Chapter 18
In the Function Hall
Nag-eedit ngayon ang team ni Xandy para sa episodes. Ipininasa naman namin ni Albert ang kuha sa mga camera namin at sa drone.
A total of five episodes kasi lahat ang need. Nauna na iyong Atlas Pride.
Sa Second Episode, it is a 20-min documentary na iyong kasama ko pa si Xandy. Hindi na sana ito ipapalabas kaso dahil sa demand ng tao at pagshiship, pinagbigyan ito ng team.
And third, fourth, at fifth episodes, yun ang kasama ko na si Ann at ongoing palang iyon.
Dahil narin alam ng media team ang ginagawa nila, hinayaan ko na silang ipublish ang video kahit di ko pa ito nakikita.
"Hoy Sandro, patingin nga ng documentary. Bakit ang ingay ng notification ko. Sabi ni Albert."
"Ah baka dahil yan sa drone shot mo. Alam mo naman na nilalagay namin sa documentary kung sino ang kumuha or videographers behind."
"Isetup ko ang projector at panoorin natin."
Tinawag kami ni Albert at napansin ko naman ang tawa ni Sandro at ng kanyang team. Si Xandy naman ay sinusupladahan si Sandro at sinabing may idelete daw na part.
Niyaya na ni Lola si Ann at andito kami ngayon sa function hall.
Habang nagpeplay ang 20min documentary, masasabi mo talaga magaling ang team ni Sandro. Dati kasi itong director at isa ring editor sa mga pelikula. Sadyang advocate lang talaga ito at mas pinili ang career sa wildlife.
Kaso nung nasa kalagitnaan na, napalabas sa video namin ni Xandy. Hindi ito sinali sa unang episode dahil inspirational at historical ang theme na iyon.
Dito sa special episode na 20-min documentary, ay pinakita ang behind the scenes or ang funny side along with the lions.
Pinakita ang banters namin ni Xandy habang sakay kami ni Kion. Ito yung time nan aka topless
at makikita ang Atlas Pride tattoes ko.
Natawa rin kami habang nanood dahil sinali nila Sandro yung moments na akala namin di nakarecord ang microphone. Panay tawa namin dahil kitang kita ang agry mode ni Xandy.
Ang ganda rin ng kuha nung sa pagtatampo ng lionesses sa amin ng Atlas brothers. Yung tipong naging mga babae vs mga lalaki ang segment. Ang cool nung part na iyon dahil nagmuka kaming under sa mga lionesses hahaha. Sinapawan pa ng meme sound effect kaya makakatawa ka talaga.
Nandyan rin yung paghatid ng unggoy ng mga prutas. Ito naman si Sandro hindi pinalagpas yung mga jokes ko din.
Sa huli, mapapansin mo na sweet segment na ito ng mga Atlas Brothers along with Lionesses. Kaso ang di ko iniexpect, nakuhanan pala at talagang nakalagay ang pangalan ni Albert as videographer dahil makikita ang video na hinalikan ako ni Xandy. Medyo malayo naman ang drone pero ma aasume mo talagang naghahalikan kami.
Ang gago talaga ni Albert, nasama niya pala iyon record. Ang fans na ang nagassume about doon kahit di naman malapitan ang kuha.
Nagkaroon naman ng katahimikan dahil umalis pala si Ann. Nagsisihan naman ang media team dahil ngayon lang nila nalaman na ex-wife ko si Ann.
"I told you Sandro na idelete ang part na iyon."
"Sorry na Xandy at Leo, di ko kasi alam na may relasyon kayo ni Ann. Sorry talaga."
"Okay lang. Hayaan niyo na. nangyari na. But to set the facts straight, mag bestfriends lang kami ni Leo though first love ko siya. But stop the teasing." Hirit ni Xandy.
BINABASA MO ANG
Happier?
RomanceThis is a story about loving someone unconditionally to the point where you're willing to let go of that person just to make them happier. Xander Leo Redeval is a wildlife enthusiast from South Africa who went to the Philippines to hide. However, fa...