Chapter 5

513 7 1
                                    

BIRTHDAY ni Marlon. He had just turned thirty. Isang buwan bago ang kaarawan niya, pinagplanuhan na nang husto ang party na iyon. Maggie took a week vacation leave. Bukod sa kailangan niyang tumulong sa preparasyon, pagtakas na rin niya iyon sa nakaka-pressure na trabaho niya bilang supervisor sa marketing department ng isang hotel.

It was lean season, but the pressure was exactly the same as during the peak season. She had to think of strategies para maka-attract ng mga kliyente. She had difficulty na mapayagan sa isang linggong bakasyon, kaya desidido siyang isulit iyon.

Pagkatapos ng birthday party ni Marlon, she still had several days to relax. Wala naman siyang ibang balak gawin kung hindi ang makipaglaro kina Cocoy at sa kapatid nitong si Chuchay. At kung mayroon mang isa pang bagay na aagaw sa oras niya, iyon ay ang mag-general cleaning sa town house na hinuhulugan niya. That was the first property na naipundar niya mula sa sariling suweldo. Ang kotse na ginagamit niya ay regalo ng mommy niya when she graduated with honors sa college.

Nakikipagkaramusahan siya sa mga pamangkin nang katukin sila ni Gilda.

"Dumarating na ang mga bisita, Maggie. Tulungan mo kaming mag-estima."

"Yes, 'My!" pasigaw na sagot niya. Bumaling siya kay Cocoy na may pilyong ngiti sa mga labing nakatingin sa kanya.

"Race!" anito at nauna nang tumakbo palabas ng kuwarto.

Akay niya si Chuchay na sumunod sa paglabas. Nakita niya ang grupo ng mga bisita. Puro mga kaklase ito noon ni Marlon noong college. Karamihan sa mga ito ay kasama ang kani-kanilang mga pamilya. Wala na yatang bachelor sa mga kaibigan nito.

"Maggie," tawag sa kanya ni Jean. "Ibigay mo na si Chuchay sa yaya. Sleeping time na niya at magsisimula na iyang magmaktol mayamaya."

"Okay," pagbibigay niya.

"Oo nga pala, balak ni Marlon na medyo pasayahin ang party pagdating ng gabi. Wear something sexy," nakangiting dagdag nito.

Hindi niya itinago ang sadyang pag-aangat ng kilay bago tinanguan ang hipag.

IT WAS like an all-day, all-night party. Ang mga bisitang tanghali pa lang nagdatingan ay naroroon pa rin. At habang gumagabi ay nadaragdagan ang mga bisita.

Sky was the limit ang maiinom. Halatang pinaglaanan ni Marlon ng budget ang birthday party nito. Then she found out na malaking kontrata pala ang nai-close deal ng kapatid niya kaya ganoon na lang ka-en grande ang selebrasyon.

Pawisan na rin siya. Umakyat siya sa silid para palitan ang suot na soft denim at cotton blouse. Namimili siya ng maisusuot nang maalala ang bilin ni Jean.

Napangiti siya kahit nag-iisa. Kung pagbabatayan ang bihis ng mga nasa ibaba, tama lang na sundin niya ang payo ng hipag. She checked her wardrobe at pumili ng isusuot. She stared at herself in front of the mirror. Not too revealing yet sexy ang napili niyang damit—halter-neck and above the knee na silk dress. May malalim na ukab sa likod at ang tanging suot niyang pang-ilalim ay panties. Built-in bra ang sumusuporta sa umbok ng kanyang dibdib.

Natural na palitan din niya ang sapin sa paa. Strappy sandals na may takong ang pinili niya. She made her hair in loose pony at matapos mag-apply ng pulbos sa mukha, lumabas na siya ng silid.

"Gusto kong ma-insecure," sabi ni Jean nang makalabas na siya. "You're so gorgeous tonight," sinsero pang dagdag nito.

Ngumiti siya. "Come on, Jean. Hindi naman siguro tayo magtatayo rito ng mutual admiration society. But looking at you, sino ang mag-iisip na dalawa na ang anak mo?"

Her sister-in-law was wearing a straight-cut dress. Mid-calves length ngunit ang slit sa magkabilang gilid ay nagpapakita ng mahuhubog na hita. She was as equally sexy as her yet still looked decent.

Just One Kiss - Jasmine EsperanzaWhere stories live. Discover now