Chapter 9
5 Months Left
Limang buwan nalang ang natitira sa agreement. Pero may pagbabago rin naman sa kay mahal. Kinakausap niya na ako. May times din na tinatawagan niya na ako sa cellphone. Puro text lang kasi siya dati at sobrang cold pa.
"Huwag kang pupunta sa studio."
"Okay lang ako. Huwag mo na ako alalahanin."
"May date ako."
"Salamat."
Ngayon, hinahayaan niya na rin akong ihatid siya sa trabaho. I also heard na magfofocus siya sa singing career niya at magpapahinga from being an actress.
Kaso before niya yun inannounce sa fans niya, halos di ko na alam mararamdaman ko ulit. Lumabas kasi ang isang music video at si Conan at Ann ang couple. Sobrang sweet nung kanta. Kahit ako, mapapaamin ako na may chemistry talaga sila. Bonus pa dahil magboyfriend at girlfriend din sila.
Kaso sobrang yabang talaga ni Conan at napakamatapobre. Wala rin itong pagmamahal sa mga hayop. May video pa ngang nagkalat nung paano niya sinipa ang isang aso sa gilid nung shooting nila sa isang film. Maraming nagbash sa kanya, pero ipinagtanggol pa siya ni Ann.
Kinabukasan, pumasok na ako sa trabaho. Nalalapit na pala ang World Animals Day. It is an annual event rin sa zoo at gumagawa ng pakulo ang mga staff to entertain audience.
Habang nasa meeting kami, napuno ng suggestions ang sinasabi nila.
"Ano bayan ang hirap naman ng suggestion mo Angie. Ang hirap kaya ng gawin nating lovestory ang mga lions di porket may bagong dating white male lion at nakakaaway ito ni Simba."
"Ano kaba, sobrang benta kaya sa pinoy ang loveteams. Yung parang si Simba yung laging nandyan tapos nung dumating si White Lion, parang pinili na siya ng mga lionesses."
"Maganda yan tapos may grand piano sa gitna. May magpeplay tapos habang nasa background ang lions."
"Ay naku, kahit alaga ko ang white lion at si Simba hindi ako tatagal sa kulungan nila no. Nakakatakot kaya."
"Paano nayan, sa makalawa na ang event, wala pa tayong plano."
Nakita ko naman na gustong gusto talaga ng staff ang lovestory dawn a performance. May kakanta at papiano habang nasa background ang pride. Ihihiwalay daw ang dalawang male lions pagkatapos kasama ng pianist ang lionesses sa gitna. Tapos hahayaan kung saan ang lioness pepwesto , kung malapit ba kay Simba or sa white lion.
"Sige, gawin natin iyan,"
Ayan nalang ang nasabi ko at tila di sila makapaniwala.
"Pero Boss Leo, sino po magpeperform?"
"Ako ng bahala doon. Basta iready niyo na ang posters at marketing. I ayos niyo rin ang grand piano sa gitna ng field at make sure na maririnig ang speakers nito para sa audience."
----
World Animals Day
Third Person's POV
Several people are lining up for the Razon Zoo. Halos mga babae pa ang nandito dahil nalaman nilang may gwapo raw na tutugtog ng piano kasama ang lions.
Sa pag publish pa lang ng post, halos nag trending rin ito dahil shinare din ito ni Antonnia Razon.
"Excited na ako sa event mamaya."
"Unique talaga ngayon ang event nila dahil may taong malakas ang loob kasama ang mga lions."
"Sino kaya ang gwapo na tinutukoy nila?"
BINABASA MO ANG
Happier?
RomanceThis is a story about loving someone unconditionally to the point where you're willing to let go of that person just to make them happier. Xander Leo Redeval is a wildlife enthusiast from South Africa who went to the Philippines to hide. However, fa...