo nila at apat ang lionesses.

Agad akong tumakbo at mala parker style na tumalon mula sa bakod. Narinig ko rin ang sigawan ng mga tao dahil akala nila isasakripisyo ko ang buhay ko para harangan si Sir Richard.

Sinalubong ko sa takbo ang papuntang lion na si Simba. Ang kaninang mabagsik nitong tingin ay biglang lumambot. Naaalala pa nga ako nila. Nagsigawan ang mga tao ng malapit kaming magtagpo at halos di rin sila makapaniwala.

"I miss you so much Simba. I'm so glad you're so healthy."

Ayan nalang sinabi ko at panay dilap sa pisngi ko si Simba. Niyakap ko rin ito. Sumunod na rin nakisali ang mga lionesses. Habang busy ang mga pride sa reunion namin, agad naman inasikaso ng mga tauhan ang kanilang boss.

After kong mapakalma ang Simba's Pride, bumalik na rin sila sa tambayan nila. Nagpaalam rin ako sa kanila.

Tinawag naman ako ng staff at dumiretso sa office ni Sir Richard Razon.

Pagkadating ko sa office, bigla naman akong niyakap ng isang babae na maganda rin. Siya siguro ang asawa ni Sir dahil narinig kong tinawag siyang "honey," ni Sir Richard.

"I'm sorry iho, pero utang na loob namin sayo ang pagligtas sa asawa ko."

Ito naman ang sabi ng ginang na maiyak iyak pa.

Nilahad naman ni Sir Richard ang kamay nito para sa isang handshake. Agad ko itong inabot din.

"Maraming salamat iho. Di ko akalain na napaamo mo ang mga lions na iyon. Utang ko sa iyo ang buhay ko"

"Wala pong anuman Sir. Dati po akong wildlife protector ng mga leon po."

Nalaman rin ni Sir Razon na ako pala ang nirecommend ng kaibigan niya. Gusto kasi ni Sir Richard ng isang marunong mag handle sa mga lions na bago nitong bili. Nalaman ko din na legal na nakuha ang mga lion at nagkamali talaga siya kanina sa pagpasok ng den. May mga alaga rin kasing leon si Sir Richard at nasa kabilang den pala ito.

Happier?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon