Epilogue

888 19 1
                                    

BUTIL-BUTIL ang gumigiting pawis sa kanyang noo pero mas marami yata ang pawis na lumalabas sa mukha ni Lawrence. Pakiramdam ni Maggie ay mas nanlalamig ang palad nito kaysa sa kanya. Matingkad na ang kulay ng suot nitong face mask dahil sa tumatagaktak na pawis.

Lawrence was coaching him. Bawat pagsagap at pagbuga niya ng hangin ay kasabay ito.

Nahihirapan siya pero parang mas madali dahil alam niyang kasalo niya si Lawrence sa paghihirap na iyon.

She was delivering their first baby using the Lamaze method.

Nang mapawalang-bisa ang kasal ni Lawrence kay Jill ay agad silang nagpakasal nito sa civil rites. They were already planning their church wedding nang malaman niya na buntis na pala siya. They had decided to postpone it, pero ipinangako naman sa kanya ni Lawrence na the moment na makapanganak siya, aasikasuhin na nila ang kanilang church wedding.

Hanggang sa mga huling minuto ay wala siyang ideya kung babae o lalaki ang kanilang anak. When she had her last ultrasound, tiniyak lang niya na malusog ang kalagayan ng bata. Ayaw nilang mawala ang suspense.

Isang malalim na paghinga ang ginawa niya bago umiri. At sa pagitan nang pamamanhid at kirot na tinitiis ay naramdaman niya ang unti-unting paglabas ng anak sa kanyang katawan.

She cried for joy.

"Lalaki, Maggie." May garalgal sa tinig ni Lawrence nang bumulong sa kanya. She knew he was equally happy. Pride and joy was all over his face. Masuyong hinagkan nito ang likod ng kanyang palad bago yumuko at kintalan siya ng halik sa mga labi. "I love you."

Hinihila na siya ng matinding antok. But she managed to answer him back. "I love you, too."


Wakas

Just One Kiss - Jasmine EsperanzaWhere stories live. Discover now