124

11 2 0
                                    

Hindi maiwasan ni Scylla na mapatitig kay Jiedazer habang abala ang lalaki sa harap ng kaniyang laptop.

Guwapo na nga ito mas lalo pang gumwapo ngayon na seryosong seryoso siya.

Wala namang pasok dahil sabado kung tutuusin pero malapit na ang graduation ibig sabihin kaliwa't kanan na ang mga gawain na kailangan nilang matapos.

Sa coffee shop nila naisipan mag ayos ng mga kailangan nilang tapusin. Mabilis talaga ang araw dahil nung isang linggo katatapos lang ang graduation pictorial nila at ngayon naman nag aasikaso sila para sa mga dadating na sakuna.

Anong sakuna?

Scylla's just preparing for their 4th quarter examnination and Jie was busy of revising their entrep paper.

"Bakit?" Gulat na tanong ni Jiedazer sa kaniya ng mapansin si Scylla na nakatingin sa kaniya. Abala kasi ito sa pag titipa ng mga kailangan i-revise ng pepel sa entrep pero natigilan siya dahil don.

Maliit na ngumiti naman si Scylla at umiling.

"Bored ka na ba?" Tanong ulit ng lalaki.

Mabilis siyang umiling.

"Hindi, may ginagawa rin kaya ako." Aniya at inayos ang mga papel na nads harapan at kumuha ng isang highlighther.

"Buti na lang talaga mung nakaraan pa tapos ang research defense, mas madali na 'tong mga kailangan ngayon, eh." Sabi ni Scylla matapos guhitan ng highlighter ang hawak na reviewer.

"Agree. More on long test na lang din talaga ngayon tapos 4th quarter examnination." Pag sang ayon nito at muling bumalik sa ginngawa.

"Buti na lang talaga wala ng accounting ngayon." Mahinang sabi pa ni Scylla pero sapat lang din para marinig ni Jiedazer.

"Gaano ba kahirap ang accounting?" Tanong nito rito.

Natandaan niya kung paano nito iyakan ang accounting kaya napailing din siya sa sariling tanong. Napatingin siya kay Jiedazer na ngayon ay nakatingin din sa kaniya.

"I consider accounting as my weakness, gano'n lang naman."

"Oh. Mukhang mahirap nga."

"Duh iniyakan ko 'yon."

"I remember that." Pag sang ayon niya at sabay sila mahinang natawa.

Pagkatapos ng sandaling paguusap ay natahimik sila dahil sa pagiging abala. Tumunog ang cellphone ni Jiedazer at ilang munuto pa bago niya ito tiningnan, nang matapos makita ang nag message ay napatingin siya kay Scylala na abala naman sa pag aayos ng mga highlighter ngayon.

"Scyla," Tawag nito sa kaniya.

Agad na napaangat ng tingin ang babae na parang nagulat pa dahil sa seryoso nitong pagtawag sa pangalan niya.

"Bakit?"

"Be my date,"

"Huh?"

"Be my date,"

"Anong meron? Saan ba?"

"Just say yes,"

"Huh? Y-yes?"

"Wala ng bawian 'yan ha." Nakangiting sabi sa kaniya ng lalaki na muling ibinalik ang paningin sa laptop kaya kumunot ang noo niya.

Para saan ba? Anong date? Hindi pa ba date ang ginagawa namin? review date? Napailing siya sa naisip.

Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa mesa, kinuha niya iyon at tiningnan. May message ang president ng section nila tungkol sa gradball at gano'n na lang ang gulat niya ng mapagtanto kung bakit gano'n ang tanong sa kaniya ng lalaki.

He just asked her to be her date on their Graduation ball!

ROSEY

END the GAME (Game #1)Where stories live. Discover now