-'✮´-
°°°°
Aahon sana kaming tatlo pero pinigilan kami ni Rex. Siya nalang daw ang kakausap kay Leon, nagtataka man pero inaliw ko nalang ang sarili sa paglalangoy.
"May isang room na bakante pa, pre. You can get used to it, anyway." Rinig kong sabi ni Rex, napapatingin sa kanila, nag-uusap habang pinapaypayan ko ang iniihaw na barbeque.
Pagkatapos naming maligo kanina, nagulat kami nang may hinanda palang set-up si Rex sa may labas ng bahay nila. Nauna kako siyang matapos. Doon kami nagtambay sa kubo kasama si Leon. Medyo kataka-taka kung bakit nandito siya ngayon sa isla na wala siyang ibang kasama.
"I used to be alone." Saad niya nang tanungin siya ni Seldo. Ibang-iba ang Leon na nakikita ko ngayon kumpara sa loob ng university.
"Busy sila, kaya nag desisyon akong mag-isa pumunta dito."
"Matagal kanang nagpabalik-balik dito, pre?" Si Daei, saka niya inabutan ng tagay si Leon, tumango ang binata.
"May pinsan kasi ako dito na nag w-work."
Hindi na ako nakisali sa usapan dahil abala na ang utak ko kung tatawagan ko ba mamaya si Adamson or iba-block ko nalang ang gago.
Nakaubos kami ng dalawang case na beer, kaya ang ending lasing kaming lahat. Mabuti nalang at malaki ang kubo kaya nagkasya kaming lima. Sa lapag kaming tatlo nila Seldo at Daei nahiga. Habang si Rex and Leon nasa pahabang upuan sa magkabilaang parte ng kubo.
Naalimpungatan ako dahil nag vibrate ang phone ko na nasa tabi ko lang. Pinilit kong aninagin ang dumating na message pero hindi ko mabasa-basa dahil blurry ang paningin ko.
Sa tahimik nang paligid, tanging kuliglig lang ng mga insekto ang nag-iingay sa mahabang gabi, narinig ko ang pag-uusap na kung sino.
But then I realized, boses iyon ni Rexter and Leon. I can't stop hearing those whispers, kaya tuluyan ng nagising ang diwa ko.
"I have a blind date earlier, kaya tumakas ako ng bahay. Ang tigas talaga ng ulo ni Dad!" Boses iyon ni Leon, madiin ang bawat salitang binitawan kaya ramdam ang gigil sa tinig niya.
"Shh! Just sleep. Bumalik kana sa Davao mamayang madaling araw agad." Pinal na sabi ni Rex.
Ayon na 'yon at wala na akong narinig pa dahil tumahimik na ang paligid.
Kinaumagahan, wala na nga si Leon. Gusto ko nga'ng maniwala sa utak ko na panaginip ko lang iyong narinig ko ka gabi na usapan nila, pero hindi ko ma-uto ang sarili. I want to ask Rex about that, pero baka mag-iba ang dating ng pagtatanong ko.
Ngayong araw nag-rent kami ng banana boat sa resort. Iyon 'yong tinutukoy ni Rex na may-ari ng malaking resort dito sa POS. Naiwan lang kami sa lobby ng hotel dahil si Rexter lang naman ang kakausap sa owner. Naglibot ang mga tingin namin, sobrang daming art ang nakadisplay sa mga wall kaya naiinganyo kaming tignan iyon.
Hindi na rin nakapagpigil si Daei kaya tumayo na siya para tignan pa ang ibang painting na naroroon sa ibang direksyon.
Sa ganoon kaming posisyong naabutan ni Rex, napatingin agad kami sa kasama niyang binata. Nawawala ang mata nito kapag nangingiti, sakto sigurong may pinag-uusapan sila ni Rex kaya tawang-tawa ang binata.
"Guys, Cruzeiro is coming with us!" Si Rex, naging abala sa phone niya bigla. The guy smiled and waved at us cheerfully.
Payat siya pero bumagay naman sa kanya iyon. Tapos ramdam kong masiyahin at magkasing height lang din namin siya. Para siyang teenagers pa sa bata ng mukha niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/371398706-288-k1693.jpg)
BINABASA MO ANG
Around Your Way ✓
Romantizm(Rainbow Series #1) Walang label pero may feelings, pwede pala 'yon? *** Kasing bilis ni flash ang nangyari sa pagitan ng dalawa. Mayroong mga common friends kaya hindi maiwasang magkalapit. May mga tao talagang kahit wala pang ginagawa, inis na ini...