Chapter 4

469 11 1
                                    

LIMANG TAON NA ANG NAKARAAN. Graduating na si Maggie sa college. Natupad ang pangarap niyang makapag-kolehiyo sa Maynila, kapalit ng pangako sa kanyang ina na linggu-linggo ay uuwi siya sa San Agustin.

Christmas break na naman. Kahit na marami silang planong gimmicks ng barkada, alam niyang kasama lang siya sa gayak. She had to go home.

Ang totoo, mas gusto niya iyon kaysa daluhan ang kung anu-anong parties at concerts. She had enough of city life. Dahil doon ay palagi siyang nagmamadaling umuwi sa probinsiya. Ang dahilan? Nakatutuwa kasing kalaro ang kanyang pamangkin.

Nag-asawa na si Marlon. Mahigit dalawang taon na ang makulit na panganay nito. Sa February ay nakatakdang ipanganak ang kasunod nitong anak. They shared home with Gilda dahil nag-iisa na ito mula nang mag-aral siya sa Maynila.

He had resigned from Triple L Engineering at nagtayo na lamang ng sariling kompanya. Maliit lang iyon pero unti-unting umaani ng kredibilidad sa kanilang probinsiya.

"TITA!"

Nakabuka ang dalawang maliliit na bisig ni Cocoy nang makita siyang paparating. Nakatawang sinalubong niya ang pamangkin.

"Cocoy-rukutoy! Kilikili amoy-champoy!"

Tuwang-tuwa na kinarga niya ito. Hagikhik naman ang isinukli nito sa kanya.

"Cocoy!" Dinatnan nila sa sala ang cute niyang hipag. Naisip niya, kung magiging blooming din siyang kagaya nito kapag buntis, hindi siya magdadalawang-isip na magbuntis. "Ang bigat-bigat mo na, pinahihirapan mo pa ang tita mo."

"Okay lang, Jean. Where's Mommy?"

"Nasa bayan. Kinuha iyong pinatahing damit. May kasalan tayong pupuntahan."

"Kasalan?" Nangunot ang kanyang noo. "Sino ang ikakasal?"

"Nandiyan sa divider ang invitation. Why don't you see it for yourself?" May panunudyo sa tinig nito.

Nangingiting umiling siya. Kasundo niya si Jean. Matanda lang sa kanya ito ng tatlong taon at kagara­-graduate lang sa college nang pakasalan ng kapatid niya. Lahat ng secrets niya, nasasabi niya rito.

Kinuha niya ang invitation. Halatang en grande ang kasalan. Primera-klase ang papel na ginamit sa invitation. Hindi siya magtataka kung sa primera-klase ring hotel gaganapin ang reception.

Lawrence and Jill.

Parang biglang tumigil sa pagtibok ang kanyang puso. Si Lawrence, ikakasal na? Bakit?

She knew it was a stupid question. And she also knew she was more stupid than before. Dahil pagkatapos ng limang mahahabang taon, na-realize niya na nanatiling nakadambana ang binata sa kanyang puso.

Humugot siya ng malalim na paghinga. Hindi na niya tinapos basahin ang nilalaman ng imbitasyon. Kahit hindi na niya alamin ang mga detalye, malalaman din naman niya iyon mula sa kanyang hipag at ina.

At isa pa, nagsisikip ang dibdib niyang tunghayan pa ang mga nakasulat doon.

Pasimpleng ibinalik niya sa kinapapatungan ang imbitasyon. Ni hindi na niya iyon ipinasok muli sa sobre.

"Sino ang nagdala nito?" baling niya sa hipag. Pinilit niyang maging kalmante ang tinig.

"Si Marlon. Ipinadala na lang sa opisina. Alam mo na, Lawrence is so busy these days para sadyain pa tayo rito. At saka, alam mo naman si Mommy. Kahit na nga verbal lang ang imbitasyon, dadalo iyon basta kay Lawrence. Ginastusan nga pati damit na isusuot."

Hindi na iyon nakakapagtaka. Hindi gusto ni Gilda na maging katawa-tawa ang sarili. Palagi na ay conscious ito sa proper dressing.

"Ikaw, nagpatahi ka pa?"

Just One Kiss - Jasmine EsperanzaWhere stories live. Discover now