Chapter 8

64 6 0
                                    

Leo's POV

Mag-iisang linggo ang tinagal ko sa isla. Pinastay din ni Lola si Xandy ng ilang pang araw para sabay na kami makauwi pabalik sa syudad.

Araw-araw ko siya pinapasyal kasama ang Atlas Pride sa gubat. Kahit siguro dalawang lingo hindi mo talaga malilibot ang isla dahil ang lawak nito.

Nasabi ko na rin pala kay Xandy ang sitwasyon ko. Ang daldal kasi ni Albert sa hapagkainan noong nakaraan kaya nalaman ni Xandy na kasal na ako.

Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot noon at tila di makapaniwala na pumasok ako sa relasyon para lang may mapakain ako sa mga alaga kong leon. Mahirap kasi ang buhay noon dahil magastos talaga mag-alaga ng lion lalo na lima sila.

Pero kahit kailan, hindi ako nagsisisi na alagaan sila. Nakakapag-ipon parin naman ako. Nag-iinvest din ako kahit papaano para sa magiging pamilya ko at anak in the future.

Ngayon, magkasama ulit kami ni Xandy. Tumatambay lang kami sa tinatambayan ng Atlas Pride. Nakahiga ang mga leon at humiga narin kami sa damuhan.

"Ang swerte ni Antonnia dahil mahal mo siya Leo. I hope she would realize that or else...."

Napatawa na lang ako sa sinabi ni Xandy. Parang walang pag-asa eh na marealize iyon ni mahal. May Conan na siya eh.

"Anong or else Xandy?"

"or else babawiin kita. You know how much I love you diba."

Niyakap ko nalang si Xandy. Napagusapan din namin na magkaibigan lang kami. Nasabi ko din sa kanya na mahal ko siya bilang bestfriend at nasabi ko rin na dati akong may gusto sa kanya.

Napatawa nalang din kami noong malaman namin na pareho palang kami ng nararamdaman noong mga bata pa kami. Nakwento niya rin na hindi nag work out ang relationship nya sa anak ng boss namin noon.

Dahil sa tinatambayan namin ay may signal, nag video call si Xandy sa mga magulang niya. Nalaman nadin nila tito at tita doon sa Africa na buhay ako at nakiya din nila ang Atlas Pride.

Pinicturan ko din si Xandy kasama ang Atlas Pride.

"Sobrang cool mo dito Xandy. Yung parang sinasamba ka ng mga lions dahil sa sobrang ganda mo."

Ayan ang nasabi ko at hinampas ako ni Xandy.

"Bolero ka talaga kahit kailan."

Totoo naman na ang ganda-ganda niya. Xandy looks very feminine and she has a soft aura. Sobrang approachable niya at humble. Above all, she shared the same interest and passion pagdating sa mga hayop.

Nagpicture rin kami together with Atlas Pride. Sobrang cool nung picture dahil parang kami yung trainers at nagmumuka kaming power couple.

"Alam mo Xandy, nakita ko yung basher na nag comment sa post mo nung nakaraan about crocodiles in man-made forests.Sinasabi niya na ginagawa niyo lang iyon para daw makuha ang mga hayop at experimentuhan."

"Hinahayaan ko nalang ang mga taong bash ng bash sa ginagawa namin. Hindi naman totoo iyon. We never experimented the wildlife na nirerescue namin. Dahil na rin sa kawalan ng natural habitat, naghahanap talaga kami ng mga man-made forest para maranasan parin ng mga wildlife to live na hindi sila restricted. That's why I'm so proud of you Leo, dahil sobrang ganda ng habitat ng mga hayop dito sa isla, lalong lalo na para sa mga lions."

"Xandy, yung about pala sa documentary na sinabi mo. Gusto mo bang gawing subject ang Atlas Pride? Papayag naman ako eh. Hindi naman kasi na panghabang buhay ko silang matatago. Also, mag iilang buwan na rin na hindi na ako bumibili ng karne para sa kanila dahil marunong na sila mag hunt. Sakto talaga ang tulong ni Sir Razon sa amin dahil just on time lang din na matatapos ang agreement namin. Mag 3-4 years old at nasa maturity na ang Atlas Brothers kaya makakaya na nilang mag hunt."

"Ano kaba Leo. Pang na open sa public iyan, baka mababatikos ka at kunin pa ng gobyerno ang Atlas Pride. Worst, baka may mga mag hunt sa kanila dito."

"Xandy, may tiwala ako sayo. Alam ko na sa documentary mo at sa team mo, mabibigyan ng suporta din ang Atlas Pride. Isa pa, legal naman ang mga hayop dahil dala ko ang mga papeles nila. Matetrace din yan ng gobyerno na inilayo ko lang sila dahil sa Africa Attack ng poachers. Isa pa, ang research facilities na nandito na pinatayo ni Lola at clinic ni Albert, makakasuporta iyon na inaalagaan ng maayos ang mga lions, lalo na ang barbary lions."

"Are you sure about this Leo?"

"Oo Xandy. Matagal narin naming plano nila Lola at Albert to introduce the Atlas Pride sa mundo kaso hindi namin alam kung papaano. Ngayon na nandito kana, alam kong matutulungan mo kami."

Napagusapan rin namin ni Xandy na gagawin namin iyon sa susunod na buwan. Umuwi na rin kami sa syudad ay hinatid ko si Xandy sa condo niya.

Nakita ko rin na sa cellphone ko, pinicturan niya pala ako at marami na din pala kaming pictures at videos together with Atlas Pride.

Meron din kaming cute na groufie with the pride. Sobrang cool nun dahil parang magkakaibigan lang kami. May pictures din na hinalikan ako ni Xandy sa pisngi habang nakatingin sa amin ang Atlas Pride.

Sa madaling panahon na nakasama ko ulit ang bestfriend ko, hindi ko maiwasang isipin ang mga what if. Kung si Xandy siguro ang napangasawa ko, siguro sobrang saya namin.

Sobrang wife material kasi ni Xandy. Inaasikaso niya ako at gumagamot sa sugat ko. Pinaglulutuan niya kami at higit sa lahat, binibigyan niya ako ng atensiyon at pagmamahal na kahit kailan hindi ko naramdaman kay Antonnia.

Agad ko naman nawaksi sa isip si Xandy, dahil kasal akong tao. Inalala ko nalang ang mga panahon kung bakit minahal ko si Antonnia. Tama, I have to go back to that time para di ko maalala ang pagseselos at masakit na narananasan ko sa kanya. Focus nalang ako sa positive vibes.

In the House of Leo and Antonnia

Pumasok ako sa bahay at nakita ko na biglang tumakbo sa hagdan si Antonnia pababa na para bang inaabangan niya ako? Wait, imposible naman iyon mangyari.

Kaso na shock rin ako ng bigla niya akong niyakap. First time to na nagkadikit ang balat namin at first time na sobrang lapit namin sa isa't isa.

Niyakap ko siya pabalik. Ang rupok ko talaga pagdating sa kanya. Sabi ko pa naman na tutal dahil limang buwan nalang natitira, eh uumpisahan ko na ang pag-iiwas sa kanya para di na masyadong masakit sa huli kapag iiwan niya na ako.

"Where have you been?"

Pagalit na tanong ni mahal. Hindi ko rin alam ano isasagot dahil nagulat ako at first time na tinanong niya ako kung saan ako galing.

"Ah umuwi lang ako sa amin, Ann."

Hindi ko na rin siya tinawag na mahal dahil alam ko naman na ayaw niya. Isa pa, kailangan sanayin ko ang sarili ko na hindi na siyang tawaging mahal.

"Anong sabi mo?!"

"Sa isla lang ako galing, Ann. Bakit ba, may nangyari ba dito sa bahay? Okay ka lang ba? May masakit ba sa iyo?"

Sunod na sunod kung tanong sa kanya. Baka kasi nung nawala ako ng isang lingo eh may nangyari sa asawa ko.

Kaso agad lang ito tumalikod at umalis.

Ano ba tong problema ni mahal. Ang sungit at suplada talaga. Kuhang kuha niya ang mga lioness eh. 

Happier?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon