115

8 1 0
                                    


Scylla was busy playing with Jie's hair.  Nasa sala sila ng Condo habang naka-upo ito sa sofa at ang binata naman ay nakahiga sa sofa habang nakaunan sa kaniyang hita. Sabado ngayon at parehas naman silang walang pasok.

"La, saan mo planong mag college pagka-graduate ng senior high?" Biglang tanong ni Jie sa kaniya. She stopped for a moment, natigil ito sa paglalaro ng kaniyang buhok at napaisip.

"Naisip ko lang kasi isang buwan na lang halos tapos ga-graduate na tayo, may school ka na bang naisip pauskan?" Bumangon si Jiedazer sa pagkakahiga at maingat na tiningnan si Scylla.

Ngayon lang ni Scylla naisip ang tungkol doon. Oo nga at malapit na silang makatapos sa senior high pero wala pa rin siyang plano tungkol sa pag co-college niya. Ngayon na itinanong ito sa kaniya ng binata doon lang niya naisip ang lahat, ang sitwasyon niya. Malaki lari rin naman ang kinikita niya sa trabaho na nakita sa online peri hindi niya alam kung sapat na 'yon para mapag aral niya ang sarili idagdag pa ang mga gastusin.

At ang tirahann, kahit walang sinasabi si Jiedazer sa pananatili niya sa condo niya naisip niya rin na hindi naman pwedeng ganito, na iasa niya sa kaniya ang tirahan kahit okay lang para kay Jiedazee.

"It's okay, hindi mo naman kailangan sagutin agad." Bumalik siya sa reyalidad ng magsalita ulit si Jiedazer. Jiedazer smiled while looking at her, para bang binabasa nito ang naiisip niya.

Napapikit na lang ito ng marandaman ang halik ng binata sa kaniyang sintido ng lumapit ito sa kaniya.

"You always have time to think, okay." Dagdag nito.

"Jie, naisip ko lang na siguro kapag ka-graduate maghanap na rin ako ng sarili kong tirahan." Sabi nito sa kaniya.

Kumunot naman ang noo ni Jiedazer. "Bakit ayaw mo na rito?" Nag aalala nitong tanong.

Umiling siya at ngumiti. Inayos nito ang mga hiblang buhok na humaharang sa paningin ng binata.

"Hindi gano'n. Naisip ko kasi na hindi pwedeng ganito Jie. I'm so thankful na pinatira mo ako rito, ilang buwan din pero kasi habang nandito ako sa 'yo parang kargo mo ako sa lahat ni hindi mo ako hinahayaan gumastos at hindi dapat gano'n una pa lang." Huminga ito ng malalim.

"Sa totoo lang ngayon ko lang din naisip na grabe na mga nilalabas mong pera pagdating sa 'kin." Dagdag nito.

"This is not about the money, Scylla." Hinawan nito ang kamay ng dalaga. Hindi niya talaga iniisip ang perang nilalabas niya kapag tungkol kay Scylla.

"It is, Jie. Okay na dapat na pinatira mo ako rito pero halos sa lahat ikaw pa rin ang nagastos and I want that to stop at naisip ko habang narito ako sa' yo hindi matitigil 'yon." Anito.

"Just stay here. Kung tungkol sa pera lang naman pala edi I'll stop it. I promise I'll try to stop it." Itinaas nito ang kanang kamay na parang nangangako. Scylla smiled and held his hand.

"Jie, hindi nga. Hindi gano'n kadali 'yon ang sa akin kasi hindi pwedeng dito talaga ako tumira dahil lang madali para sa 'yo o para sa 'kin."

"What do you mean?"

"Ayokong dumepende sa 'yo, Jie. You already helped me with a lot of things, ayokong gano'n pa rin kapag nakatapos ako ng senior high."

"Naiintindihan mo naman ako 'di ba?" Masuyo niyang tanong sa binata habang hinahaplos ang pisgi nito.

"Iiwan mo ako." Parang bata itong yumakap sa kaniya. Natawa na lang siya at yinakap din ito. Hinayaan niyang matumba ang katawan sa sofa kaya pareho silang nakahiga ngayon sa sofa habang magkayakap na bahagya pang nakaibabaw ang kalahating katawan ng lalaki dahil samay kaliitan ang sofa.

"Naiintindihan ko naman ang pinupunto mo, ayoko lang kasi isipin na aalis ka rito." Anito ng mag angat ng tingin sa babae habang nakayakap pa rin ito sa kaniya.

"Sige, tutulungan kita mag hanap ng titirahan pero habang hindi pa tayo nakaka-graduate rito ka muna." Nakangiti nitong sabi sa babae.

Napangiwi naman si Scylla at mahinang kinurot ang tagiliran nito.

"Sige na. Malapit na rin naman graduation, eh." Dagdag nito.

Nag kibit balikat si Scylla. "I'll think about it."

Hinaplos niya ang buhok ni Jiedazer. Sobrang nag papasalamat talaga siya rito sa biglaang pagdating nito sa buhay niya.

"Dazer," Mahinang tawag niya rito.

"Hmm?"

"Naisip ko lang,"

"Hmm?"

"Ang swerte ko sa 'yo."

Nagulat siya sa biglaang pag bangon ng lalaki, deretso itong napatingin sa kaniya.

"Naisip ko nung una baka tini-trip mo lang ako kasi biglaan ang pagpasok mo sa buhay ko pero ngayon naisip ko na ang swerte ko kasi biglaan kang pumasok sa buhay ko."

"Hindi mo naman ako tini-trip trip lang 'di ba?" Bumangon ito sa pagkakaupo at matapang nilabanan ang titig ng lalaki na parang nagulat sa sinabi niya.

She then closed her eyes when he felt his lips on her forehead.

"Hindi ko gagawin sa 'yo 'yon." Bulong nito sa kaniya.

"Can you promise me?" Taning nito sa lalaki. Gusto niya lang talaga marinig iyon galing mismo kay Jiedazer.

Niyakap siya ni Jiedazer at maingat na hinalikan sa noo. "I promise."

Gumaan ang pakiramdam niya at napangiti. Malaki ang tiwala ni Scylla kay Jiedazer kaya naman ng marinig niya ang mga salitang 'yon kay Jie ay mas napanatag ang kalooban niya.

ROSEY

END the GAME (Game #1)Where stories live. Discover now