Chapter #2

32 3 0
                                    


Hael's P.O.V

~~~ five years later ~~~


"Daddy, I wanna pee." ani ng aking anak na si Haenna.

"Let me go with her." mabilis naman na singit ni Ada.

Ibinigay ko sa kaniya si Haenna at hinayaan siyang samahan ang bata sa restroom.

"Hintayin natin sila roon sa tabi." segunda ni Mama saka agad na pumunta sa tinuro niyang puwesto.

Sumunod sa kaniya sina Papa at Millie. Kasalukuyan kaming narito sa Airport at kababalik lang namin ngayon galing sa Hawaii. Tatlong araw kami roon na nagbakasyon dahil gusto ni Haenna.

Pinagbigyan ko ang bata kasi bihira lang kami magkaroon ng family outing dahil busy ako sa kompanya.

Ayaw ni Ada na siya ang humawak ng kompanya ng kanilang pamilya. Mas gusto niyang magpukos sa kaniyang modeling career. Kaya ng kami ay ikasal sa akin ibinigay ng kaniyang ama ang kanilang family business, at ako na ang namahala at humawak nito.

Sumunod na rin ako sa kanila ngunit hindi pa man ako nakakailang hakbang ay bigla akong napahinto. Mabilis na tumibok ang aking puso at tila hindi ako makagalaw.

"Astoria," Tila naging mabagal ang takbo sa aking paligid nang marinig ko muli ang pangalan na 'yon.

Mabilis akong luminga sa paligid at hinahanap ang nagmamay-ari ng pangalan na 'yon.

Ngunit maraming tao sa paligid kaya hindi ko siya makita agad. Sinuri ko nang mabuti ang buong paligid ko.

Sure akong malinaw kong narinig ang kaniyang pangalan.

"Kuya," Rinig kong tawag sa akin pero hindi ko ito pinansin. Patuloy ako sa aking paghahanap.

Nang inihakbang ko ang aking paa ngunit hindi pa man ako nakahahakbang para makalayo ay mayr'ong humawak sa aking kamay. Mabilis kong nilingon ang pumigil sa akin.

"Millie?" kunot-noong tanong ko.

"Anong mayr'on, Kuya? Sino ba hinahanap mo? Kanina pa kita tinatawag pero abala ka riyan." saad ni Millie.

Muli akong luminga sa paligid.

"I heard her name." saad ko,

"Sino?" taka naman niyang wika.

"She's here," dagdag ko pa.

"Ate Astoria? Narinig mo ang kaniyang pangalan?" saad niya,

Tumango ako bilang sagot.

"Stay here. I'll look for her." saad ko saka alis ng kamay niyang nakahawak sa akin.

"Sandali! Kuya, sandali!" Muli niya akong pinigilan.

"Hibang ka ba, Kuya? Baka nagkakamali ka lang. Anong gagawin dito ni Ate Astoria? Hello, Airport ito, Kuya. Saka maraming tao rito. Hindi mo siya rito agad na mahahanap." mahaba niyang sambit.

"I need to find her." pagdadahilan ko.

I want to see her.

Simula ng araw na 'yon. Iyong araw na nakipaghiwalay ako sa kaniya ay hindi ko na siya ulit nakita pa.

Nang pumunta at bumisita ako sa aming probinsiya ay wala na siya roon. Walang nakakaalam kung nasaan na siya pagkatapos mamatay ni Lola Cass.

Inilibing si Lola Cass ay sa araw din mismo ng aking kasal at halos ng mga taga sa amin ay dumalo sa aking kasal. Kaya sigurado akong wala siyang naging karamay sa araw ng mawala si Lola Cass.

Finally Found The Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon