Kabanata 11

5.1K 80 11
                                    

Kabanata 11

Nagising ako ng may magaan na pakiramdam. For the past 2 years, ngayon lang ako nagising na may ngiti sa aking labi.

Napangiti pa ako lalo nang may maramdaman akong brasong malaki sa aking bandang tiyan at ang gwapong mukha ni Vance ang sumalubong saakin. Mas lalo na depina ang kanyang panga sa ganitong anggulo at may parang bukol pa na gumagalaw tuwing nagtitiim ang bagang niya. Ang kanyang matangos na ilong na sobrang proportional sa kanyang cheekbones at makapal ngunit Cupid's bow na labi. Ang kanyang matang nakapikit na may mahahabang pilik-mata pero alam mong pagdilat ng mga ito ay sasalubong sayo ang makasalanang lalim ng mata nito. At ang kanyang buhok na hindi mo alam kung blonde ba o brown o black ang kulay dahil halo-halo. Sinuklay ko ito sabay halik sa tungki ng kanyang ilong.

"Good morning." Sambit ko. Kagabi ang pinakasamayang gabi na naranasan ko simula nang tumapak ako sa lupain ng Paris. Hindi ko naranasan ang impyerno sa kama ni Vance, hindi niya pinwersa at mas lalong hindi niya ako sinaktan. Habang nagtatalik kami ay napaluha pa ako sa saya na nararamdaman ko. Eto na, malapit na ang pinakahinihintay kong mangyari. Hindi ko man alam kung bakit biglaan ang paglambot ni Vance, okay na yun, kesa naman na hanggang ngayon ay nadadagdagan pa din ang pasakit saakin.

Napaigtad ako nang idilat niya ang mata niya at ngumiti. Damn, I love this man so much.

"Did I hurt you again?" Sa simpleng pagtanong niyang iyon ay nagpaluha saakin ng sobra. I never thought this man would ask me this kind of question. Nanlaki naman ang mata niya at pinunasan ang mga takas kong luha.

"I'm okay. Sorry ah, ang drama ko kasi masyado." Humalakhak siya at hinalikan ako sa ilong.

"Don't mind me. C'mon, let's eat breakfast." Hinila niya ako ng marahan patayo at magkaakbay na pumunta sa kusina. Dumiretso siya sa bar counter at ako naman ay naghanda ng lulutuin.

Ganoon ang naging trato saakin ni Vance sa isang buwan. Naging tao ulit ako sa paningin niya, at nirespeto bilang babae. May mga oras ding nagtatalik at nagtatawagan kami ng pangalan sa kama, pero lahat yun ay ginusto naming dalawa. Bumalik na rin ako sa sarili kong unit pero mas madalas pa rin akong nasa unit ni Vance.

We would watch movies in broad daylight and end it in midnights, we would eat our lunch together in his bedroom while watching The Vampire Diaries, but the sad part is, hindi pa kami nakakalabas ng building simula nung magkaayos kami. Ang huli kong alis ay yung pinagamot pa ako ni Sunniane at hindi na nasundan.

Hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko sa set-up namin. Masaya kasi para narin kaming magnobyo sa ginagawa namin at maayos kami, o malungkot... Malungkot kasi walang kasiguraduhan at walang direksyon ang lahat. Ni hindi ko nga alam kung anong tawag sa relasyon namin.

Napatingin ako sa picture frame sa sala na may nakangiting babae at lalaki na magkaakbay. I wonder what happened to Vance and that girl?

Then it hit me.

Hindi ba parang... Kapag hindi maayos ang kung meron man sakanila, parang rebound lang din ako? Kung maayos naman sila.. Ano pa ako? Oo, kerida, ahas, pangalawa, kabit, number two at hindi legal.

Hindi na ako nagulat nung may yumakap saakin mula sa likod, "Penny to your thoughts?"

"Don't mind me, Vance. Iniisip ko lang yung mga maliliit na bagay." Naramdaman ko ang malalim niyang hininga sa aking leeg. Ugh! Alam ko na kung saan ito papunta.

"Wag mo nang isipin. I'm here, anyway. What else do you want?" Bakit parang ang init naman ata? Nagiinit ako sa kanyang baritonong boses na bumubulong sa tenga ko. Damn his hotness.

"I want you, Vance." Nagsalubong ang aming tingin, alam na kung ano ang susunod na mangyayari kaya agad ko siyang sinunggaban, na muntikan pa niyang ikahulog mula sa sofa. Humalakhak na kami at tinuloy ang mainit na pagniniig.

Nagising ako sa vibration ng isang phone sa side table.

Di akin yun.

Patulog na ako ulit nang mahagip ko ang pangalan sa screen, Mavania.

Gumapang ang kaba sa dibdib ko nang makita ko ang isang di pamilyar na pangalan pero may picture sa screen, isang babaeng nakatingin sa malayo na mukha stolen kasama si Vance na nakangiti sa camera habang nagseselfie.

Suminghap ako para pigilan ang luha at hikbi para hindi magising ang lalaking hubad sa tabi ko.

Si Mavania ang babaeng nasa picture frame..

Si Mavania ang babaeng totoong karelasyon ni Vance..

Si Mavania ang totoong mahal ni Vance..

"Penny, why are you--" nabigla ako sa biglang wika ni Vance. Bigla niyang hinablot ang phone sa kamay ko na tumatawag pa rin hanggang ngayon yung Mavania at dabog na sinasarado ang pinto palabas ng kwarto.

Parang nauulit nanaman ang nangyari nakaraang buwan. Parang... Eto nanaman ako, hahabol nanaman ako, madadapa nanaman ako, at mararanasan ko nanaman ang impyerno.

"Where are you going, Vance?" Nanginginig kong tanong. Ayoko nang bumalik sa impyerno. At mas lalong ayoko nang ako nanaman ang maghahabol. Hindi ko kakayaning tumingin kay Vance na may Mavania, kung sino man siya. I know, that girl has this deep, deep root inside Vance. Alam kong una palang, talo na ako. But I won't quit, bitch. Penelope Prescott ata to.

"Huh? M-may pupuntahan lang sa branch dito sa Paris. I'll be back, don't worry." Balibag niyang sinara ang pinto ng kwarto at umalis ng unit. Walang kahit anong sulyap, walang kahit anong pagaalala kung ano ang mangyayari saakin kung wala siya. Because he's going to Mavania.

Sige, Penelope. Kawawain mo pa sarili mo. Keep it up! I told myself sardonically.

Tama mga ang hinala ko, but it was worse than being in hell. Hindi niya ako sinisigawan o sinasaktan o kahit tinitignan man lang. Napaisip din ako kung buhay pa ba ako o multo na. As if Vance is living on his own without someone. Kakausapin at makikipaglandian pa siya kay Mavania sa phone sa harapan ko. Damn him.

I tried reaching him, pinagluluto sa pagkain, nagreready ng mga damit sa opisina, nag lilinis ng buong unit. Pero just fuck! Can't he see me?

"Vance... Vance talk to me, please." Salubong ko sakanya isang gabi ng madaling araw. Pagewang-gewang pa siya habang naglalakad papuntang kwarto pero hinaharangan ko. I need to clear this fucking thing with him. Gusto kong malinawan siya na nandito ako, at dapat ako hindi si Mavania.

Natagpuan ako mg mata niya saka ko napansin na hindi ito nakafocus saakin at nakangisi pa, "I love you.."

Nanlaki ang mata ko na halos magkandaluha-luha na. I didn't expect this!

"I-I love you too, Vance.." Mas lalo siyang ngumiti at sinunggaban ako ng halik.

Gumagalaw siya ng mabilis sa ibabaw ko nang sabihin ang mga katagang ikinaguho ng aking mundo.

"I love you, Mavania.."

Dear Runaway Groom,

I beg you. Love me, please.

- Penelope

Dear, Runaway Groom. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon