Chapter 8

644 6 0
                                    

Mas excited pa si Belle sa kanya. Kung hindi lang nito kailangang mag-report nang maaga sa hotel, ay hindi nito gugustuhing umalis ng townhouse.

Walang sinabi si Lawrence kung anong oras siya nito susunduin, pero nagising siya nang maaga. Kung excitement ang dahilan, hindi na niya alam. Ang alam lang niya ay magaan ang katawan niya nang bumangon. Pakanta-kanta pa siya habang naliligo.

Wala siyang ideya kung saan sila pupunta. Nang matapos siyang magbabad sa tub, hindi pa rin ito dumarating. Nagsuot siya ng housedress habang naghihintay sa pagdating nito.

Her hair was still damp nang tumunog ang doorbell. Instinctively, she felt it was Lawrence. Nang tunguhin niya ang pinto para pagbuksan ito, muli niyang nadama ang pamilyar na tibok ng kanyang puso.

She was stunned nang pagbuksan ito ng pinto. Nang huli niyang makitang nakabihis nang pormal si Lawrence ay noong araw ng kasal nito.

"Good morning!"

He was not as formal as before, ngunit ganoon din ang idinidikta ng suot nito. Taglay ni Lawrence ang full authority ng personalidad. His shirt was in palest blue, ang necktie ay ang darker shade nito. Ang coat ay katerno ng pantalon. His shoes were as neat as his combed hair. The perfume he was wearing was soothing to her senses, parang simoy ng hangin ang nagdala niyon sa kanyang pandama.

"Come in," aniya at iniluwang ang bukas ng pinto. "Are you sure dito ka papunta? Mukhang makikipag-board meeting ka."

"Sumaglit ako sa opisina to finish some important matters. Pero hindi mo na dapat isipin iyon. I made sure that we have all the time now."

"Where are we going? Sa bihis mong iyan, napakalimitado ng puwede nating puntahan."

Ngumiti si Lawrence. "The place may be important, pero mas importante ang pagiging magkasama natin, Maggie. Why don't you change? The clock never stops."

Tumalima siya. She chose a dress na puwedeng pang-daytime at puwedeng panggabi. Light lang din ang make-up na ini-apply niya sa mukha. Isang dark shade lipstick ang binaon niya bilang paglalaan kung formal dinner man ang pagdadalhan sa kanya ni Lawrence.

Lawrence gave her an approving look nang lumabas siya. Hindi na sila nag-aksaya ng sandali at iniwan ang townhouse.

Nasa tapat ng unit niya ang sasakyan nito. Bago sa paningin niya ang itim na Lincoln na tumambad sa kanya. Napalinga siya rito. Lawrence's wealth had never bothered her before, pero tila parang gusto niyang maalangan.

Hindi niya napansing habang nakatingin siya rito, nakasimangot na rin siya. At kung hindi nagpitik ng mga daliri si Lawrence sa harap ng kanyang mukha, hindi pa siya mauuntag.

"Shall we?" Nakangiti ito sa kanya. Bahagya siyang tumango at nauna nang humakbang. Hindi pumayag si Lawrence na hindi ito ang magbukas ng pinto para sa kanya. Inalalayan pa siya nito sa pagsakay, na ikinagulat niya. Hindi na siya nag-e-expect ng ganoong pagtrato kahit na kaninong lalaki, lalo na kay Lawrence. Para sa kanya, naubos na ang mga Boy Scout at gentlemen. Pero sa mga gestures na ginagawa ni Lawrence sa kanya, hindi niya maiwasang mapangiti kahit na sa sarili lang.

Sa ilang sandali, wala silang imikan. Isang love song na tumutugtog sa car stereo ang tanging nagpapabawas sa nakakailang na katahimikan sa pagitan nila. Hinayaan lang niya ito sa pagmamaneho. Wala siyang balak na magtanong kung saan sila pupunta. The fact na sumama siya rito ay inihanda niyang sumunod lang sa agos.

Dinala siya ni Lawrence sa 6750 Ayala Avenue. Gusto niyang magtanong pero sumunod lang siya nang bumaba ito. Sa isang boutique siya nito dinala.

"Lawrence," may pag-aalinlangan sa tinig niya. Parang gusto na niyang pumihit pabalik.

Just One Kiss - Jasmine EsperanzaWhere stories live. Discover now