Chapter 7

557 7 0
                                    

HIS MOUTH stayed on her breast. Tila sanggol ito na walang sawa sa paglalambing. She felt another set of sensations building up. At wala siyang nagawa kundi hayaan ito sa nais pang gawin.

Bumalik ang mga halik nito sa kanyang mga labi. Hindi nagtagal doon at lumipat sa kanyang mga mata, sa tungki ng ilong, sa magkabilang pisngi, at lahat ng bahagi ng kanyang mukha. Ang mga kamay nito ay dumadama sa bawat bahagi ng kanyang katawan. At kahit na unti-unting ibinaba nito ang kapirasong saplot niya, walang pagtutol na namutawi sa kanyang bibig.

For several moments, he once more caressed her all over. She felt his desperate need.

Nang imulat niya ang mga mata ay nakita niya kung papaanong ipinagkakasya nito ang sarili sa pagitan ng dashboard at ng upuan. His eyes were intent on her. At habang iniaayos nito ang sarili ay hindi humihiwalay ng titig sa kanya. And she was beyond thinking of anything.

When the moment he began pressing against her virginal flesh, she tensed terribly. Pakiramdam niya ay mapupugto ang kanyang paghinga sa gumuhit na kirot. At nang sumunod na magtangka itong maka-­‐‑penetrate ay lalo nang nanigas ang kanyang mga kalamnan.

"God, Maggie," daing nito. He was trying to probe harder. "Relax, will you."

"I. . I can't." Halos hindi lumabas ang tinig sa kanyang lalamunan. "Oh, please. . Hindi ko alam." Nagtangka siyang bumangon. Ang mga palad ay nakaharang sa dibdib ni Lawrence.

Tinulak niya ito.

"Anong ibig mong sabihing hindi mo alam?"

Natigil ito sa paggalaw. At ganoon na lang ang ginhawang naramdaman niya.

"Hell!" mariing mura nito. "Are you saying..."

Hindi malaman ni Lawrence kung paano nito itutuloy ang sasabihin.

She wanted to die of humiliation and frustration nang pikit-matang tumango. Nagagalit siya sa kanyang sarili at sa kawalang-alam ng mga sandaling iyon.

Lawrence swore again. Then again.

"Heavens, Maggie!" Hindi niya matukoy kung kanino nito ipinatutungkol ang galit sa tinig.

Nagsimula na itong kumilos para ayusin ang sarili, at pagkatapos mai-zip ang pantalon, hinagilap nito ang underwear na nahubad sa kanya.

Minsan pa, gusto niyang mamatay sa kahihiyan nang isuot iyon sa kanya ni Lawrence. Ngunit naisip niyang, moments ago, halos magtagumpay ito sa ginagawa nila.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" May sundot ng sumbat sa tinig nito. "Bakit pinaniwala mo akong nagbago ka na? Na hindi ka na rin naiiba sa mga babaeng kayang gawin ang anumang gusto nila sa kahit anong oras at kahit anong lugar?"

Gusto niyang kilabutan sa nakikitang galit dito. Noon lang niya nakita nang ganoon si Lawrence.

"Hell!" Minsan pa, mariing mura nito. "Do you think I'd have treated you like that if I had known?"

"Treated me like w-what?" Nakuha niyang itanong.

Matiim ang ginawang pagtitig nito sa kanya, pagkuwa'y umiling. "Hindi ko alam kung inosente ka ngang talaga. Or more wicked than any woman I've ever known. Alin sa dalawa, Maggie? Are you a professional teaser?"

"N-No."

Bumalik si Lawrence sa driver's seat. Siya naman ay bumangon na rin at inayos ang sandalan ng sariling upuan.

"Bumaba ka na, Lawrence. Aalis na ako."

Minsan pa, nilinga siya ni Lawrence bago walang-kibo lumabas ng sasakyan.

Nakasunod siya ng tingin dito hanggang sa mawala sa paningin ang bulto nito at tuluyang makapasok sa bahay. Nanatili siyang nakalingon sa dinaanan nito, at wala siyang ideya kung gaano siya katagal sa ganoong posisyon.

Just One Kiss - Jasmine EsperanzaWhere stories live. Discover now