Maaga akong umuwi sa mansyon . Pagdating ko ay tahimik ang buong mansyon. Walang mga kasambahay ang nasa paligid siguro ay nasa kanya kanya itong mga kwarto.
Mas ayos na rin ito para matiwasay akong makaalis.
Dali Dali akong pumasok sa aking silid at sinimulang impakehin ang mga kagamitan kong dinala dito. Mabuti nalang ay kunti lang ang dinala kong gamit dito.
Napabuntong Hininga ako. Ayos na rin siguro to. Mag hahanap nalang ako ng panibagong trabaho para buhayin ang sarili ko at matapos ko ang pag aaral ngayong taon.
Napailing ako at sinukbit ang bag pack KO at isang di kalakihang maleta. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto sinigurado kong malinis kong lilisanin ang kwartong minsan kong naging kasama sa paghihirap ko sa loob ng mansyong ito.
Hanggang sa nasa harapan nalang ako ng malaking gate. Dala ang mga gamit ko. Iniwas ko ang tingin at tumalikod na. Ayokong may makakita sa pag alis ko. Kaya mas minabuti kong dalian ang kilos ko.
Pumara ako ng taxi may huminto naman kaya nakahinga ako ng maluwag. Papasok palang sana ako pero may biglang humigit sa kaliwang kamay ko.
Si Dash , akala ko ay si hunter nakaramdam ako ng sikip sa dibdib . May parte saakin na nagbabakasakaling pipigilan ako niya. Ngunit alam kong hindi mangyayari yun.
"Saan ka pupunta Quin? Pakiusap wag mo na akong iwan." puno ng emosyon ang mukha nito. Para bang anu mang oras ay maiiiyak na ito. Aligaga niyang kinuha ang dala kong maleta.
Sa nakikita ko sakanya parang pinipiga ang puso ko sa sakit.
Anu ba tong nararamdaman ko?
Si Dash bakit sobra siyang mag alala sakin? Anu bang tingin niya sakin? Bakit simula't sapol iba na ang trato niya sakin.
Sobrang naguguluhan ako.
"Quin, sumama ka sakin ilalayo na kita dito."
Hihilain palang sana niya ako ng may biglang umimik sa likuran namin.
"Touching my property without my consent is... Rude"
Parang may bumukol sa lalamunan ko. Anu na Quin? Nandyan na si Hunter bakit di ka makaimik. Nakakatakot ang itsura nito. Parang bumalik lahat saakin ang mga alaalang pilit kong nilimot.
"Mali pala ang palayuin ka my Quin, dahil may mga nakaabang pala."
![](https://img.wattpad.com/cover/361826400-288-k230534.jpg)
BINABASA MO ANG
BULLY'S OBSESSION
RandomHuminga ako ng malalim baka sakaling maibsan Yung sakit at takot na nararamdaman ko. Nasa loob ako ng bodega , nakakulong. Hindi ko naman pinangarap na maging ganito Ang Buhay ko. Wala sa isip ko ang makapag aral sa isang mamahaling paaralan ,sapat...