Chapter #17

14 2 0
                                    


ASTORIA'S P.O.V

"If you don't want to believe it, I understand. After all, you are his ex-girlfriend, and you are still in love with him." pagtuloy ko na ikinagulat nila.

Siya ang babaeng nakita ko sa restroom noon sa Awarding Ceremony. Iyong babaeng mayr'ong kausap sa phone. Siya ang tinutukoy ko na higit pa sa kalaban ko sa business industry dahil kilala ko na siya bilang ex-girlfriend ni Davian.

Napangiti ako ng maalala ko iyong time na minsan kong naitanong ang tungkol sa past love life ni Davian na nauwi sa confession naming dalawa.

--- flashback ---

Kanina pa ako nabo-boring dito sa ibabaw ng kama. Kanina pa rin ako pagulong-gulong dito. Nakakasawa na mag-scroll sa social media.

Naka-post na ako sa Instagram account namin. Gumawa ako ng Instagram account pero humingi muna ako ng permission niya. Pumayag naman siya.

Pangalan niya ang nilagay ko sa name tapos picture ko na nakatalikod ang profile picture.

Dumako ang tingin ko kay Davian na busy sa kaniyang ginagawa.

Puwede kaya siyang abalahin?

Dumapa ako sa kama saka tinawag siya.

"Hmm?" tugon niya.

"May naging girlfriend ka na ba?" kuryos na tanong ko.

"I am," sagot niya.

"Marami?" tanong ko ulit.

"Just one," sagot niya.

"Bakit kayo naghiwalay at ilang years kayo naging kayo?" pang-iintriga ko.

Sana hindi niya mapansin na inaalis ko lang ang kaboringan ko.

"She's the one who broke up with me. Naging kami ng three months." tugon niya na ikina-upo ko sa kama.

"What? Just three months?" Wow! Ganoon lang kahaba 'yong samahan nila?

"You love her?" Para mas marinig ko ang kaniyang sagot. Dali-dali akong umalis sa kama saka tumungo at lumapit sa kaniya.

Umupo ako sa kaniyang kandungan saka excited na tumingin sa kaniya naghihintay ng kaniyang sagot.

Napailing siya at natawa dahil sa parang batang nakatingin ako sa kaniya.

"Curious?" tanong niya,

Tumango-tango ako sa kaniya. Hinawakan niya ang tungki ng ilong ko.

"Not much, or let say I didn't love her." sagot niya sa tanong ko.

Kumunot ang noo ko.

"What do you mean?" naguguluhang ani ko.

"She is a famous playgirl at our university. Every guy likes her, and every day she changes her boyfriend." pagkukuwento niya.

"Until one day, she appeared in front of me, saying she wanted me to be her boyfriend. I know that time, I am her new target." he added.

"Pumayag ka?" wika ko,

"Yes," mabilis niyang sagot.

"Why?" Mas lalo akong naguluhan.

"To show her that I am not like those guys who wanted to be her. I played with her. I played the role of being a good boyfriend. Then, after three months, she broke up with me, saying that I am a boring boyfriend." he continued.

"I expected it to happen. Three months lang naman siyang  nakikipag-relationship sa lalaki. At isa pa, ganoon siya makipaghiwalay sa karelasyon niya. I once witnessed it. She never had a serious relationship kahit pa seryoso sa kaniya iyong guy. For her, everything is just a game. Masaya rin siya sa tuwing hinahabol siya ng ex niya." dagdag niya pa.

Finally Found The Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon