Chapter #1

127 1 0
                                    


Her P.O.V

Tumigil ako sa tapat ng isang pinto. Bago ako nag-doorbell ay muli akong tumingin sa hawak kong pirasong papel para makatiyak kong tamang pinto ang aking tinigilan.

Magkamali pa ako, nakakahiya kapag nagkaganoon kaya dapat makatiyak muna.

Nang okay naman ay humugot muna ako nang malalim na hininga saka inihanda ang aking sarili.

Hindi ko alam pero ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Parang mayr'ong something na mangyayari. Ipinikit ko ang aking mga mata at marahang iwinaksi ang mga pangit na scenario sa aking isipan.

"Kalma lang, Astroria." marahang bulong ko sa aking sarili.

Maging ang aking katawan ay parang tutol din na pumasok sa loob.

Dumako ang aking tingin sa doorbell saka tumingin ulit ako sa pintong nasa harapan ko.

Matutuwa kaya siya kapag nakita niya ako?

Hindi pa naman ako nagpaalam sa kaniya. Hindi niya alam na pupuntahan ko siya rito sa Maynila.

At saka, sa kaniya ba talaga itong condo na ito? Mukha kasing mamahalin, e. Naka-ipon kaagad siya at nakabili ng ganitong klaseng matitirhan.

Ang galing naman niya. Kaya proud na proud ako sa kaniya, e.

Muli akong humugot nang malalim na hininga saka buong loob na pinindot ang doorbell.

Pagkapindot ko ay dumako ang tingin ko sa aking paanan at ngumiti. Narinig kong bumukas ang pinto kaya nakangiting umangat ang aking tingin.

"Surp----ri----se?" Hindi nabuo ang aking sasabihin at unti-unti ring nawala ang aking mga ngiti ng isang magandang babae ang bumungad sa akin.

Lihim na nagtaka at kalaunan ay kumunot ang aking noo. Mabilis na tumingin ulit ako sa pinto at sa hawak kong papel.

Tama naman, ah!

Bakit iba ang bumungad at sumalubong sa akin?

Dito ba talaga siya nakatira?

"Who are you?" Rinig kong tanong sa akin ng babae.

"I---I," Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil nalilito talaga ako.

"Who are you looking for?" masungit na tanong ng babae.

Napakamot ako sa aking ulo. Magtatanong ba ako? Pero baka kasi mali lang talaga ako.

"I'm sorry," agad akong yumukod para humingi ng tawad.

"Maling room ang napuntahan ko. Akala ko kasi ito na 'yong hinahanap ko. Sorry ulit," dagdag ko.

Mabilis akong tumalikod sa kaniya. Nahihiyang humakbang ang aking mga paa paalis saka muling pinagpatuloy ang aking paghahanap kaya lang biglang nahinto ang aking mga paa nang marinig ko ang isang pamilyar boses. Mabilis akong muling humarap sa room na iyon.

Nakita kong lumabas 'yong babae kasama ang isang lalaki.

"Wait, babe. Mayr'on akong nakalimutan. Wait lang, mabilis lang ako." saad ng babaeng nakaharap ko kanina.

"Okay, I'll wait you here. Dahan-dahan lang, huwag magmadali." wika naman ng kaniyang kasama.

Mabilis na dumako muli sa loob ng silid ang babae. Nanatili ang aking tingin sa lalaking kasama niya. Sa lalaking tinawag niyang babe. Natuod ako sa aking kinatatayuan. Nang lilingon siya sa aking gawi ay mabilis na kumilos ang aking mga paa para tumago.

"Impossible! Hindi siya si Hael." pilit kong saway at kombinsi sa aking sarili.

Hindi ako magagawang lokohin ni Hael. Mahal niya ako at ako lang ang mahal niya. Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at agad na diniall ang kaniyang number.

Finally Found The Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon