Kabanata 8

5K 80 1
                                    

Kabanata 8

Gumising ako ng may mabigat na pakiramdam habang bumabangon. I saw Vance sleeping. Naririnig ko pa ang mumunti niyangmga hilik habang nakaawang ng konti ang kanyang bibig. How can this man of angels took me last night? Hindi mo man lang maiisip na mabangis siya kapag gising sa sobrang inosente niya kapag tulog.

"Good morning." Bulong ko sa tenga niya at nagnakaw pa ako ng halik sa labi niya.

I still have second thoughts whether to get up and leave his unit or prepare his breakfast. And dahil alam niyo nang mahal ko siya, you know what I did.

Pa-ika ika pa akong naglalakad papuntang kitchen. Grabe, hindi ko alam na ganito kasakit ma-devirginize. Tinignan ko ang maayos na pagkakalagay ng mga sibuyas at bawang sa dalawang jar. Si Vance ang lalaking masinop kahit hindi halata sa itsura. Ayaw niyang may kulang sa gamit niya dahil feeling niya wala nang silbi yung gagawin niya. Kaya naman palaging puno ang fridge at kumpleto palagi ang ingredients kahit nasa ibang bansa siya.

Binuksan ko ang balcony sa sala para malanghap at fresh air na galing sa labas. Naamoy ko pa ang fragrance shop na malapit sa building dahil third floor lang ito. Naisipan kong magtimpla ng kape kaya bumalik ako sa kusina.

Habang nagtitimpla ng kape ay napatingin ako sa isang picture frame na may Vance at isang babaeng nakangiti habang magkaakbay. Then, I realized I gave myself to someone who is not worth of my purity. Hindi pala kaya na mahal mo ang isang tao kaya ibibigay mo ang sarili mo sakanya. Dapat din pala, gusto ng taong yun ang makatalik ka ng buong pagmamahal, hindi libog lang. Buti kasi sana kung nababalik ang puri mo, kaso habambuhay na tatatak sayo na binigay mo ang sarili mo sa taong hindi ka kailanmang minahal at hinhintay lang katawan mo na bumigay.

At ang babaeng nasa picture, ay ang parehong babae na nakahalikan ni Vance noong sinundan ko siya pagkatapos niyang tumakas sa family dinner bago kami ikasal sana. She must be a really lucky bitch.

"Why are you crying this early?" Napatalon ako sa baritonong boses sa likod ko at agad kong pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"N-nothing. It's just... It still hurts." Sumulyap ako sakanya na nakaboxer lang at magulo ang buhok. Oh Vance, now I'm having second thoughts why should I cry because I gave you my purity.

Nanlaki ang mata ko nang agad syang lumapit sa kinatatayuan ko at hinawakan ako sa pisngi, pinupunasan ang mga luha kong mas lalo pang umagos. Akala ko dati, palagi kong nararamdaman ang mainit na pakiramdam na humahaplos sa puso ko, pero ngayon ko lang pala to naramdaman.

"I'm sorry, Penelope.." Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa mga mata niyang nakikiusap. Para bang ang sorry niya ay may iba pang ibig sabihin.

I was blinded by my love for Vance Kavanaugh. Pinahiya ko na ang sarili ko at nawala na ang iniingatan ko. Umiiyak ako sa bawat gabing dumadaan, kinalimutan na kung sino ba talaga si Penelope Prescott sa mata ng mga tao. I was a desperate bride, begging for her runaway groom.

"Ok lang. I know how it hurts." Sambit ko. Napakislap naman siya at siya na ang tumuloy sa ginagawa kong pagtimpla ng kape.

"Black or white?" Tanong niya.

"White." Sagot ko habang paupo ng bar counter. Binuksan ko ang flat screen tv sa kitchen at nilipat-lipat.

I wonder what should be Vance's schedule for today. Mukhang wala siyang balak umalis ngayon. Paano kaya kung wala ako dito, saan siya pupunta? Sa babaeng kasama niya sa picture frame?

That girl is undeniably gorgeous. Hindi ako kailanman nainsecure kaso sinira niya ang record ko. Hindi na ako magugulat kung siya nga ang pinalit ni Vance saakin... Or ang mahal ni Vance ever since.

"Anong oras ka babalik sa unit mo?"

"Maybe later. Why? Nakakaabala ba ako?" Nagisip pa siya ng sandali bago umiling.

"Pero siguro babalik ka sa unit mo after breakfast, right?" Pasimpleng tanong niya. Pero alam kong nakikiusap na siya kaya tumango na lang ako. Kahit ayoko nang umalis. Who am I kidding? Kerida lang ako sa relasyon nila ng babaeng nagpausbong ng insecurity ko. Malamang pagkatapos niya labasan saakin, uuwi siya sa mahal niya.

Ngumiti ako ng mapait sa mga naiisip ko. Eto ako, binigay kagabi ang sarili sa lalaking mahal, at nagpapakadesperada. Habang ang lalaking mahal ko ay abala sa pagiisip kung paano ako paaalisin. I lived in a world where everyone wants me. Na ang lahat ay gusto akong makasama at makasalamuha. I've been with different people- from social climbers to elite- kaya napapamura na lang ako sa isip ko habang iniintindi na hindi ako gustong makasama ng mahal ko.

Fuck this fucking fucker.

"Here, coffee. Now stop crying. Gaano ba kasakit yan? Akin na, ulit natin para lumuwag pa at hindi na sumakit." Iritadong sabi niya sa harap ko. Sa sobrang pagkaoffend, tumayo ako at sinampal siya.

"I gave you my purity, Vance! Pero hindi ibig sabihin nun na binigay ko na rin ang karapatan mong bastusin ako! Binigay ko yun sayo kasi mahal kita, tangina!"

"Did I asked for it? You rushed at my unit yesternight to have sex. So it's not my problem that you gave it to me. I am being equal to other whore whom I am treating like that too."

"I am not a whore!" Hinilamos ko ang palad ko sa buong mukha ko. How can I love this heartless fucker? Kelan ba mawawala tong puso ko nang mawala na rin ang pagmamahal ko sakanya?

Tumawa lang siya at pinagpatuloy ang panlalait sa pagkababae ko. Pero wala akong nagawa kundi tanggapin ang mga sinasabi niya saakin. Whore, bitch, horndog, desperate model who wants him, and a woman with no virginity. Lahat iyon ay tinanggap ko. Kahit mas masakit kaysa sa pamamahiya niya saakin sa airport, tinanggap ko. Fuckshit, I love him!

"Be my property, Penelope. You will be with me everywhere. You will be mine. You will love me more. You will be my property. Be mine, Penelope." Nagulat ako sa biglang pagkalma ng boses niya. Umangat ako ng tingin pero hindi malinaw ang paningin ko kaya ko kinusot ang mata ko. Nakita ko ang mala-demonyo niyang mga mata ngunit nagpapaka-inosenteng mukha.

Ano ba tong pinapasok ko?

"Ano? O-oo ka ba o gagawin kong oo yang sagot mo?" Nakakatakot na tinig ang boses niya. Yung parang nanghihina ka na nanginginig. Sa sobrang takot ko ay napatango ako kaya naman mas lalo akong natakot nang makita ko ang mala-demonyong ngisi ni Vance Kavanaugh, saka ako dinala muli sa kwarto niya na alam kong mula ngayon, ay ituturing ko nang impyerno.

Dear Runaway Groom,

         I'm yours and always will be. I am yours, and someday, you will be mine too.

-Penelope

Dear, Runaway Groom. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon