Chapter 1

1.4K 17 1
                                    

NAKAPANGALUMBABA sa may bintana ang labinlimang taong gulang na si Maggie.

Alas-onse ang dating ng kapatid niyang si Marlon, at bagama't mahigit pang isang oras ang ipaghihintay niya, inip na inip na ang kanyang pakiramdam.

Fresh graduate si Marlon sa kursong Engineering. Right after graduation, nag-take ito ng board exams at pumasa naman. His job came easy. At mula nga noon, dalawang beses pa lang yata itong dadalaw sa kanila.

Christmas break noon.

Wala siyang ibang pinagkakaabalahan kundi ang mag-cross stitch. Ngunit dahil darating ang kaisa-isang kapatid, wala siya sa mood para ipagpatuloy ang pagtahi ng Minnie Mouse design. Excited siyang makita si Marlon.

Last week lang nila natanggap ang telegrama nito. He filed a vacation leave for a week para sa piling nila ito makapag-celebrate ng Christmas. Sa huli, binanggit nitong kasama nitong uuwi ang kaibigang si Lawrence.

Curious siyang makita sa personal si Lawrence. Mula nang magtrabaho si Marlon sa Triple Engineering, wala na itong ibang binabanggit, sa sulat man o sa telepono, kung hindi si Lawrence.

Naging magkaibigan umano ang dalawa sa unang linggo pa lang ng pagtatrabaho ni Marlon. Lawrence was very supportive. Ahead ito ng anim na buwan sa kompanya. At dahil bagong salta ang kapatid niya sa Maynila, palaging nakaalalay dito si Lawrence. Bandang huli, kay Lawrence na rin natutuhan ni Marlon ang ilang kalokohan sa buhay.

Naiinggit si Maggie sa kanyang kapatid.

Parang gusto niyang ipagpilitan sa mommy nila na sa Manila na siya i-enrol pagtuntong niya ng college. Kapag nagkukuwento si Marlon ng tungkol sa buhay-siyudad, gustung-gusto rin niyang maranasan ang ganoon.

Kung tutuusin, hindi naman atrasado sa sibilisasyon ang San Agustin. Mahigit dalawang oras lang ang biyahe mula roon papuntang Maynila. Malapit din iyon sa Cabanatuan City. Pero sa pananaw niya, iba pa rin sa Maynila.

Hindi pa man, nag-iisip na siya kung anong kurso ang kukunin kapag nag-college siya. Malayo sa konsiderasyon niya ang kung alin ang gusto niyang maging trabaho pagdating ng araw. Ang iniisip niya ay kung anong kurso mayroon sa Maynila na mabibigyang-katwiran niyang kunin na hindi pahihindian ng mommy niya.

Definitely not Computer Science, kahit na anong build-up pa ang gawin ni Marlon sa kanya. Ayon kasi rito, hindi siya mahihirapang kumuha ng trabaho kapag ang kursong iyon ang tatapusin niya. Maraming schools ang nag-o-offer ng ganoong kurso sa probinsiya. Kapag ganoong kurso ang kinuha niya, malabo na ang pangarap niyang makapag-aral sa Maynila.

She always dreamed big. Hindi niya gustong kung kailan lang maghahanap ng trabaho ay saka pa lang makakatuntong ng Maynila. She wanted to make a name in the corporate world. At kahit na bata pa lang siya, matining na sa isip niyang mangyayari ang pangarap niyang iyon.

"Maggie!"

Nagulat pa siya nang marinig ang tawag ng mommy niya. As usual, high pitch ang boses nito kahit hindi naman galit. Nanulis ang nguso niya. Sigurado siyang umabot sa kapitbahay ang boses ng ina. At minsan, nahihiya siya dahil baka iniisip ng mga ito na napakatigas ng ulo niya at lagi siyang napapagalitan dahil sa lakas ng tinig ng mommy niya.

"Maggie!" ulit na tawag ni Mrs. Gilda Tordecilla.

"Nandiyan na po, Mommy!" Halos palundag pang umalis sa kinauupuan si Maggie. Ganoon siya palagi. Kapag isinigaw ng mommy niya ang pangalan niya, kailangan ay sabayan na niya ng paglapit ang pagsagot sa pagtawag nito. Mas madalas kaysa hindi, may ipag-uutos ito sa kanya.

"Ang tagal mo namang tawagin." Nagbaba na ng tinig ang mommy niya nang makita siya. Busy sa harap ng oven si Mrs. Tordecilla. Kung anu-anong ingredients ang nakikita niyang ipineprepare nito na tila isang barangay ang nakatakdang pakainin. "Kinulang ang gagamitin kong itlog. Ibili mo ako sa grocery."

Just One Kiss - Jasmine EsperanzaWhere stories live. Discover now