Chapter #4

29 2 0
                                    


Astoria's P.O.V

Parang gusto ko na lamang magpalamon sa lupa. Wala na akong nagawa ng isuot sa akin ang mga kailangan isuot para sa safety sa aming paglilinis. 

Tumingin ako sa iba pang narito. Mga nakapalibot na sila sa buong rooftop. Mga nakatayo na rin sila sa dulo at handa ng bumaba hanggang sa nakita kong paisa-isa na silang nawala sa kanilang kinatatayuan.

Buwis buhay pala rito. Kung alam ko lang, sana hindi na ako pumasok dito. Makakuha naman ako ng pera sa kahit saan. Oo nga't malaki ang sahod dito pero magkamali ka lang, deads ka na.

Nasa seventy palapag pa naman itong kompanyang ito.

Bigla kong naalala 'yong nag-assign sa akin dito.

"Ready ka na?" tanong ni Mang Kiko.

"Ilang taon ka na po, Mang Kiko?" natanong ko bigla.

"Sixty. Bakit mo natanong?" sagot niya na ikinabaling ko sa kaniya.

"Sixty? Bakit dito ka nakatuka? Delikado para sa'yo ang ganitong trabaho. I mean, puwede ka na nilang ilagay sa loob." saad ko,

Isang ngiti lamang ang kaniyang isinagot sa akin.

"Ganiyan ang buhay, iha." tanging sagot niya sa akin.

Sumampa na rin ako at tumalikod na. Saka inihanda ang aking sarili sa aking pagbaba.

Sumampa rin si Mang Kiko tila tinitingnan niya ang aking ginagawa.

"Talaga bang hindi ka takot sa heights?" tanong niya na parang nag-aalala siya sa akin.

Hinawakan ko ang lubid. Ang tanging hahawak sa aking buhay habang naglilinis ako ng glass wall mamaya.

"Hindi po pero ito ang unang beses kong paglilinis ng glass wall sa isang mataas na gusali." pag-amin ko sabay talon.

Itinigil ko sa tapat ng glass wall ang aking sarili. Napabuntong-hininga na lamang ako at pinipigilan kong huwag tumingin sa ibaba dahil tiyak akong wala akong makikita sa ibaba.

Kinaha ko na lamang sa aking baywang ang panlinis at agad na naglagay ako sa salamin ng sabon saka pinahid.

Ginawa ko na lamang ang aking tungkulin. Tahimik na nililinisan ko ang glass wall. Kung minsan ay nahihinto ako dahil humahangin bigla. Todo kapit tuloy ako sa lubid.

Tukneneng naman, oh!

Mataas na rin ang araw kaya babad kami sa init. Ramdam ko na ang pawis at init mula sa aking kasuotan.

Wala man lang akong makausap dito. Mayr'on kasing distansiya ang bawat isa sa amin. Kung gusto mong makausap ang isa sa kanila ay sisigaw ka talaga para marinig niya.

Napapalibutan naming mga cleaners ang buong kompanya.

Tumingin ako sa ibang kasamahan ko at namilog ang aking mga mata na ako na lang pala ang nahuhuli.

Sandali! Ang bibilis bilang maglinis, ah.

Nasa taas pa ako.

"Aish!" naibulong ko na lamang sa aking sarili.

Binilisan ko na rin ang aking paglilinis nang makahabol ako sa kanila. Mukhang mga professional ang mga kasama ko, o dahil kailangang bilisan dahil tatlong araw lang ang binigay nilang oras sa lahat ng cleaners.

Nagpukos na lang ako sa paglilinis hanggang sa nagulat ako ng mayr'ong humila ng lubid ko pataas hanggang sa marating ko ulit ang rooftop.

Napansin kong narito na rin ang lahat ng mga kasamahan ko. Kumakain na sila. Wala sa sariling napatingin ako sa aking relo. Namilog ang aking mga mata na twelve noon na pala.

Finally Found The Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon