Chapter #14

9 3 0
                                    


ASTORIA'S P.O.V

Marahang dumako ang tingin ko sa labas. Kitang-kita ko ang buwan. Napakaganda nito, bilog na bilog at ang liwanag nito ang siyang tanging ilaw dito sa aking office.

Gabing-gabi na pero hindi pa ako bumabalik ng bahay. Pinili ko na lamang na rito manatili ngayong gabi sa kompanya.

Mag-isa lang din naman ako sa bahay. Pareho lang naman. Kapag narito rin ako ay magagawa at matatapos ko pa ang mga gawain ko.

Pinatay ko ang laptop saka isinara. Napasandal ako sa swivel chair at ipinikit ko ang aking mga mata kalaunan ay tumingin ako sa wall clock. Malapit na palang mag-two ng madaling araw.

Wala pa akong tulog at hindi pa ako inaantok.

Ipinikit ko na lamang muli ang aking mga mata para mapaghingahan ang mata kong halos maghapong nakatutok sa screen ng laptop.

"Sumulpot ka lang sa probinsiya namin at tinanggap ni Lola Cass bilang tunay na apo niya. Tiyak akong hindi ka naman talaga apo ni Lola Cass dahil ang tunay na apo ni Lola Cass ay matagal ng patay." mahaba niyang salaysay.

"Iyan ang tunay na dahilan kung bakit hindi kita gusto para sa anak ko. Hindi ako nakatitiyak kung sino ka talaga at saan ka nanggaling." mariin at seryosong dagdag niya.

Totoo ang mga sinabi ng ina ni Hael. Ako ay sumulpot lamang sa kanilang lugar. Si Lola Cass ang siyang nakakita sa akin at tinuring niya akong tunay na apo niya. Sa bawat taong magtatanong kung sino ako ay sinasabi niyang apo niya ako.

Matanda na si Lola Cass ngunit may kalakasan pa siya. Iyon nga lang ay makalilimutin na siya at iyon ang tingin ng mga tao sa kaniya kaya pinaniwalaan na lamang ng lahat ng taong sa probinsiya na apo nga ako ni Lola Cass.

Kahit ang totoo ay wala talagang kamag-anak si Lola Cass dahil namatay na ang mga ito. Ngunit laging sinasabi ni Lola Cass na buhay pa ang mga ito.

Na nagtratrabaho ang kaniyang anak sa Maynila at ang kaniyang apo ay nag-aaral pa at kasama niya.

Ang iba nga ang tingin kay Lola Cass ay baliw dahil kung minsan ay nagsasalita or mayr'on siyang kinakausap kahit wala namang kausap. Dahil nga sa edad niya ay pinabayaan na lamang nila ito.

Naging maayos si Lola Cass ng makasama niya ako. Hindi na nila ito nakikitang nagsasalita ng mag-isa.

Gumuhit sa ngiti sa aking labi nang makita ko sa aking isipan ang mga matatamis na ngiti ni Lola Cass. Ang kaniyang malalambing na salita. Ang kaniyang mga tawa at pagbungisngis.

Mahal ko si Lola Cass kahit hindi ko siyang tunay na Lola. Minahal niya ako kahit hindi kami magkadugo. Dahil sa kaniya nakalimutan ko kung sino talaga ako. Naranasan kong mamuhay ng simple at payapa. Ngunit ang mga iyon ay panandalian lamang.

Nawala ang aking ngiti ng mapalitan ang masasayang alaala sa gabing 'yon. Ako ang may kasalanan kung bakit siya namatay. Ako ang nagdala sa kaniya sa kaniyang kamatayan.

Umagos ang luha sa aking pisngi.

All my life, ang tanging gusto ko lang ay mahanap ko ang lugar na para sa akin. Higit sa lahat malayo sa aking pinagmulan at nakagisnang buhay.

Pinunasan ko ang aking pisngi at umalis sa pagkakasandal. Binuksan ko ang aking drawer. Bumungad sa akin ang natanggap kong sobre.

Marahan ko itong kinuha at binuksan. Kinuha ko ang nasa loob nito. Mariin na lamang akong napapikit pagkabasa ko sa nakasulat.

Shit! They really found me.

Wala sa sariling napalingon ako sa picture frame namin ni Davian.

Alam ko sa sarili kong ang kapayapaan na mayr'on ako ngayon ay panandalian lang. Na kagaya ng una ay mapuputol din.

Finally Found The Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon