Hindi alam ni Scylla ang uunahin. She's tired, her body and brain. Kulang sa tulog at pakiramdam niya anytime babagsak siya. Siya na lang ngayon ang tao sa cafe, nakaupo siya sa kanang bahagi ng cafe kung saan kita ang labas sa transparent na salamin habang kaharap ang mga school works niya.
Scylla's doing her missed output sa isang linggo niyang hindi pagpasok dahil bukas pasukan na naman. Pero sa dami nito hindi alam ni Scylla kung ano dapat ang uunahin, she's breaking down mentally. Pinipigilan niya ang umiyak habang kaharap ang mga papel sa kaniyang harapan. May nasimulan naman siya kaninang madaling araw ng makauwi sila ni Jiedazer galing sa 7/11 pero nakatulugan niya rin ang mga ito and she woke up late in the morning. She want at least finish one of her output pero sa sobrang daming iniisip niya wala pa siya ni isang natatapos.
Sobrang pagod na siya and yet alam niyang hindi siya pwedeng mag pahinga dahil kapag hindi niya tinapos ang mga nakaligtaang outputs alam niyang bababa ang grado niya. Lahat ng subject ay may missed activity siya core and major subjects at ang iniisip niya kailangan niyang unahin ang major subjects pero paano? She's breaking down, naiiyak na siya at hindi niya alam kung paano kakalma. Alam niyang kailangan niya munang ikalma ang isipan para makapag simula, she breathe in and breathe out.
"Huwag kang iiyak, hindi 'to first time." Bulong niya sa sarili while trying to calm herself down. Yes this is not the first time pero alam niyang iba ngayon, hindi na pwede ang late submission nakiusap lang talaga siya sa mga subject teachers dahil nga nagkasakit siya, the teachers understand her pero imbes na nag sisimula na siyang gumawa, wala, hindi niya alam kung paano sisimulan.
Kinuha niya ang cellphone. Nakita niya na may message si Jiedazer pero dahil hinahabol niya ang oras para kahit isa may masimulan at matapos siya kaya hindi na siya nag reply. She sighed deeply bago napag pasyahang kuhinin ang ballpen. Sinimulan niya ang missed output sa business finance.
Patingin tingin si Jiedazer sa cellphone na nasa dashboard habang nag mamaneho baka kasi nag reply na si Scylla pero wala pa rin. Galing sila ng mga kaibigan sa Lifestlye District at ngayon lang nagkayayaan umuwi. Hindi naman siya gaano uminom dahil alam niyang mag mamaneho siya.
"Gising pa ba siya?" Tanong niya sa sarili habang nagmamaneho sa direksyon ng cafe nila Scylla.
"Nasa cafe pa naman siguro siya 'di ba?" He asked himself again pero ipinilig niya na lang ang ulo at pumikit. Humigpit ang kapit sa manibela at isinantabi ang mga iniisip.
Ang alam niya lang kaya niya ginagawa ang lahat ng ito ay parte ito ng deal, kailangan niyang makuha ang loob ni Scylla at para mangyari 'yon kailangan niyang mapalapit kay Scylla so he did at ngayon papunta siya kay Scylla.
Pinatay niya ang makina ng sasakyan ng makarating sa Cafe. Bukas pa ang ilaw yet he knows na wala ng tao rito dahil wala ng ibang sasakyan na nakaparada kundi ang kaniya. Bumaba siya at naglakad palapit sa cafe pero natigilan siya ng matanaw ang pigura ng isang babae sa loob. Nakaupo ito sa kanang bahagi ng cafe kaya kitang kita ito sa transparent na salamin. Nakayuko si Scylla kaya hindi makita ni Jiedazer ang mukha nito pero nakita niya king gaano karami ang mga papel sa harapan niya.
Hindi na si Jiedazer nag tagal doon. Nag lakad siya papasok sa Cafe at ng tuluyang makapasok inaasahan niya na sasalubungin siya ni Scylla ng ngiti at kaway pero hindi, nanatili si Scylla na nakayuko at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
Biglang nakaramdam ng pagaalala si Jiedazer kaya walang pag aalinlangan siyang naglakad palapit kay Scyll and there, he saw Scylla crying while facing her school works.
YOU ARE READING
END the GAME (Game #1)
Ficção AdolescenteETG | epistolary with narration. Game # 1: Jiedazer The player Jiedazer Varano dared by his friends to play with Scylla Sarmiento, the jejemon girl with big glasses who's hiding behind the books and the one who chatted him on messenger, he doesn't...