Kabanata 29

5.6K 96 7
                                    

Kabanata 29

You know what's funny? I spent years to run away and forget him pero ano ang nangyari? Nanginig pa rin ako nang muli ko nanaman siyang makita. Nayanig pa rin ang pagkatao ko sa klase ng haplos niya sa aking balat.

Nakatingin ako sa banda nila habang nagsswimming sila kasama si Sunniane. I don't know where Leaumont went, maybe at the kitchen.

Pagkatapos kasi ng album conference ni Vance ay hindi na siya nagtagal pa roon at pinuntahan agad kami rito para magbonding kami kasama ng mga bata.

"So masaya ka na niyan?"

"Gosh, Leau! You scared the hell out of me!" Napahawak ako sa dibdib ko, it was beating fast.

"You know, I also dreamed of seeing my love with our kids. At ikaw na nakaranas na, what does it feels like?" Aniya

Napangiti ako nang makita siyang nakatanaw sa bestfriend kong pinaglalaruan ang inflatable ball kasama si Lennox, "It feels undeniably happy. Seeing them together is my epitome of joy. Kasi alam kong sa mga bisig ni Vance sila sasaya... At ako din."

Nanlaki ang mata ko nang mapunta ang titig ni Vance saakin at ngumiti saka umahon pagkatapos bilinan si Sunniane sa mga bata. Nagsalisi naman sila ni Leaumont na naghubad ng shirt saka tumalon sa pool.

"HERE COMES TARZAAAN!" hiyaw niya na nakisama ang mga anak ko.

"Hey.." Don't hey me, you hottie.

Tumango lang ako at pilit na binabalewala ang ulam na nakahain sa harap ko. Damn those hard-rock abs and side abs, those big biceps and triceps, strong-accented jaws, wet blonde hair, piercing light brown eyes, and of course, him. Damn him.

Ngayon alam ko na kung bakit ako pumayag magpabuntis dito.

I chuckled at the thought.

"Why are you laughing?" Aniya ngunit umiling lang ako. Ayokong malaman niya ang kamanyakang iniisip ko.

Dahan-dahan siyang lumapit hanggang sa maabot ng labi niya ang noo ko. And it feels so damn great.

"I love you, Penny. I love you so much."

Napangiti ako at nanatiling nakatingin sa kanyang mga mata, "I know. I love you too."

Ngunit nawala din iyon nang may maisip ako, "How about Mavania?"

Nabakasan ng takot ang kanyang mata pero nawala din iyon at hinaplos ang buhok ko.

"We'll be alright. I promise." At saka hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

Umiiyak na inabot ni Zienne ang kamay ni Vance. Kanina pa kasi siya pumipigil sa ama na huwag umalis pero kasi may importanteng meeting si Vance. I can't blame my kids.

Hindi ba pwedeng isantabi muna ni Vance ang trabaho at manatili muna sa tabi namin?

Yes, I know. Hindi na ako magpapakaimpokrita. I need him too.

Tinignan ko siya habang disappointed ako habang wala na siyang nagawa kundi hagkan kaming mag-iina niya, at umalis. Napailing na lamang si Leaumont at pasimpleng hinawi ang buhok ni Sun na nakaharang sa mukha nito.

"I guess we can't compete with daddy's work, Yen." Nagulat ako nang banggitin iyon ni Lennox na para bang hindi bata. Niyakap niya na lang ang kakambal niya at umupo sa bean bag para manood ng tv at kumain ng popcorn.

Dear, Runaway Groom. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon