134

17 1 0
                                    

"Ang dami mong utang na kwento sa 'kin, bakit hindi mo sinabi na 'yong boyfriend na sinasabi mo si Migo pala?" Hindi makapaniwalang tanong ni Scylla sa kaibigan. She's still in shock, naalala niya kasi ng unang beses itong nag kwento tungkol sa boyfriend niya na hindi naman niya binigyan ng pangalan at ngayon malalaman niya na si Migo pala 'yon?

Aureya looked away. "Masyado kasing komplikado, eh." Aniya.

Sandaling napatitig si Scylla sa kaniya, napansin nitong hindi handa ang kaibigan mag kwento tungkol doon kaya tumango na lang siya at hindi na nag tanong pa.

Si Brent, Migo, Aureya, Jiedazer at si Scylla ang magkakasama ngayon sa table. Sila lang ni Aureya ang naiwan ngayon dahil nag paalam ang mga lalaki na kukuha ng pagkain sa sweet corner.  Si Ivann ay nasa kabilang table kasama si Yumi. Napansin niya ang pagiging mailap sa kaniya ni Yumi kaya naman hinayaan niya na alng ito.

"Ang tagal nila 'no?" Sabi niya na lang

Aureya looked at her teasingly. "Miss mo agad si Jie?" Nang aasar nitong sabi sa kaniya.

Nanlaki ang mata niya at bahagyang hinampas ang kaibigan. "Anong miss ka r'ya?" Masungit na sabi nito at inirapan pa siya. Tumawa lang si Aureya.

Napatingin siya sa emcee na nag sasalita, marami itong sinasabi na hindi niya na rin maintindihan dahil nasa may kalayuan sila nakaupo at malakas din ang background music. Marami silang schoolmate na pakalat kalat sa tabi tabi at meron din namang mga nakaupo lamg katulad nila. Ang sawayan ang pinaka hihintay ng lahat pero syempre bago mag simula sa gano'n ay may opening remarks pa ang event.

"Hey there." Bumaling siya ng marinig ang boses ni Jiedazer na umupo sa kaniyang tabi. She smiled.

Nakita niya ang hawak nitong sweets sa kaliwang kamay at ang glass of water naman sa kanang kamay.

"Ang dami naman? You don't like sweet that much para kumuha ng ganiyang karami?" Takhang tanong niya, paano punong puno naman kasi talaga ang laman ng platito.

"I know and you like sweets kaya dinamihan ko. Here." She automatically opened her mouth when Jie offered a bite of a graham balls.

"Thank you," She said smiling while swolling the food.

"No worries." He said and kissed Scylla's temple.

They are so busy eating when Brent spoke. He's sitting in fromf of them.  "Sana pala sumama na lang ako kay Ivann sa kabilang table. Ang sakit niyo sa mata." Nag bibiro ang tono nito at umiling pa.

"Mabuti pa nga lumipat ka ro'n kay Ivann. Nakakairita ka." Si Migo na abala rin kay Aureya ay nag salita.

"Tamang desisyon 'yan. Lumipat ka hindi ka namin kailangan dito." Si Jiedazer.

"Hindi kayo mabiro psh." He stood up. "Doon nga muna ako, bye lovebirds." He said and left the table.

Nagkatinginan na lang si Scylla at Aureya at sabay mahinang natawa. Ipinag patuloy nila ang pagkain, minsan ay nag ka-kwentuhan. Ni wala na silang alam sa nangyayari sa paligid kaya naman ng tumayo si Jiedazer at nag lahad ng kamay ay naguguluhan itong tumingin sa kaniya.

"Can I be your first and only dance for tonight?" Nakangiting tanonv ni Jiedazar.

She's in shock. Sasayaw na? Napatingin siya sa paligid at nakita nga ang iba na mag tatayuan na papunta sa harapan even Migo and Au, nakita niya rin si Ivann at Yumi.

"Again, the dance floor is now open. You can now dance as much as you want." Narinig niyang sabi ng emcee.

"Baby, I'm waiting." Sabi ni Jiedazer kaya napatingin ito sa kaniya at sa mga kamay nitong nasa harapan niya.

END the GAME (Game #1)Where stories live. Discover now