Chapter 11

69 5 0
                                    

Leo's POV

Pagsapit ng dinner, panay tukso naman nila sa amin. Nag start na rin nag arrange ng clips at back up ng clips ang team niya. Tatlong araw din ang shooting.

Sa sunod na mga araw, they just shoot ang malaking cage. Ang Drone shots sa mansion, watchtower, They also feature si Lola Aida at Albert.

Ininterview din nila ako. I told them about the story and how I get here in the Philippines. They were shocked then nung nalaman nila na ako pala yung survivor sa Poachers attack noon. Sa environmentalist and wildlife enthusiast lang din kasi naging matunog yung nangyari noon.

"Leo, meron ba kayong clips nung mga cubs palang ang Atlas Pride?" tanong ni Sandro. Siya ang head ng media team nila Xandy.

Sasagot na sana ako kaso humirit si Albert.

"Aba, meron kami niyan." Sabay abot sa memory cards. Itong spare memory cards namin dahil mahilig kaming mag back up ng files.

We also toured them sa research facilities ni Lola. Dito kasi nag momonitor at makikita na in the past 30 years, maraming mga ibon at hayop ang napapapunta dito sa isla.

Also, inalam din nila ang history ng family namin sa island kung bakit hindi ito binenta ni Lola.

Naging maayos naman ang shooting at sabi nila, aabutin siguro ng ilang weeks ang paghahanda at pag edit sa documentary.

Isasabay daw nila ito sa World Lions Day sa makalawang buwan. Nag problema rin nga sila sa budget na magagamit pero nung nalaman ni Sir Richard ang ginagawa ng foundation, agad itong nagsponsor. Sobrang excited pa ito dahil excited siyang malaman ng buong mundo na may barbary lions dito sa Pilipinas.

3 Months Left

Pareho kaming nabusy ni Xandy sa trabaho. Pero kahit papaano, kinukumusta ko din siya at ganun din siya sa akin. Nanatili ang pagkakaibigan namin.

Naging mabuti naman ang pakikitungo sa akin ng asawa ko. Kapag pauwi ako galing trabaho, bumibili ako ng paborito niyang mga bulaklak.

Sa loob ng isang buwan, pumapayag na rin siya kapag niyayaya ko siyang lumabas at makipagdate sa akin. Pinipili lang namin ang may VIP para di maissue ang asawa ko. Ayaw ko rin sirain ang career niya dahil dream niya talaga ang pagiging artista.

Papasok palang kami sa area na pinareserve ko at coincidentally na nandito rin pala ang manager ni Ann. Nagkamustahan lang. May magandang balita din ito. May another big break project para sa loveteam nila ni Conan. After niyang sabihin iyon, umalis na din ito.

"Hi love, nandito ka rin pala. Kasama ko pala family ko." Bigla nalang sumulpot si Conan sa restaurant. Nag cecelebrate ata sila ng birthday ng kapatid niya. Nag beso naman ang asawa ko sa pamilya ni Conan.

Napansin ko rin na may ibang mga taong nakatingin sa amin.

"Sino naman itong kasama mo iha?"

Handa na akong marinig na idedeny nanaman ako ng asawa ko. Pero si Conan ang nagsalita.

"Sumabay kana sa amin love."

Agad naman niyang hinila ang asawa ko. Dumiretso nalang din lakad ang pamilya ni Conan. Parang akong hangin na iniwan ng asawa ko sa sitwasyon na iyon.

Dumating na rin ang staff at inassist ako papunta sa table. Isa itong closed area na pinahanda ko na para sana sa amin dalawa.

Narinig ko naman na tumawag sa akin si Xandy.

"Hey Leo, asan ka? Bibisitahin kasi sana kita."

Sasagot pa sana ako kaso saktong dumating ang waiter.

"Sir, dadating pa po ba ang ka date ninyo? Ihahanda naba namin ang pagkain?"

Narinig naman iyon ni Xandy.

"Don't tell me iniwan ka ng ka date mo. I saw a post from Conan's account nag post ito kasama ang asawa mo."

"Xandy..."

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil nalulungkot ako. Para kasi akong patapon na bibigyan lang ako ng oras ng asawa ko kung may natira pa sa oras niya.

"Don't go Leo. I'll go there. Asan ka?"

I told her the location. I also told the waiter na papunta na kadate ko.

Mabuti na nandito si Xandy. Nahihiya na rin kasi ako dito sa area kasi mag isang oras ng ako lang mag-isa.

After 15 minutes, dumating si Xandy. Naka casual dress ito at ang ganda niya sobra.

Kumain rin kami pagkadating niya. Nagkwentuhan rin. Nag play rin ng violin yung staff. I want it to be romantic kasi sana para kay Ann. Pero wala eh. Mas pinili niya si Conan.

Nagpicture rin kami ni Xandy.

"Ipopost ko ito Leo ha. Wag kang magrereklamo. Ipapakita ko dyan sa asawa mo kung sino ang sinasayang niya."

Marami ring followers si Xandy. Dahil aside na sikat ito bilang wildlife enthusiast, sobrang ganda kasi nito kaya di maiiwasan na makaagaw talaga ito ng atensyon.

Hinatid ko na rin si Xandy sa condo niya. Dahil maaga parin naman, pinatambay niya ako muna sa living room niya. Naglabas din siya ng beer at nanood lang kami ng movie.

Tuloy naman sa pag rant si Xandy. Naiinis kasi siya sa asawa ko kasi red flag daw si Conan. Minsan ng ito nagkakaissue din sa ibang babae.

Umuwi na rin ako sa bahay ng madaling araw. Mabuti nalang tulog na ang asawa ko.

Habang pahiga ako sa kama, biglang nagsalita ang asawa ko.

"I'm sorry about earlier, Leo."

"Gising kapa pala mahal...Ann...okay lang iyon, magpahinga kana."

Kahit naman nasasaktan ako, naaappreciate ko parin ang pag sorry sa akin ng asawa ko. Naintindihan ko naman dahil ang labas ng restaurant kanina ay marami paring tao. Iniingatan lang ng asawa ko ang career niya. 

Happier?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon