Chapter 10

753 11 1
                                    

GISING na gising si Maggie. Kumilos siya para tumagilid at pagmasdan ang natutulog na si Lawrence. His chest rose and fell at the steady rhythm of sleep.

She made a weary sigh. At pagkatapos ay yumuko at kinintalan ito ng halik sa isang sulok ng mga labi. Marahan siyang bumaba sa kama at hinagilap ang mga damit.

Alas dos y medya na ng madaling-araw. At bagama't maligaya siya sa nangyari, may sundot pa rin siyang nararamdaman sa kanyang budhi. Lawrence was still married.

Nagbibihis siya nang tumunog ang telepono. Ni hindi naalimpungatan si Lawrence sa unang pagtunog niyon. Nang umulit ay hindi na siya nagdalawang-isip na sagutin ang aparato.

"Hello?"

"My God, Maggie!" Boses ni Marlon. At mas malamang ang galit sa tinig nito kaysa pagkagulat.

"M-Marlon," kandautal niyang sabi. Paano niya ipapaliwanag dito ang presensiya niya sa pad ni Lawrence sa dis-oras na iyon ng gabi?

Naririnig niyang nagmumura si Marlon sa kabilang linya. Halos hindi iyon matanggap ng kanyang pandinig. Bahagya niyang inilayo sa tenga ang telepono. At noon naman naalimpungatan si Lawrence.

"Who is it?" inaantok pang tanong nito.

"Si M-Marlon." Halos ayaw lumabas sa bibig niya ang sariling tinig.

"Let me talk to him." Mabilis na itong kumilos para abutin ang telepono. "Hello, Marlon..."

Nanginginig ang katawang itinuloy niya ang pagbibihis. Tiyak niya, kung maaari lang na biglang iluwa ng telepono si Marlon ay kanina pa nangyari at malamang ay napatay na siya ng kapatid.

Ni hindi niya maunawaan ang pag-uusap ng dalawa gayong nasa malapit lang siya. Her thoughts were occupied. Paano niya kukumbinsihin si Marlon?

Tapos na siyang magbihis ay nag-uusap pa rin ang mga ito. She was left with no choice but to sit and wait. Lawrence was still in his birth suit. Ni hindi inabalang takpan ang sarili.

Iniiwas niya ang tingin. She was being seduced gayong hindi naman iyon sinasadya ni Lawrence. Para pa siyang nagulat nang ibaba na nito ang telepono.

"What did he say?" tanong niya.

"Your mother had a heart attack."

"What?" bulalas niya. Lalo nang sinalakay ng guilt ang dibdib niya. Nakarma ba siya dahil pumatol siya kay Lawrence? At bago pa man natapos ang isiping iyon ay awtomatiko nang bumalong ang kanyang mga luha.

"Relax, Maggie. Your mother's fine now. Napagod yata noong birthday ni Marlon. Okay na siya kaya nag-decide si Marlon na ipaalam sa iyo."

She was about to speak nang muling tumunog ang telepono. Parang may phobia na tiningnan lang niya ang aparato.

"Hello?" Si Lawrence ang sumagot. "She's here. Just a moment."

"H-Hello?" Napasigok pa siya.

"I'm sorry, Maggie," sinserong wika ni Belle. "Napilitan akong sabihin sa kapatid mo kung nasaan ka. I tried to contact you pero naunahan ako ng pagtawag niya."

"Nasa ospital daw si Mommy."

"Yeah, I know. Kaya nga wala na akong nagawa nang pilitin ako ni Marlon na magsalita kung nasaan ka."

"I'll go home. Ikaw na muna ang bahala diyan."

"Sure. Mag-iingat ka."

Kinuha sa kanya ni Lawrence ang telepono at ito na ang nagbalik sa cradle.

"Magbibihis lang ako. Ihahatid kita." Tinungo na nito ang banyo.

"No." Bigla ang pagtutol niya.

"Ihahatid kita." Nilingon siya nito. Nasa tono ang finality sa binitiwang salita.

Just One Kiss - Jasmine EsperanzaWhere stories live. Discover now