Chapter #8

27 2 0
                                    


Astoria's P.O.V

Pagkahinto ng sasakyan, kaagad bumaling ang tingin ko sa labas. Sa second entrance ako nagpatigil. Ayoko sa mismong main at front entrance na dumaan. Baka ma-highlight pa ako roon. Marami pa naman doon na mga cameras at mahuli pa ako ng mga ususera't ususero in short mga reporters.

Hindi pa naman ako kilala sa media. Ngayon pa lang din kasi ako pumunta at dumalo sa ganitong event kahit pa limang taon na akong CEO ng S&S Fashion, at kahit na every year na mayr'ong awards ang kompanya.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Nick.

Naalala ni'yo pa ba si Nick? 'Yong nagpakilala at kumausap sa akin. Nagulat ako nang makita ko siya bilang cleaners din.

Ang totoo ay personal driver ko si Nick. Siya rin 'yong driver d'on sa taxi na laging naghihintay sa akin sa labas at sa tuwing lalabas ako ay nariyan na siya agad.

Personal taxi ko talaga 'yon na inihanda niya. Para hindi mahalata at masira ang plano ko. Taxi ang siyang ginawa niyang service ko araw-araw.

Ngayong tapos na ako sa aking pagpapanggap, normal na kotse na ang gamit at minamaneho ni Nick.

Lumabas na ako mula sa loob.

"After you park the car, go inside." utos ko.

"Sa loob mo na lamang ako hintayin. Nabigyan ka ba ni Sia ng invitation?" patuloy kong ani.

Ngumiti siya at tumango bilang tugon sa akin.

Humarap na ako sa aking papasuking lugar. Nagsimula na akong humakbang hanggang sa narating ko ang dalawang nakatayo tila binibantayan nila ang entrance.

Kinuha ko ang aking invitation saka ipinakita sa kanila. Tumango ang isa sa kanila saka sabay na tumabi upang makaraan ako.

Agad akong pumasok.

Habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya da halip na sa mismong event ako dumeritso ay patungo sa restroom ang siyang aking pinuntahan.

Nang matagpuan ko na ang aking hinahanap ay kaagad akong pumasok sa loob, at ang pinakaunang cubicle ako pumasok saka ginawa agad ang aking dapat na gawin.

Hindi naman nagtagal ay natapos na ako. Binuksan ko ang pinto ng cubicle saka agad na tumungo sa sink sabay bukas ng faucet. Naghugas ako ng mga kamay ko.

Habang ako ay naghuhugas ng kamay bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae. Mabilisang tingin ang ginawa ko. Base sa kaniyang magarang kasuotan ay kasama rin siya sa mga dumalo sa event.

Nagpatuloy ako sa aking paghuhugas not minding the woman who just get in.

Mukhang magre-retouch lang naman siya ng kaniyang make-up na hindi naman ako nabigo kasi naglagay siya ng lipstick sa kaniyang labi.

Pinatay ko na ang gripo saka kumuha ng tissue na ipinampunas ko sa aking kamay.

"Don't worry, that award will be with us. Our company will be the most outstanding company in the world." Rinig kong wika ng babae.

"Yeah, I'm coming back. I just finished retouching my make-up." patuloy niya saka iniligpit ang kaniyang mga ginamit sa kaniyang pagre-retouch. Pagkatapos ay muli siyang tumingin sa salamin to check herself again.

Dumapo pa nga sa akin ang kaniyang tingin saka tinarayan ako. Tinaasan ba naman ako ng kaniyang kilay as if mayr'on siyang nakita na hindi dapat makita.

Napailing na lamang ako ng umalis na siya.

Mukhang hindi niya ako kilala. Well, ako kilala ko siya. Isa siya sa mga kalaban ko sa negosyo, a competitor. She is also a CEO. Ngunit hindi lang siya kalaban ko sa business. She is also something else.

Finally Found The Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon