Kabanata 6: Go
"Good morning, sleepyhead." Masarap sa balat na sinag ng araw ang sumalubong saakin galing sa malaking bintana kasama ang aroma ng kape sa side table. Nakita ko sa tabi ko si Adam na hinahimas ang buhok ko habang nakaupo sa gilid ng kama.
"Good morning, where did you sleep?" Tanong ko. Nakakahiya naman kasing nakatulong ako bigla sa kakaiyak sa bisig ni Adam kagabi at baka sa kung saan lang siya natulog.
Tinuro niya ang couch na medyo malaki pero alam kong kontrolado niya ang mga galaw niya kagabi para hindi siya mahulog. Hugis-L iyon sa sulok ng malaking kwarto. Kinagat ko ang labi ko, nahalata naman niya iyon kaya natawa siya, "It's okay. I had fun sleeping densily and watching you sleep here in my bed. Atleast you're safe in mine." Makahulugang saad niya.
Kahit hindi niya aminin, hindi naman ako manhid. He's been developing romantic feelings towards me. Hindi ako bago doon. Dahil tuwing nababanggit ko iyon ay agad siyang umiiwas and he got all the symptoms of being in love with me. Idagdag pa ang mga ginagawa niya saakin. As a friend, who would do that? Only Adam.
"Uuwi na ako, Adam. Thank you for letting me stay for the night." Nabigla siya at napatigil sa paghahain saakin, nagtatanong ang mga mata.
"You're back to your Vance? Is that it? C'mon, Penny. Are you for real? I was being called by your network amd you were judged, laughed at and mistaken for being desperate. Tapos babalik ka pa din dun?!" Napatalon ako nang binagsak niya ang dalawang plato kaya nabasag iyon.
"I'm sorry. Hayaan mo muna ako. Mapapagod naman ako eh. Just please give me this please... Hangga't di pa ako napapagod. Adam, mahal ko si Vance eh. Someday you'll experience this, too." Madali kong kinuha ang bag ko sa sofa sa sala at sinuot ang cardigan ko. Napatingin ako sa kanya na sinasabunutan ang sarili habang nakaupo sa bar counter.
Naguulap na paningin ang pinakita niya saakin, "I've been experiencing this for 2 years now, Penelope. Don't act as if you don't know it." Tumingala ako para pigilan ang luhang tumutulo pero sadyang pasaway sila.
You can't love without hurting. You can't be hurt without loving. Kasi habang nilalasap mo ang langit ng pagmamahal, kasabay rin nun ang pagiyak ng dugo sa impyerno ng kasakitan. That's what Vance taught me. Kaya kahit ano mang desisyon ko, dalawa lang ang kalalabasan-- ako ang masasaktan o si Adam... Labas si Vance sa resulta dahil wala siyang pakielam at gago siya.
"Sorry, Adam..." Humagulhol ako habang nanghihinang lumuluhod. Si Adam ang kinukuhanan ko ng lakas ng dalawang taon. At ngayong mukhang mawawala na siya ay sino pang hahawakan ko? Sinabi saakin ni Sunniane na susuportahan niya ako pero hindi niya kakayanin na aaluin niya ako tuwing nasasaktan ako kay Vance. Kaya talagang si Adam lang..
"Tangina kasi si Sunniane, Penelope. Pinaasa ako sa mga librong binabasa niya. Na lahat ng lalaking kaibigan ay makakatuluyan ng baabeng bida. Tangina, Penelope. Nakalimutan kong may Vance pala na nakaharang.." Ngumiti siya ng mapait kasabay ng pagtulo ng luha niya.
"Alam mong siya talaga, Adam. Kahit sabihin ko mang wala akong pakielam kung nakikipagsex siya sa harapan ko, alam mong siya pa din. Mahal na mahal kita, Adam kaso hanggang kaibigan lang talaga eh. I tried, I really tried to the point na niloloko ko ang sarili ko. Ayaw kong madamay ka pa sa panloloko ko ng sarili.."
Suminghot siya at lumapit saakin. Lumuhod din siya at pinahid ang luha dahilan ng mas lalong pag-agos nito. Wala nang Adam na magpupunas saakin kasi sumuko na din siya. Kasi alam na niyang para saan pa kung magpupunas siya ng luha ko kung hindi ko kayang punasan ang luha niya? Wala nang magpapatahan saakin sa mga gabing hindi ako makatulog sa kakaiyak dahil tinakbuhan ako ng pinakamamahal ko sa isang kasal. Wala nang Adam na nagmamahal saakin kasi kakalimutan niya muna ako at maghahanap ng ibang mamahalin at pupunasan ng luha.
"Take care of yourself, Penny. Mawawala muna ako saglit, I'll heal my wounds first so I can heal you second. Hindi kita mapapasaya kung ako din ay hindi masaya. Penny, I love you so much at alam kong kahit hindi ko sabihin ay alam mo yan. I want you to choose me pero alam kong awa lang ang magiging dahilan ng pagpili mo saakin. Kahit alam kong gago si Vance, I'm letting you go and chase him kasi mahal mo siya at kaya ka niyang pahabulin katulad nito na hindi mo kaya gawin saakin. When you kiss me last night, I know it's just because you're longing for someone's kiss and that's not me. Penelope, I want you to he happy and don't mind me, aryt? I'll be okay too. I'll just... Rest for awhile. I will come back, I promise. I'll wait for the wedding invitation for the second time.." Pumiyok ang boses niya sa dulo at alam ko kung gaano kasakit mangiwan para ipagamot ang sarili kahit hindi ko pa iyon nararanasan. Hinawakan ko ang kamay niya at pinunasan sa wakas ang luha niyang umaagos sa makinis na pisngi pababa sa perpektong anggulo na panga.
"Take care, Adam." Maliit ang boses ko nang sabihin ko iyon. Tumango siya at nagbuntong-hininga habang pinagmasdan ako.
Hinalikan niya ang noo ko at binuhat ako patayo. Bago ako makatingin sakanya ay niyakap niya ako ng sobrang higpit ngunit ginantihan ko din. Nanghihina akong naglakad papalabas ng suite at papalabas ng buhay ni Adam.
Pagkalabas na pagkalabas ko ng building ay napahawak ako sa dibdib kong naninikip. Ilang beses akong huminga ng malalim at pumikit muna. Dinamdam ko ang banyagang hangin sa aking balat bago dumilat, tanda na may bago na akong gigisingan sa bawat araw na dadating.. Na ang ngayon ay hindi na katulad ng dati.
Binuksan ko ang aking pinto gamit ang card at tinignan ang katapat na pinto. Kahapon lang ako lumipat nang makauwi galing sa suite ni Adam. Nagbuntong hininga ako at nilagay ang pinamiling grocery sa dining table. Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv para magisip ng plano para kay Vance.
Business bachelor, Adam Yupangco came from Paris without the International Model, Penelope Prescott?
He told us he was going to Paris to see Penelope Prescott as she goes into a long vacation of summer here in Philippines.
"No comment." Tanging sagot niya sa sobrang dami ng tanong kay Adam habang nakikipagsiksikang umalis sa camera at mga mic na nakatutok sakanya. Nagtanong pa ang iba tungkol sa relasyon naming dalawa at ngumiti lang siya ng pilit saka pumasok sa kanyang kotse kasama ang mga bodyguards.
Agad din napalitan iyon at pumalit ang mukha ni Vance na nagpopromote sa press-con ng bago niyang pabango. Sinabi rin doon na sobrang busy rin siya at bumalik sa Paris pagkatapos ng press-con sa di malamang dahilan kaya naman nabuhay ang dugo ko at nagtatatakbong lumabas at kinatok ang katapat na pinto.
"Vance! Vance Kavanaugh, open this damn door!" Kalabog ko sa pintuan dahil kanina pa sniya hindi binubuksan! Tinignan ko ang baba ng pintuan at may ilaw naman kaya may tao!
Pakalabog na sana ulit ako nang bumukas ang pintuan at niluwa ang isang iritadong lalaking nakatapis lang sa bewang at tulo-tulo pa ang tubig galing sa buhok na magulo pababa sa pectorials at abs.
"What the fuck?!" Bungad niya. Agaran ko siyang hinalikan ng buong pagmamahal. I'm gonna give all my fuck, baby. Only for you.
Dear Runaway Groom,
I'm gonna fight for you. I'm gonna make you mine. So much for sacrifices and sufferings. But I'm gonna love you with all that I have.
- Penelope
BINABASA MO ANG
Dear, Runaway Groom.
General Fiction"I'm going to make you marry me." I said. Then I fell in hell. He gave me pain and agony, I gave him myself. He gave me sufferings, I gave him my love. He made me his toy, I made him my king. He jailed me in hell, I forced him in my 7th heaven...