Chapter 6

523 7 0
                                    

Tumingin si Lawrence sa kanya. "Are you trying to pick a fight with me for some reason, Maggie?"

"Yes," bulong ng isip niya. Dahil kung hindi, sa isang iglap lang ay mapagtatanto nitong hindi naglaho ang pag-ibig niya rito!

"Nagbibiro lang ako," sagot niya sa halip. "Dinala ko lang itong pagkain mo. Ipinaakyat na ni Marlon dahil alam niyang pagod ka. You may take a rest afterwards. Bukas na lang daw kayo magkumustahan."

Marahan niyang inilapag sa night table ang tray. Wala pa siyang balak na umalis. Gusto niyang isulit ang pagkakataong naroroon si Lawrence.

Iginala niya ang mga mata, naghahanap ng puwedeng gawin. Baka kulang ng unan. Baka kailangang palitan ang bedsheet. Pero everything was already in order.

Umunat siya ng tayo. Si Lawrence ay nasa harap ng closet, isa-isang inilalagay roon ang mga dalang damit. Gusto niyang akuin ang paggawa niyon subalit nag-alangan siya nang makita ang pagkakatikom ng mga labi nito.

"Ano ang nangyari at ipapa-annul ninyo ang kasal?" usisa niya.

Bigla siyang nilingon ni Lawrence. "Why do you want to know about my marriage?"

"I'm just curious. As I saw it, both of you were so in love during the wedding."

"I thought so."

"Hindi na ba kayo puwedeng mag-reconcile?"

Umiling si Lawrence. Iniwan nito ang ginagawa at nilapitan ang pagkain na dinala niya. Ngunit sa halip na tikman iyon, ang baso ng alak ang kinuha nito. Deretso iyong sinaid.

"I remember, may utang pala ako sa iyo."

Bumaling ito sa kanya matapos na ibaba ang baso. "Utang?"

"Oh, yes." Inilanghakbang nito ang distansiya niya at walang babalang yumuko sa tapat ng kanyang mukha. Magaang na inihagod nito ang mga labi sa kanyang pisngi. "You said you're more into kissing than hugging. I didn't grab that opportunity a while ago. Now I intend to do it."

"Too late," aniya, pinatatag ang tinig. Hindi niya gustong malaman nito na sinasalakay ng tensyon ang kanyang dibdib. "I only offer hello kisses at the door, not in bedrooms."

"So?" Ni hindi dumistansiya si Lawrence. "Maybe we could consider this a good night kiss."

Sinapo ng isang palad nito ang kanyang pisngi saka marahang ipinaling sa gawi nito. In one fleeting moment, nasa mga labi na niya ang mga labi nito.

Slowly, his lips coaxed her lips, making them slightly part, and then gradually deepening the kiss. She found her own tongue in an erotic dance with his that went on and on.

Naramdaman niya ang mga bisig nitong kumulong sa kanya. Gumanti siya ng yakap—iyong klase ng higpit na kaya niyang ibigay. It felt good molding her body with his. And she wished na sana ay hindi matapos ang mga sandaling iyon.

Nang lumipat ang mga labi nito sa makinis niyang leeg, parang may nagsiklaban sa loob ng kanyang katawan. She felt her knees turning to water. At kung hindi sa mahigpit na yakap nito sa kanya, malamang na maupos siya.

In silent yearning, sinapo ng magkabilang palad niya ang pisngi nito at siya na ang mismong umangkin sa mga labi nito.

Lawrence groaned with raw desire dahil sa kapangahasan niya. Ipinihit siya nito at marahang ibinuwal sa kama kasama ang sariling katawan.

"Tita Maggie!"

Parang malamig na tubig na bumuhos sa nag-aapoy niyang pakiramdam ang boses ni Cocoy. Nasa tapat ito ng pinto at walang tigil sa pagtawag ng pangalan niya habang kumakatok.

Just One Kiss - Jasmine EsperanzaWhere stories live. Discover now