Scylla couldn't sleep. Anong oras na pero gising pa rin siya, siguro dahil simula kanina ay hindi siya nakaka-receive ng message mula kay Jiedazer and she's not used to it kaya ito siya ngayon nag titimpla ng gatas para may magawa o siguro para mag pa-antok.
After she make her own milk umupo siya at inilagay ang gatas sa kaniyang harapan para palamigin ito sandali. Kinuha niya ang cellphone para tingnan ang kung may message na ba si Jiedazer pero hanggang ngayon ay wala.
She shook her head. Anong oras na bakit ko hinihintay ang message niya? Siguradong tulog na 'yon. She thinks.
Bumuga siya ng hangin at tamad na pinatong ang cellphone sa lamesa. Kinuha ang gatas at hinipan iyon tsaka unti-unting sumimsim.
"La? Scy?!"
Her eyes widened, agad siyang napatayo sa gulat dahilan ng pagkakatapon ng gatas sa tasa pero buti na lang at hindi niya mabitawan ang tasa kung hindi siguradong nabasag iyon. Hndi niya lang maiwasang mapa "ouch" dahil may kainitan ang gatas na tumama rin sa kaniyang balat.
She was so shocked to hear Jiedazer's voice who wouldn't? Buong akala niya ay tulog na iyon.
"Sandali!" She shouted from the kitchen.
Agararan siyang kumuha ng basahan para punasahan ang natapong gatas. Inilagay na rin ang tasa sa lababo tsaka siya lumabas.
Kumunot ang noo niya ng makarating sa sala ng madatnan doon si Jiedazer na nakahiga na halos sa sahig dahil sa pag kakasandal nito sa dingding. Hindi niya naramdaman ang pag pasok ni Jiedazer sa condo kaya mas lalo siyang nagulat ng matagpuan pa ito sa ganitong sitwasyon. He looks drunk, halata naman kasi. Nakasandal si Jiedazer sa dingding habang pikit ang mata at paulit ulit lang dumudulas mula sa pagkakasandal kaya ang ending, napahiga na lang ito sa sahig.
"Jiedazer?" She called. Agad siyang nag lakad palapit sa lalaki para alalayan itong tumayo.
She gave all her strenght para lang maalalayan itong tumayo at mailipat siya sa sofa. Naamoy niya agad ang alcohol ng kuhanin nito ang braso ni Jiedazer para iakbay sa kaniya kaya napailing na lang siya.
"Uminom ka tapos nag drive ka? Baliw ka ba?" Naiinis niyang tanong pero nangingibabaw ang pag alala dahil bukod sa naisip niyang iyon, anong oras na ba tapos pumunta pa si Jiedazer?
She sat beside Jiedazer ng sa wakas ay naiupo niya ito. Naka-pikit si Jiedazer kaya hindi niya rin namalayan na nakatitig na pala siya rito. Hindi niya ito magawa gawa tuwing magkasama sila, ngayon kasi tahimik bukod pa roon tulog si Jiedazer.
Bakit ang gwapo mo kahit walang ginagawa? Tanong niya sa isip.
"La?" Nanlaki ang mata niya sa biglaang pagtawag ng lalaki kaya agad siyang nag iwas ng tingin dito. Kumalabog ang dibdib niya at inipit ang parehas na labi tsaka bahagyang inilayo ang sarili sa lalaki.
Nakamulat na si Jiedazer gamit ang mga matang antok na nakatingin sa kaniya.
She cleared her throat and answered. "Bakit?"
"I missed you." Jiedazer pouted.
He opened his arms like welcoming Scylla for a hug, pero dahil hindi niya iyon inaasahan, sandaling napatitig siya kay Jiedazer.
"Come on, hug, hug, hug!" Jiedazer shouted like a child.
Napangiwi na lang si Scylla na naging ngiti rin kalaunan. Kulit. Isip niya.
"Ayoko. Amoy alak ka at sinong nag sabi sa'yong mag drive ka ng lasing at pumunta rito ng ganitong oras?" Pag iiba niya ng usapan, avoiding Jiedazer's hug.
YOU ARE READING
END the GAME (Game #1)
Fiksi RemajaETG | epistolary with narration. Game # 1: Jiedazer The player Jiedazer Varano dared by his friends to play with Scylla Sarmiento, the jejemon girl with big glasses who's hiding behind the books and the one who chatted him on messenger, he doesn't...