Chapter #20

13 2 0
                                    


DAVIAN'S P.O.V

Nang maramdaman kong nakatulog na nang mahimbing si Astoria. Marahan ko siyang tiningnan. Gumalaw siya at umalis sa pagkakayakap sa akin. Umayos siya ng higa pero ang kaniyang mukha ay sa akin nakaharap kaya kitang-kita ko ang maganda at maamo niyang mukha.

Inipit ko sa kaniyang tainga ang ilang hibla ng kaniyang buhok na nasa mukha niya. Mula sa kaniyang mukha, bumaba at dumako ang aking tingin sa kaniyang tiyan.

My hands made their way slowly to her belly. I caressed her belly with my thumbs.

Gumalaw siya. Napatingin ako sa kamay niyang humawak sa kamay kong nasa ibabaw ng kaniyang tiyan.

"Love," she weakly murmured.

I looked and stared at her. I can't refrain myself from smiling.

"Silly girl," I kissed her forehead.

Marahan akong umalis sa kaniyang tabi. Siniguro ko na hindi ko maabala ang kaniyang mahimbing na pagtulog. Inayos ko ang pagkakakumot sa kaniya. Inilalim ko sa kumot ang kaniyang dalawang kamay. Muli ko siyang hinalikan sa kaniyang noo saka tuluyang umalis.

Tinungo ko ang aking office. Pagkaupo ko sa swivel chair ay sumandal ako sa sandalan ng aking kinauupuan. I closed my eyes and gently pressed the bridge of my nose.

"Boss, madam received a death threat."

Napamulat ang aking mga mata. Umalis ako sa pagkakasandal saka binuksan ang drawer na nasa kanan ko. Kinuha ko ang mga mga cards na mayr'ong mga nakasulat.

It's a death threat for Astoria.

It's delivered for her.

Nakasulat ang mga salita sa iba't ibang lengguwahe. Mukhang hindi lang isa ang siyang nagpapadala ng mga ito.

It's been two months since I collected them. Astoria didn't know about this. She didn't know that I was the one receiving them, but today,

Kinuha ko ang cards na natanggap niya ngayon.

Malen'kiy podarok dlya tebya, prezhde chem ty umresh'. (A little gift before you die.) --- That's what it says on the cards along with the box with the head. 

Gumawa at nandamay pa ang nagbigay nito. Gumawa pa talaga siya ng gulo sa loob ng kompanya ko para lang makarating ito kay Astoria.

I already told this situation sa mga police. Maraming nakabantay na police sa paligid ni Astoria. It started two months ago. The day I've learned about the death threat. Lahat ng mga makukuha or makararating sa kaniyang kahit anong bagay ay strictly well monitored.

I may be a paranoid man, but I don't mind. All I want is my wife's safety.

Ibinalik ko ang lahat ng cards sa loob ng drawer saka tumayo at bumalik kung nasaan si Astoria. Tumigil ako sa gilid ng kama at pinagmasdan siya.

My wife hates socializing. She doesn't have friends. Company and our house are the only places she's got. She doesn't have someone to be her enemy. 

I've been watching Hael's family. So far, the death threat was not from him.

Who the hell wants to kill my wife?

Madali para sa akin kilalanin ang isang tao. Walang sikretong hindi ko nauungkat. Walang pagkataong hindi ko nadidiskobre.

Searching and collecting information about one person is easy for me, but not for my wife, except for her. 

"She lives in a province with her grandmother, Cass Del Mundo. Her parents are Mr. Pio and Mrs. Sandy Del Mundo. They are both working in city."

Finally Found The Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon