Hindi maiwasang mapangiti ni Scylla ng sa wakas tapos na rin ang exam nila. Their 2days examination was finally done. Natutuwa pa lalo siya kapag naalala na excempted siya sa ibang subject kaya naging mas madali sa kaniya ang pag re-review para naman sa mga subject na kailangan niyang i-take. Talagang sineryoso niya ang final exam na ito dahil ayaw niyang bumaba ang kaniyang grado.
Mabilis siyang nagkalakad palabas ng room at napatingin sa cellphone pero napahinga ng hangin ng mapansin na lobat ang cellphone niya. Hindi tuloy niya alam kung paano maco-contact si Jiedazer. Hindi niya na rin kasi nagawang mag charge ng cellphone kanina dahil sa pagmamadali. Alam niya kasing kanina pa nakauwi si Jiedazer dahil hindi sabay ang oras ng exam nila. It's 11:45 at kanina pang mga 10:45 ang uwian nila Jiedazer.
Hindi pa naman din sila nakapag usap kaninang umaga dahil inabala niya ang sarili sa pag re-review kaya hindi niya alam kung nasaan ito pero kaysa naman nakatunganga lang siya ay napag desisyunan niya na lang umuwi.
Uuwi muna ako at mag cha-charge pagtapos ay tsaka ko na lang ite-text si Jiedazer. Isip niya.
At gano'n nga ang ginawa niya, nag abang siya ng sasakyan at mabilis din naman siyang nakauwi ng makasakay. Mabilis ang pagpunta niya sa unit ni Jiedazer, ayaw niya kasing isipin na baka nag hihintay na naman si Jiedazer sa kaniya ng matagal.
Nang mabuksan ang pinto ay dali dali niya itonh sinara muli at nagpunta sa kwarto pero gano'n na lang siya natigilan ng makita roon si Jiedazer. Nakaupo ito sa harap ng study table habang nakaharap sa laptop, may suot pa itong headphone. Nang makita ang ginagawa ng lalaki ay napangiti siya, he was playing valorant at seryosong seryoso kaya siguro hindi nito naramdaman ang pagpasok ni Scylla idagdag pa ang suot nitong headphone.
Seryosong seryoso ito sa paglalaro, napangiti siya ng masaksihan pa minsan ang pagkunot ng noo nito at mahinang pagmumura.
Tahimik siyang naglakad papasok sa kwarto at inilagay sa isang sulok ang kaniyang bag tsaka tahimik na naupo sa kama medyo malapit sa study table kung nasaan si Jiedazer. She wants Jiedazer to know that she's here
She smiled when Jiedazer's glanced at her. Mabilis niyang tinanggal ang suot na headphone pati ang pag kaka-plug nito sa kaniyang laptop at muling tumingin kay Scylla. Gusto kasi niya na naririnig ni Scylla ang usapan nila nula ng nga kaibigan kahit pa puro murahan lang iyon.
"Kanina ka pa riyan?" He asked.
Umiling ito. "Kadadating dating lang."
"Nag text ako, eh pero hindi ka nag re-reply kaya sabi ko dito na lang muna ako mag hihintay at paguwian mo na babalik ako sa school pqra sunduin ka, hindi ko napansin ang oras." Napakamot ng ulo si Jiedazer, mahina namang natawa si Scylla at umiling.
"Okay lang, hindi ako nakapag reply. Lobat na rin kasi hindi ako nakapag charge kanina." Tumayo ito mula sa pagkakaupo at lumapit sa study table, hinanap niya ang charger at agad na chinarge ang cellphone niya ng makita ito.
Tingnan niya sandali si Jiedazer na bumalik sa nilalalaro. Hinayaan niya na lang muna ito at kumuha ng pamalit na damit tsaka mabilis na nagpalit sa CR. Hinanger niya ang uniform na suot at ng matapos ay muli itong sumilip sa paglalaro ng binata. Actually wala siyang maintindihan sa nilalaro nito naiintindihan lang niya kapag nakikipag baliran na si Jiedazer sa kalaban. Naririnig niya rin ang mga pag uusap ng kaibigan ni Jiedazer pero hindi na niya binigyang pansin 'yon.
"Wala akong tutok, namatay ako."
"Last man si Jie, tangina pre ayusin mo."
"Bobo nandito pa ako?"
"Shut up, Migs. Wala kang kwentang kakampi."
"Gago, wala akong tutok h'wag kayong maingay."
YOU ARE READING
END the GAME (Game #1)
Teen FictionETG | epistolary with narration. Game # 1: Jiedazer The player Jiedazer Varano dared by his friends to play with Scylla Sarmiento, the jejemon girl with big glasses who's hiding behind the books and the one who chatted him on messenger, he doesn't...